92

637 34 0
                                    

— | | | —

Soonyoung's

— | | | —

"lumabas ka na lang, pagkatapos mo magbihis." sabi ni Jihoon sa akin matapos niya ibigay yung damit niya.

Ngumiti naman ako nun at tsaka tumango sa kanya.

"pagkalabas mo din, dumiretso ka na pabalik sa Seoul. Sayo na yang damit ko." pagtutuloy niya kaya nawala yung mga ngiti ko sa labi.

Lalabas na sana sya sa kwarto niya nun pero agad ko siyang hinila pabalik at niyakap ng mahigpit.

"Bitawan mo ko." utos nya sakin pero di ko pa din siya binibitawan.

"Malayo yung pinanggaling ko para lang makita ka, tapos itataboy mo lang ako." sabi ko sa kanya tsaka mas lalong hinigpitan yung yakap sa kanya.

miss na miss kita tapos ganyan ka.

"Wala naman akong sinabi na pumunta ka dito diba? kaya umalis ka na lang please" sabi ni Jihoon tsaka tinulak ako ng malakas para makawala sya sa yakap ko.

Nang makaalis sya agad din siyang lumakad palabas kaya naiwan ako.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito si Jihoon, gusto ko ipaliwanag sa kanya lahat pero ayaw nyang makinig sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na tapos na siya naman talaga mahal ko pero ayaw nya akong kausapin ng maayos.

Hindi ko na alam gagawin ko.

"Oh, andito ka pala." salubong sa akin ng Lola ni Wonwoo ng makababa ako mula sa kwarto ni Jihoon

"Sorry po sa istorbo lola, hayaan nyo po uuwi rin ako." sabi ko.

Umiling naman yung Lola ni Wonwoo at tsaka hinawakan yung kamay ko.

"Bukas ka na umuwi, Gagabihin ka pa dahil sa layo ng byahe, mabuti pa't dito ka na muna matulog." sabi nito sabay ngiti sa akin.

Aangal pa sana ako pero biglang dumating si Wonwoo at Jihoon na nakangiti pa pero agad ding nawala yun ng makita nila ako pareho.

"La, tara tulungan ko na po kayo magluto ng pagkain" sabi ni Wonwoo at tsaka hinila yung lola nya papasok sa kusina.

Kaming dalawa na lang tuloy naiwan ni Jihoon dito sa may sala, tahimik lang din naman kami pareho at walang imik.

"HYUNG! LOLA! andito na po ako!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

"Shit!" rinig ko namang sabi ni Jihoon tsaka tumakbo palabas, susundan ko sana siya kaso biglang may humila sa akin pabalik.

"Oh, Wonwoo bakit?" tanong ko sa kanya

"P-pwede bang tulungan mo muna si Lola sa kusina? may nakalimutan kasi akong bilhin eh" sabi niya kaya tumango na lang ako at pumunta sa may kusina, pero hindi pa din mawala sa isip ko yung boses na narinig ko.

parang si seokmin kasi yung narinig ko.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon