27

847 43 2
                                    

"Jihoon, andito na tayo." pang-gigising ni Wonwoo kay Jihoon na agad namang napadilat ng mata niya.

"Bumaba ka na, kanina pa nasa loob yung iba." dagdag pa ni Wonwoo kaya tumango na lang si Jihoon at tsaka bumaba sa kotse.

Kinakabahan man siyang pumasok muli sa ospital na yun, nag-tuloy tuloy na lang siya tsaka hinanap yung ward ni Soonyoung.

Pagdating niya sa 3rd floor kung asan yung ward ni Soonyoung, nakita niyang andun din sila Seungkwan kausap yung doctor. Nakita niyang malukungkot ang mga mukha ng mga ito kaya lalo syang kinabahan.

anong nangyari? bakit ganyang mga mukha nila? malala ba talaga yung sakit niya?

Tanong ni Jihoon sa sarili habang nakatitig sa mga kaibigan niya.

"chronic myeloid leukemia" biglang sulpot ng Ate ni Soonyoung sa gilid niya.

"po?"

"Yun yung sakit ni Soonyoung." dagdag pa niya.

"Le-Leukemia? May Leukemia si Soonyoung?" hindi makapaniwalang tanong niya dito..

Tumingin naman sa kanya si Soorim nun at tsaka tumango bilang sagot sa tanong niya.

"matagal ka nyang inaantay." sabi pa neto tsaka sya nilagpasan.

Naiwan lang si Jihoon na nakatulala at hindi makapaniwala sa sinabi ng kapatid ni Soonyoung, di niya magets eh.

Hindi niya magets kung paano magkakaroon ng Leukemia si Soonyoung? eh diba ang lakas lakas nun? eh diba ang sigla sigla nun?— imposible.

"Hyung." tawag ni Seungkwan sa kanya kaya napatingin sya dito.

"Pasok na tayo sa loob?" pag-aaya nya kaya tumango na lang sya at tsaka sumunod sa kanila, pero ng makarating sya sa tapat ng pintuan ng ward ni Soonyoung, nakatitig lang siya dito para bang ayaw nya buksan, natatakot syang pag binuksan nya yun manghina lang sya lalo.

'Joke lang yung sinabi ng Noona niya diba?

'Di naman siguro malala yun ahahahahha

'Galing mag-joke ni Soorim Noona hahahah

Saad ni Jihoon sa isipan niya, pilit nyang pinapasok sa isip niya na hindi totoo yung narinig niya kanina, na joke lang yun, na sana joke lang yun.

"Hyung? okay ka lang?" tawag ni Dino kay Jihoon kaya natauhan naman agad ito at tsaka tumingin sa nakababatang kaibigan.

"Ha? Ah. . sige una na kayo. may bibilhin lang ako saglit." sabi niya tsaka lumayo sa pintuan nung ward.

"sure ka?" tanong ni Jeonghan kaya ngumiti sya at tsaka tumango.

"sumunod ka kagad, Jihoon ah?" sabi ni Wonwoo kaya tumango lang siya at tsaka sumenyas na pumasok na sila bago maglakad paalis.

jihoon anuna?! bakit aalis ka? akala ko ba pupuntahan mo si Soonyoung? kani-kanina lanh gustong-gusto mo na sya makita tas ano to?aalis ka? para kang timang.

Saad ni Jihoon sa sarili niya kaya napatigil sya at tsaka lumingon sa may ward ni Soonyoung. Pinag-iisipan niyang mabuti kung papasok ba siya? o hindi? kung kakayanin nya ba makita si Soonyoung sa kalagayan niya ngayon o hindi?
Hindi niya alam. Hindi nya alam yung gagawin.

"matagal ka nyang inaantay."

Naalala nyang sabi ng kapatid ni Soonyoung kaya napabuntong hininga na lang sya at tsaka bumalik papuntang ward ni Soonyoung.

Humingang malalim bago hawakan yung door knob ng pintuan.

Pikit mata nyang unti-unting binuksan ang pinto at ang unang narinig nya ang pag-hikbi ni Seungkwan at ang pinaka-namimiss nyang tawa ni Soonyoung.

"Oy, Jihoons" tawag sa kanya neto.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now