104 | last chapter

865 41 14
                                    


[ 1 year later ]


— | | | —

Soonyoung's

— | | | —

"Oh namimiss kita, o aking sinta~" pagkanta ko habang nagiistrum ng gitara.

"Para ka namang baliw dyan, Soons. Kanina mo pa kinakantahan yang picture ni Jihoon." sabi ni Seungcheol hyung na naka-kunot noo pang nakatingin sa akin.

Tinignan ko lang siya saglit tsaka binalik yung tingin sa picture ni Jihoon.

Miss na miss kita, Jihoon.

"Diba sabi naman sayo ni Jihoon uuwi na siya dito sa Seoul, kaya wag ka na magdrama please lang" sabi pa ni Seungcheol hyung.

"Hyung, two months ago niya pa sinabi sa akin yun! Anong petsa na oh? kelan siya babalik? next year? putek na next year yan" pagmamaktol ko.

"Dapat kasi talaga pinigilan ko na siya nung nasa airport pa lang kami eh" sabi ko pa.

"Hindi ba pwedeng wag ka na lang umalis? Jihoon naman eh, wala pang isang linggo ng maging tayo tapos aalis ka na agad?" mangiyak-ngiyak na sabi ko habang hawak yung maleta ni Jihoon.

Hindi ako papayag na aalis ulit siya!

"Hoshi, diba napag-usapan na natin to kagabi? I already told you babalik agad ako as soon as possible." sabi ni Jihoon tsaka kinuha yung maleta nya sa akin.

"Don't Worry Soonyoung oppa, I'll maks sure naman sayo na walang aagaw kay Jihoon. I can be his fake girlfriend naman ulit" sulpot ni Jane sa gilid ko tsaka pumunta sa may tabi ni Jihoon.

"Kasama ko naman si Jane, Wag kang mag-alala babalik agad ako." sabi ni Jihoon tsaka ngumiti.

Hindi ko namang mapigilan na umiyak kaya hinila ko si Jihoon para yakapin ng mahigpit.

"bawal umabot ng isang taon ha?" sabi ko dahilan para mapatawa si Jihoon.

"Hindi ako sure kung hindi nga ako maabutan ng isang taon sa states" saad niya kaya napabitaw ako sa pagkakayakap ko.

"ISANG TAON NA NAMAN?!?! JIHOON NAMAN?!" sigaw ko kaya napatingin yung ibang tao sa amin.

"Ay nako, wag mo ng pansinin tong si Soonyoung, umalis na kayo at baka malate na kayo sa flight nyo" sabi ni Seungcheol hyung sa akin na hinila pa ako.

"Alis na ako ha? Ingat ka lagi" sabi ni Jihoon tsaka ngumiti sa akin bago tuluyang umalis.

Tatlong buwan nung lumipas simula nung umalis siya nakapapag-usap pa kami ng maayos tapos nakakapag-video call pa siya kahit may ginagawa siya, tapos habang tumatagal madalas na kaming mag-usap hanggang sa dalawang buwan niya na akong hindi kinakausap.

Hanggang ngayon.

Nag-aalala na tuloy ako ngayon sa kalagayan niya baka mamaya may nangyaring masama sa kanya tapos di nila sinasabi sakin.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now