96

627 36 6
                                    

—  | | | —

Jihoon's

— | | | —

Pagkagising ko, binalita na lang sakin ni Lola na bumalik na daw si Wonwoo at Soonyoung sa Seoul.

Hindi na daw sila nagpaalam kasi ayaw daw nila ako maistorbo sa tulog ko tsaka nananggit din sa akin ni Lola na si Soonyoung daw nagbuhat sa akin papasok sa loob.

"Lola, sorry po kung hindi ako nakauwi kagabi ha" sabi ni Seokmin na tumutulong na sa pagluluto ng almusal namin.

"Ayos lang iho, naiintindihan ko naman" sagot ni Lola kaya ngumiti na lang si Seoks.

Ako naman nakaupo lang dito sa may sala, nanonood ng T.V kasi hindi naman ako makakatulong sa kanila sa pagluluto.

"Jihoon hyung, ayos ka lang?" tanong ni Seokmin.

Tumingin naman ako sa kanya at tsaka tumango lang bilang sagot sa tanong niya.

Pero sa totoo lang, wala talaga akong mood simula kaninang magising ako. Siguro kasi hanggang ngayon iniisip ko pa din yung mga sinabi ni Soonyoung kagabi.

Nagising kasi ako nung narinig ko siyang nagsasalita kaya alam ko lahat nung mga sinabi niya sakin, masaya naman ako kasi finally magmo-move on na siya pero hindi ko kasi talaga maiwasan na isipin siya.

"Hindi ka okay eh, sinungaling" sulpot ni Seokmin sa gilid ko kaya tinignan ko lang siya at nginitian.

"Kung gusto mong sundan si Soonyoung hyung pabalik sa Seoul, edi sundan mo. Ayos lang sakin, tsaka isa pa deserve mo naman sumaya hyung. Hindi mo din kailangan samahan ako dito." sabi ni Seokmin tsaka nginitian ako.

"Alam mo iho, pagsisisihan mo yan pag hindi mo sinunod yung sinasabi ng puso mo." sulpot naman ni Lola tsaka tumabi sa akin.

"Oo nga hyung, baka mamaya sisihin mo pa ako balang araw pag hindi kayo nagkatuluyan ni Soonyoung hyung" natatawang saad ni Seokmin kaya natawa din si Lola.

"Apo, if you really love someone wag mo ng pakawalan. Wag mo na din pagtulakan, kasi baka mamaya magulat ka na lang naagawa na sayo yung taong mahal mo." sabi naman ni Lola.

"Bahala ka dyan, baka mamaya magbalikan pa si Soon hye noona at matuloy pa ang kasal" pananakot pa ni Seokmin sa akin kaya napa-iling na lang ako.

"Gusto nyo lang ata ako pabalikin sa Seoul eh, ayaw nyo na ba sa akin ha?" pagbibiro ko sa kanila.

"hmmmm siguro isa na rin yun sa dahilan" sagot ni Lola kaya natawa kaming tatlo.

"pero seryoso hyung, I want you to be happy kaya please bigyan mo na ng chance yung sarili mo na sumaya." aniya Seokmin.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon