42

776 39 15
                                    

"Soonyoung, buksan mo tong pinto mag-usap tayo." pakiusap ni Jihoon habang kinakatok ang kwarto ni Soonyoung.

Nanatili lang na tahimik sa loob si Soonyoung habang iniisip yung mga panahon na kung gaano sya kasaya nung malaman nya na may Donor na siya, nung mga panahong akala nya ayos na.

Pero yun din yung mga panahon na wala siyang alam na sarili nya palang kaibigan yung magiging Donor niya.

"Soonyoung, buksan mo tong pinto!" patuloy na pagkatok ni Jihoon.

Tumingin lang sa may pintuan si Soonyoung at tsaka na nahiga sa higaan niya. Wala siyang pakialam kung magalit na si Jihoon sa kanya basta nakapag-desisyon na sya.

"Aish—YAH! KWON SOONYOUNG!!!" sigaw ni Jihoon dahilan para lapitan sya nila Seungcheol para pakalmahin sya.

baka mamaya masira nya pa yung pinto ng wala sa oras eh.

"Kalmahan mo lang Ji, baka makasira ka na ng pinto eh" aniya Seungcheol.

"Eh kasi naman kanina pa ako—"

"Wala na tayong magagawa kung ayaw na talaga ni Soonyoung" sulpot ni Soorim.

"Soorim Noona."

Ngumiti lang ito at tsaka tumayo sa harap ng pintuan ng ward ni Soonyoung.

"Kilala nyo naman siguro yang kapatid ko, alam naman natin na matigas talaga ulo nya. Pag ayaw nya na, ayaw nya na talaga." saad ni Soorim habang hawak yung susi ng pintuan.

". . . . pero kahit gaano man katigas yung ulo nyan, sana makausap mo pa di sya na ituloy yung operation, Jihoon." Tumingin lang siya kay Jihoon at tsaka binuksan yung pinto.

"Kahit sila Mama di niya pinapakinggan pero sana sayo makinig na sya." dagdag pa ni Soorim bago hilain papasok sa loob si Jihoon.

"Soonyoung, may bisita ka sa labas ba't di mo pinagbubuksan ng pinto? ikaw talagang bata ka." sabi ni Soorim na dire-diretso lang sa higaan ni Soonyoung.

Nanatiling nakahiga lang ito habang si Jihoon naman nakatingin lang sa kanya at iniisip pa din kung paano nya mapapapayag si Soonyoung para sa operasyon bukas.

"Iwan ko muna kayong dalawa ha?" aniya Soorim tsaka tuluyang lumabas sa kwarto.

Katahimikan.

Binalot ng katahimikan ang madilim na kwarto ni Soonyoung, tanging pagtunog lang ng orasan ang maririnig at ang makina na nasa loob ng kwarto.

Ni-isa sa kanila walang balak mag-salita kahit si Soonyoung na medyo kinakabahan na dahil baka anytime masapak sya ni Jihoon dahil di nga nya ito pinagbuksan ng pinto kanina.

Habang si Jihoon naman ay nahihiyang kausapin si Soonyoung dahil sa tagal nyang hindi pag-bisita dito, tapos aawayin na lang nyang bigla.

that's beri beri wrong, ayt?

"K-Kamusta ka na?" panimulang tanong ni Jihoon na syang nagpamula ng mukha ni Soonyoung.

Buti na lang at nakatagilid sya dito kaya hindi nakikita, idagdag pa yung dilim ng kwarto.

"m-medyo ayos naman." sagot nya sabay talukbong ng kumot.

Feeling nya kasi pulang-pula na mukha niya.

YIEE KILIG ITLOG.

"medyo ayos daw, ako pa lolokohin mo." sabi ni Jihoon kaya napakunot na lang ng noo si Soonyoung habang nakatalakbong pa din sa kumot nya.

"ayos nga lang ako, ang kulit naman neto." medyo urat na sagot ni Sooyoung, kaya tumango na lang si Jihoon at tsaka kinuha yung upuan sa gilid at tsaka naupo.

Katahimikan.

Nabalot na naman ng katahimikan ang buong kwarto.
Kung kay Jihoon ayos lang na tahimik ito pero kay Soonyoung hindi, naiinis sya sa katahimikan na to.

"ANG TAHIMIK NAMAN PUTA" sigaw nya sabay upo sa higaan.

"eh ikaw eh, ang dami mong drama sa buhay." sabi naman ni Jihoon na nasa gilid lang nya.

"EH BA'T KASI DI KA NAGSASALITA?" sigaw na naman niya.

"ba't sumisigaw ka? malayo ba ako sayo ha?" mahinanong tanong nito sa kanya kaya napa-iwas sya ng tingin kay Jihoon at tsaka napayuko.

parang timang amputa

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Kung tungkol lang yan sa operasyon bukas at pipilitin mo ko, sorry pero di mo na ako mapi—"

"duwag mo naman." pagsabat ni Jihoon kaya napatingin sya dito.

"Ang duwag mo para takbuhan yung chance na binigay sayo." dagdag pa niya dahilan para di makasagot si Soonyoung.

"Akala mo ba madali sa magulang ni Doyoon hyung na magdesisyon? Soonyoung, hindi din madali sa kanila."

Tinignan lang sya ni Soonyoung nun kaya lumapit sya dito at tsaka naupo sa gilid ng kama.

"Pero kasi request ni Doyoon hyung yun eh, bago sya mawala sinabi nya na gusto nyang sya yung donor mo pero ikaw naman tong si duwag tinatanggihan yung chance para mabuhay pa ng matagal."

Nanatili lang na tahimik si Soonyoung pero di nya naman mapigilan yung unti-unting pag-patak ng luha nya.

"Alam namin kung gaano kaimportante sayo si Doyoon hyung, pero alam mo rin naman siguro na importante ka din saamin diba? Importante ka saamin kaya ayaw namin na mawala ka din kagay ni Hyung." dagdag ni Jihoon sabay hawak sa kamay nya kaya lalong napaiyak si Soonyoung.

"Alam ko ding matigas yang ulo mo pero pag dating saakin alam kong talo ka, kaya kung gusto mo pa kaming makasamang matagal, pumayag ka ng ituloy yung operasyon bukas, okay?"

Hindi naman sumagot si Soonyoung nun dahil sa patuloy nyang pag-hagulgol, pero alam din naman ni Jihoon na papayag ito, alam nya kasi may tiwala sya na kaya nyang mapapayag ito.

"at pag nakaya mo yung operasyon at gumaling ka na ng tuluyan, may sasabihin ako sayo." dagdag ni Jihoon dahilan para mapatingin sa kanga si Soonyoung.

"A-Ano yun?"

"Basta."

sa ngayon, secret muna.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now