"Sa susunod na guluhin mo pa ako sa pangangaso ko, papatayin na kita!"



~~~



Nagising si Blade sa panaginip na yon saka napabangon. Napahawak siya sa kanyang ulo at nagtatanong sa sarili kung sino ang lalaking yon? Sino nga ba ang lalaking yon?

Bigla at muli niyang naalala ang pangalang sinabi ng lalaki sa kanyang panaginip at ang sanibi ni escanor sa kanya.

'Blade, Vermillion Blade Zaphata.'

'Blade... Kasing tulad ng iyong pangalan ang pangalan taong yon, ngunit ikaw ay purol na kaylangan hasain subalit si Blade ay matalim at hanggang ngayon ay nananatiling matalim.'



~~~

Blade POV

Kinabukasan pumasok ako na iniisip pa rin yung panaginip ko. Iniisip ko kung totoo ba yun o hindi, pero walang sagot sa iniisip ko.

Papasok pa lang ako ng makita ko si Dr Andrew.

"Anong ginagawa mo dito bat hindi ka pumasok sa loob?' tanong ko

"Hinihintay ko kasi si Gino sabi kasi ni Ice ang mama mo daw ang naisip niyang ibigay na pasyente sayo kailangan iyon malaman ni Gino para maiwasan niyang makita si Anna kung sakali."

Tumaas ang kilay ko sa pagtataka.

"Bakit naman?" tanong ko lang naman pero bigla niya akong Binatukan.

"Aray!!!! Ano ba bakit ka ba nang babatok?!" asar na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko na binatukan niya

"Itatanong mo pa kung bakit!Malamang kung ikaw ba si gino at makita ang babaeng umiwan sayo na hanggan ngayon mahal mo pa ANO BA SA TINGIN MO MARARAMDAMAN MO!"

"He's still in love with-her?"

"Exactly!!! Nadali mo!" he thumbs up

"Pero bakit?"

"Ano nga bang aasahan ko sa kanya tanga kasi siya pagdating sa pagibig-" naputol bigla ang sinasabi niya ng may kung sinong Doctor na lumapit sa likod niya

At nakita ko kung sino yun.

"Sinong tanga?"

"Siyempre sino pa ba edi si Gin- Ay palaka!" napaismid sa gulat si Dr Andrew

Pano ba naman kasi sobrang gulo ng buhok ni Gino at animo'y Zombie sa pilikula.

Magulo ang uniform niya at mukhang kakagising lang niya.

"Gino anong nangyari sayo mukha kang ni rape ng sampung Bakla ah?!"

"Hay sana nga ni rape na lang ako ng sampung babae, natutuwa pa siguro ako." ani niya

"Bakla yung sinabi ko hindi babae."

Napansin kong naka tingin siya sa akin at parang may iniisip.

"Bakit ka nakatingin sa akin?" tanong ko pero bigla niya akong niyakap.

"Wala...gusto lang kitang yakapin sa huling pagkakataon."

nagulat ako ng sinabi niyang huling pagkakataon.

Huling pagkakataon? Bakit aalis ba uli siya? Iiwan niya uli ako?

Kumalas agad ako sa yakap niya sa akin.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now