75

649 27 3
                                    

"Mabuti pang maghiwalay-hiwalay na tayo sa paghahanap para mabilis nating makita si Seoks sa lugar na to." suggestion agad ni Seungcheol ng makababa sila sa bus.

"Eh? masyadong malawak tong lugar na to baka mamaya maligaw tayo." sabi naman ni Seungkwan.

"I know this place tho, Nakapunta na ako dito with Seokmin hyung." aniya Hansol kaya tinignan siya ng iba.

"I know this place too. Nagpunta ako dito dati for our business" sabi naman ni Soon hye sabay tumingin kay Soon young.

"So bali apat kaming may alam sa lugar na to, including na si Soonyoung kasi nagpunta na siya dito nung tinawagan sya ni Seoks diba?" sambit ni Seungcheol kaya napatango tango na lang silang lahat.

"We don't know this place guys, kaya we need to change our partners." singit naman ni Jane kaya agad na hinawakan ni Seungcheol at Hansol yung katabi nila so bali si Soonyoung at Soon hye na lang ang natitirang nakakaalam nung lugar na yun.

"Paano ba yan kelangan nyo atang magpalit ng partner." nakangising saad ni Seungcheol.

Alam niya kasing magiging magkapartner si Soonyoung at Jihoon.

"Diba pwedeng ikaw na lang maging partner ko?" tanong ni Jihoon kay Jane sabay hawak sa braso nito kaya napangiti na lang siya at tsaka tinaggal yung pagkakahawak ng binata sa braso niya.

"Hindi pwede kasi maliligaw tayo pareho, so kita na lang tayo dito sa place na to ha? bye" sabi ni Jane tsaka hinila si Soon hye na tumingin pa sa likod para silipin si Soonyoung na ngintian lang siya.

Nagsi-alisan na rin yung apat at nagsarili na kaya silang dalawa na lang ni Soonyoung yung natitira dun.

"Tara na?" pag-aaya ni Soonyoung sa kanya kaya nauna na siyang naglakad.

"bakit kasi kailangan siya pa maka-partner ko? ampabebe kasi ni Seungcheol hyung eh, dat siya na lang partner ko." saad ni Jihoon sa kanyang isipan at mas lalong binilisan yung paglalakad hanggang sa makarating siya sa dulo at napansin niya din na wala na si Soonyoung sa likod niya.

patay tayo diyan, Lee Jihoon.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now