37

789 37 10
                                    

— ||| —

Seungcheol's

— ||| —

"Buti naman pumunta ka." salubong ni Jeonghan sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya tsaka tumingin sa loob, maraming tao yung nasa loob talagang maraming nagmamahal sa taong to.

"Akala ko di ka na pupunta eh, libing pa naman na nya bukas." sabi pa ni Jeonghan kaya tumingin ako dito.

Pinipigilan ko lang na wag maluha sa mga nakikita ko, hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na wala na siya.

Nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya, ang gago ko kasi eh.

Isa akong malaking gago.

"Seungcheol?" tawag sakin ng isang babae, yung mama niya.

"Tita. . ." tawag ko dito sabay yuko, ngumiti lang ito saka ako niyakap nh mahigpit dahilan para mapaluha ako ng hindi sinasadya.

"Salamat at pumunta ka, sure akong masaya na sya kasi dumating ka sa huling lamay nya" bulong ni Tita sakin, kaya napaiyak na ako ng tuluyan.

Nag-sisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko, pero wala na akong magagawa kasi kung kelan wala na siya tsaka ako nag-sisisi sa lahat ng bagay na nagawa ko.

"Sorry po, Tita. S-Sorry po." sabi ko habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"No, Hijo." sabi niya tsaka bumitaw sa yakap sakin.

"Wag kang mag-sorry, kung yung anak ko napatawad ka na, ako pa kaya?" dagdag pa niya.

Nakokonsenya tuloy ako lalo sa lahat.
Kung sana lang mabalik ko yung oras eh, kung sana lang. . . . edi sana buhay pa sya ngayon.

"kaya tama na sa kakaiyak hmm? hindi matutuwa si Doyoon niyan eh." sabi pa ni Tita kaya tumango ako tsaka pinunasan yung mga luhang bumabagsak sa mga mata ko.

"oh? Jihoon, andito ka na pala." rinig kong sabi ni Jeonghan kaya agad na napalingon ako.

"Hyung." sabi niya sabay tumingin sakin.

"Andito ka na pala."

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now