54

709 37 10
                                    

— ||| —

Jihoon's

— ||| —

"Kamusta ka na Ji?" tanong saakin ni Soonyoung.

Tumango lang ako bilang sagot dun sa tanong niya at tsaka nagpatuloy sa pagkain ko.

Oo, pumunta ako.
Pumunta ako bago pa sumagot yung ulupong kong kaibigan.
Wala eh, feeling ko rin kasi na kailangan ko talagang pumunta.

"Nice too meet you ulit, Jihoon-ssi! Nakakatuwa lang at ngayon nameet na kita sa personal. Lagi ka kasing naku-kwento ni Soonyoung Oppa sa akin." sabi ni Soon hye.

Di ko rin expected na kasama din pala tong fiancé niya.

Sana pala di na lang ako pumunta, diba?

"Nice to meet you din." maiksing sagot ko tsaka ngumiti ng slight lang.

Narinig ko naman siyang tumawa nun kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Ay sorry kung natawa ako, ang cute kasi ng dimples mo! Nakakatuwa lang" aniya Soon hye.

Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ako sa sinabi niya.

"Salamat." sagot ko sabay inom ng tubig.

Nasisira lang araw ko eh, lalayas na lang ako dito. Mukhang naiistorbo ko din date nila.

"Mauuna na ako." sabi ko sabay tayo pero biglang hinawakan ni Soonyoung yung braso ko.

pakshet.

"Aalis ka na agad? Kakarating mo lang ah, Tsaka di pa naman tayo nakakapag-usap." sabi niya sabay hila sa akin paupo.

"Don't worry, Jihoon-ssi. Aalis din naman ako maya-maya, I'm just waiting for my friend na susundo sakin." sabi naman ni Soon hye sabay ngumiti.

mukha naman siyang mabait.

"Soon hye!!" tawag ng isang babae mula sa gilid namin kaya napatingin kami agad dito.

"Jane!!" tawag naman nung Soon hye dun sa babae.

Jane?

"oh? Jihoon? HALA JIHOON? IKAW NGA?!??" sabi nung babae saakin tsaka hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

luh? problema nito?

"Hey? Did you forget me already? it's me Jane!!!"

"Kilala mo ko?" tanong ko sa kanya.

"Yah! Nakalimutan mo na talaga ka agad ako?" dismayadong saad nito.

"Kilala mo siya?" tanong ni Soon hye dun sa Jane.

"Oo, kaso siya di nya ako maalala eh" natatawang saad nito.

Wala naman kasi talaga akong maalala? Di naman ako malapit sa babae dati unless nakilala ko siya nung nasa states pa—

"I met him in the states, Ako nga lagi nyang kasama that time pero mas nauna lang sya umuwi sa akin." rinig kong paliwanag nung Jane.

Don't tell me siya yung nakilala ko sa—

"First time namin mag-meet sa may kalsada, tapos lasing—"

POTEK! NAALALA KO NA!

"JANE!!" tawag ko sa kanya kaya napatingin ito sakin.

"N-Naalala na kita." sabi ko pa kaya napailing na lang sya sabay pinitik yung noo ko.

"Badtrip ka din eh no, bilis mong makalimot leche ka!" sabi niya kaya ngumiti na lang ako tsaka nag-peace sign.

"Oh paano ba yan? alis na muna kami ni Jane ha?" pagpapaalam ni Soon hye tsaka akmang hihilain si Jane pero naunahan ko siya.

"Bakit?" tanong niya sakin pero di ko sya sinagot at nagtitigan lang kaming dalawa.

wag ka na lang umalis! ayokong maiwan kasama ng lalaking to please lang!!!!!

"Miss mo ka agad ako? Oo na, di na ako aalis." sabi ni Jane tsaka naupo sa tabi ko.

"Dito na lang tayo Soons, Gutom na din ako eh." sabi ni Jane tsaka ngumisi sakin.

"pero—"

"No buts! Umupo ka na diyan, Cute nga nito eh double date tayo." sabi pa ni Jane.

Tumingin din siya kaya Soonyoung nun tsaka binalik yung tingin sakin.

Tila tinanong kung yun ba yung lalaking kinukwento ko sa kanya.

"Oo siya yun." bulong ko sa kanya kaya ngumisi na naman niya.

"Nice to meet you, Kwon Soonyoung." sabi niya tsaka inoffer yung kamay nya para makipag-handshake.

"Nice to meet you din, Jane Lin." sabi naman ni Soonyoung tsaka nakipag-handshake.

"So, anong relationship nyong dalawa ni Jihoon-ssi?" tanong ni Soon hye kaya napatingin si Jane sa akin.

"Kaibigan lang syempre, Diba Ji?" tanong ni Soonyoung sakin.

Hindi naman ako nakasagot nun at napainom na lang ng tubig ng wala sa oras.

"No, Girlfriend niya ko." sagot ni Jane dahilan para mabilaukan ako sa tubig na iniinom ko.

"Dahan-dahan lang naman, Ji." sabi ni Soonyoung sabay abot ng tissue sa akin.

"Girlfriend? Nagde-date kayo?" gulat na tanong ni Soon hye kaya napatingin ako kay Jane.

Umakbay naman sya sa akin nun tapos sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Yep, We've been dating for a month nung asa states kami pareho. Kaya nga sumunod ako dito sa Seoul kasi papakilala nya na ako sa magulang niya." paliwanag ni Jane tapos tumingin sakin sabay kindat.

Gago talaga tong babaeng to eh no.

"Congrats Ji, May Girlfriend ka na pala." sabi ni Soonyoung kaya napatingin kami dito.

"Ba't parang malungkot ka?" tanong ni Jane kaya napaiwas ng tingin si Soonyoung.

"Joke lang, ano ka ba?!?" pahabol na sabi ni Jane sabay tawa kaya tumawa din ako ng peke.

pota talaga to

"CR lang ako saglit." pagpapaalam ni Soonyoung tsaka tumayo at umalis.

"oppz masyadong halata" rinig kong bulong ni Jane sabay tumawa pa.

ang galing talaga gumawa ng istorya ng babaeng to eh no, humanda to sakin mamaya.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now