02

1.6K 78 6
                                    

"Hyung? anong gagawin na natin ngayon? Hoshi hyung is missing, and we can't even tell this to his parents, baka mag-alala lang sila lalo."

Salubong ni Hansol kay Jihoon na bagong dating lang sa unit nila ni Wonwoo. Dumiretso kasi dito si Jihoon matapos makuha yung phone ni Soonyoung.

"Hindi daw ba talaga nya nakita si Soons?"

Tanong ni Wonwoo kaya napatango na lang si Jihoon bilang sagot sa tanong nya sabay napabuntong hininga.

Hindi na kasi talaga nila alam kung saan nila ito hahanapin ngayon pa't  mag-iisang linggo ng nawawala si Soonyoung.

"Yung CCTV ba nung store chineck mo?" Tanong ulit ni Wonwoo kaya tumingin sa kanya si Jihoon at tsaka umiling.

"Sira daw yung CCTV nung store ngayon kaya di na ako nag-abalang tignan pa." paliwanag ni Jihoon.

ASAN NA BA KASI SI SOONYOUNG???!!

"Patingin nga ng phone ni Hoshi."

Agad namang binigay ito ni Jihoon sa kanya kaya chineck nya kagad yung laman nung phone.

"Wala ng nakalagay dyan sa phone nya, yung mga files at numbers natin wala na.....Siguro sinadya nyang burahin lahat."

"AISH!!!" inis na saad ni Wonwoo at tsaka naitapon yung phone sa sofa.

"ANO BA KASING BINABALAK NI SOONYOUNG???"

"Diba hyung? Ikaw yung huling kasama ni Hoshi hyung bago sya nawala?" Tanong ni Hansol kay Jihoon kaya napatingin naman tong si Wonwoo kay Jihoon na nakatitig lang sa kisame.

ano daw puta?!!

"Oo..." sagot nya at napapikit na lang dahil sa inis.

"Jihoon-ah...."

Tawag ni Hoshi sa kanya na kasama niyang magbike malapit sa Han River.

"Oh?"

"Paano kung isang beses......mawala na naman ako?" Tanong neto sa kanta kaya napa-preno nalang si Jihoon at tinitigan si Hoshi na palayo na sakanya.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon