98

617 36 26
                                    

"sabihan mo lang ako pag ready ka na din bumalik sa Seoul, susunduin ka agad kita dito." sabi ni Jihoon habang inaayos yung mga gamit niya.

Tumango lang si Seokmin bilang sagot sa sinabi ni Jihoon sa kanya.

"Pag nangyari yung araw na yun, maiiwan na naman kami dito." sulpot ng Lola at Lolo ni Wonwoo.

Tumingin naman silang dalawa dito at tsaka nilapitan para yakapin.

"Bibisitahin ko naman po kayo, pangako po yan." sabi ni Jihoon kaya ngumiti naman ang dalawang matanda at ginulo pa ang buhok nito.

"Tsaka mukhang matatagalan pa naman ako dito, Lola. Kaya wag kayong mag-alala." sabi naman ni Seokmin.

Napangiti na lang si Jihoon nun pero sa loob loob nya gusto nya na din isama ito pabalik sa Seoul.

"LEE JIHOON!!!" sigaw ni Seungcheol mula sa labas kaya agad na napatakbo si Seokmin papasok sa may banyo para magtago.

"Andito ka na pala" sabi ni Jihoon.

"Sorry kung natagalan, may dinaanan pa kasi ako eh." aniya ni Seungcheol tsaka binati yung dalawang matanda.

"Mag-iingat kayo sa byahe pabalik ng Seoul ha? Umiwas sa aksidente" paalala ng Lola kaya tumango naman sila pareho.

"Aalis na po ako Lola, ingat din po kayo dito." sabi ni Jihoon tsaka niyakap ulit yung dalawa.

Matapos nun agad din silang lumabas at tsaka sumakay sa may kotse ni Seungcheol.

"Sa wakas, matatapos na din tong kwento nyo." sabi ni Seungcheol ng makapasok siya sa kotse.

Tumawa at napailing na lang si Jihoon dahil dun sa sinabi niya.

"Malay mo naman hindi pa." sabi naman ni Jihoon dahilan para mapakunot ang noo nito.

"Umalis na nga tayo, leche ka!" saad niya tsaka pinaandar ang kotse.



— | | | —

[ INCOMING CALL ]
seungkwan...
ACCEPT | DECLINE

— | | | —

"pasagot naman ng phone ko, Jihoon please." utos ni Seungcheol ng makita nyang nagri-ring yung phone niya.

Hindi naman siya pinansin ni Jihoon nun dahil naka-earphone ito at natutulog kaya walang choice si Seungcheol kundi iparada muna yung sasakyan nya para sagutin ito.

— | | | —

[ INCOMING CALL. . . ]
seungkwan
ACCEPT | DECLINE

"Hello, kwan bakit?"

"Hyung??"

"Ano? dalian mo na, kung may sasabihin ka sabihin mo na"

"Hyung? kasama mo ba si Hoshi hyung?"

"Ha? Hindi, may pinuntahan ako ngayon eh bakit?"

"ah ganun ba?"

"Bakit? ano bang nangyayari?"

"ah kasi hyung ano—"

"Sabihin mo dalian mo!"

"Nawawala na naman si Hyung!"

"Nawawala naman pa— pota ano?"

"Sabi samin ni Soorim Noona, bigla daw umalis si hyung na may dalang damit."

"pota naman? anong problema?"

"Hindi namin alam eh, pero sabi ni Wonwoo hyung baka daw magbabakasyon yun si Hyung sa ibang lugar para mag-move on."

"Ano ba naman yan, kung kelan kasama ko na si Jihoon eh"

"luh weh? babalik na siya sa Seoul?"

"Oo! Mukhang makikipag usap na nga ata to kay Soonyoung eh, pero punyeta umalis na naman?!?!"

"hala?! potek naman edi kailangan na ka agad namin mahanap si Hyung bago mahuli na naman lahat."

"Itext mo ka agad ako kung nahanap nyo na ha?"

"copy hyung!"

"try nyo din hanapin sa airport, baka mamaya mag out of the country yan."

"okay! okay!"

[ CALL DISCONNECTED ]

— | | | —

"Anong problema?" tanong ni Jihoon na nagising dahil sa ingay ni Seungcheol.

Hindi naman kasi talaga siya nakikinig ng music, keme lang yung earphones.

"Si Soonyoung nawawala na naman." sagot niya kaya napatanggal naman si Jihoon ng earphones nya.

"Ha? Bakit daw?" tanong niya ulit.

"Magmo-move on daw sayo, andami mo kasing keme sa buhay ayan balak na tuloy kalimutan ka ng tuluyan." sagot niya.

"kaya nga babalik ako diba? kasi gusto ko na umayos" sabi ni Jihoon at tsaka napabuntong hiningi.

"Alam mo hindi talaga matatapos tong istorya na to na walang umaalis sa inyong dalawa, kaistress kayo pareho"

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now