100

673 33 10
                                    

"NAHANAP NA NAMIN SI HYUNG!!!!!!" sigaw ni Seungkwan ng makapasok ito sa unit ni Jihoon.

Kasalukuyan kasing nagpapahinga yung dalawa sa unit niya, pagod na pagod rin kasi sila kakahanap kay Soonyoung.

"ha? nasan siya?" tanong agad ni Jihoon kay Seungkwan na ngumiti lang.

"Practice lang hehe" sabi niya sabay peace sign pa.

Napasimangot naman si Jihoon nun at napaupi ulit sa may sofa niya.

"Ayan kasi magbibiro ka na lang, kay Jihoon pa." anya Seungcheol na nakahiga sa may lapag.

"Sorry na hyung, hindi ko naman sinasadyang mainis ka eh" sabi ni Seungkwan at tsaka tumabi kay Jihoon na nakakunot pa din yung noo dahil sa inis.

Napabuntong hininga na lang si Seungkwan at naupo sa may tabi ni Seungcheol na kanina lang nakahiga ngayon lumalapa na ng chichirya ni Jihoon.

"Wala ba talaga siya sa bahay nila sa Namyangju? or kahit sa Airport di nyo man lang ba nakita?" tanong ni Jihoon kaya nagtinginan yung dalawa sa kanya at sabay na umiling.

badtrip naman.

"Nag-aalala na nga din si Soorim noona eh, baka kasi mapano yun si Hyung." sabi ni Seungkwan dahilan para mapabuntong hininga si Jihoon.

Simula ng makabalik siya sa Seoul wala na siyang ibang inisip kundi si Soonyoung, kung nasan siya, kung anong ginagawa nya, kung nakakain na ba siya.

Wala siyang magawa eh pati nga sa message niya sineen lang.

"Bukas nyo na lang ulit ituloy yung paghahanap kay Soonyoung, Gabi na din kasi. Tutulong din ako sa paghahanap" sabi ni Jihoon sa dalawa na tumingin ulit sa kanya.

Tumayo naman mula sa pagkakahiga si Seungcheol at tsaka nilapitan si Jihoon.

"Hindi ka naman siguro sumusuko agad no?" tanong niya dito

"Umuwi na lang kayo, magpapahinga pa ako."sabi ni Jihoon tsaka naglakad papuntang kwarto.

Nagtinginan lang si Seungkwan nun at tsaka nag-umpisang mag-ayos bago umalis ng unit ni Jihoon.

Habang si Jihoon naman nakahiga lang sa may kama niya, nakatulala sa may kisame at iniisip na naman kung nasaan si Soonyoung.

Bigla na naman nya tuloy naalala yung panahong unang beses na nawala si Soonyoung, yung kung paano siya kinabahan nung panahon na yun.

Yung mga panahon na wala syang kaalam-alam na may sakit pala si Soonyoung na sobrang malala, kaya sa sobrang takot niya napaalis pa siya ng korea para lang matakbuhan yung takot nyang hindi mag-successful yung operasyon.

Takot siyang mawala si Soonyoung kasi ayaw na naman niyang mawalan ng isang taong mahalaga sa kanya.

Hindi niya nga din alam kung paano at kailan nag-umpisa siyang nagkagusto kay Soonyoung, parang bigla na lang siyang nagkagusto dito ng hindi niya napapansin.

"Parang umuulit lang yung nangyari dati" sabi ni Jihoon habang nakatitig pa din sa may kisame.

"nagugutom ako pakshet" sabi ulit ni Jihoon ng maramdaman niyang kumulo yung tyan niya.

Wala tuloy siyang choice kundi lumabas at bumili ng makakakin.







— | | | —

[ 8 : 49 pm ]


Jane Lin
Active now

Jane: HEY JIHOON!!

Jane: u finally opened ur account yey!

Jane: anyway I unblocked you kanina lang nung nabalitaan kong bumalik ka na dito sa seoul tapos ayun inisip ko baka binuksan mo na account mo, tapos ayun tama pala ako.

Jane: don't worry, move on na ako sayo and i hope we can be friends pa din hehehe😊

Jane: did you miss me ba? kasi ako miss kita sobra YiEeEeeEe hahahahshsh

Jane: teka nga hindi pala to dahilan kaya chinat kita

Jane: may importante akong sasabihin sayo

Jane: I'm gonna call you na lang.

— | | | —

[ 8 : 55 pm ]

Jane Lin
Active now

Jane: ba't di ka sumasagot?

Jane: are you sleeping na ba?

Jane: or baka naiwan mo na naman phone mo kaya di ka din sumasagot sa chat ko.

Jane: pero iniiwan mong bukas account mo tsk🙄

Jane: anyway dito ko na lang sasabihin mo

Jane: I have a surprise for you, my friend❤

Jane: Pumunta ka dito sa place na isesend ko sayo, dun mo makikita si Soonyoung.

Jane: yep dahlin' I found your man, so don't make pabebe actions na and pumunta ka na dyan baka di mo pa sya maabutan

Jane: YOU'RE WELCOME💕

— | | | —


lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now