Chapter 55

168 1 1
                                    

Perfect — Last 

The whole ride was silent. I guess Kenneth really got intimidated by my questions. He was biting his lips when I tried to repeat on asking him. Parang ayaw niyang sagutin muna, ang mga rebelasyon. Sasagutin niya lang ang mga 'yon nang kasama si Ezra. Ezra is another part of the mystery here.

Dahil sa ipinapakitang actions ni Kenneth ngayon, unti-unti ko nang nasasabi na siya nga si Ezekiel. Maybe he really is. We're just getting there.

Malapit-lapit na ata kami sa kung saan man si Ezra ngayon. I looked at the window to know where we are. Nanlaki naman ako sa nakita ko.

An elite subdivision?

Oh, shit. Nakaka-intimidate.

Ngayon, alam ko na ang feeling ng mga iba kong kaklase noon kung kaya't ayaw na ayaw nilang makatapak man lang sa bahay nina Naiser. Sa sobrang laki ba naman kasi ng bahay nila! Eh, mas lalo na ata 'tong pupuntahan namin ngayon. Puro mayayaman ang neighborhood. 'Di talaga ako belong dito.

Hinding-hindi.

We finally reached our destination. Ang laki lang talaga ng bahay—mansion. Fuck. Nakakahiyang pumasok!

"Uhh, sigurado ka bang nandito si Ezra?" naninigurado kong tanong. Sa totoo lang, ayoko naman kasi talagang pumasok. Nakakatakot, eh—hindi siya haunted house, nakakatakot kasi baka may mabasag man ako mamahaling gamit sa loob.

Kenneth nodded. Napakagat naman ako ng labi.

"Ang l-laki naman ng bahay niya," I commented in stutter.

He chuckled a bit. "Bahay 'to ni Papa. Dito rin ako minsan natutulog," he said.

"Ahh, gano'n ba?" I responded. Pinilit na ako ni Kenneth pumasok. Napapasok na talaga ako nang hilahin niya na ako papasok. Shet naman, gate palang, mas matangkad na sa 'kin! Dapat sinabi ko nalang kay Kenneth na makipagkita nalang sa amin si Ezra, tapos sa isang restaurant nalang kami mag-usap-usap! Jusko!

When we got in, parang mapapasukan na ng langaw ang bunganga ko, dahil sa sobrang amaze ko sa interior ng bahay nila. Ang ganda!

"Papa's at the hospital, kaya 'yung mga taong naiwan lang rito ay sina Ezra at 'yung ibang mga maid," he reminded me. Napatango naman ako. "Ezra might be in her room. Ipatawag ko nalang sa mga kasambahay."

"Uhh... parang magkasing-tanda lang kami ni Ezra. Wala ba siyang pinagkakaabalahan ngayon?" I curiously asked.

"She's studying in managing the hospital," he replied.

"Ikaw din ba? Diba ikaw ang mas matanda? You also need to do that stuff, right?" I asked again.

He nodded. "Yeah. Papa taught me the ways on handling. Mas nakatutok lang talaga ako sa medicine ngayon. Buti naman at pinayagan ako," he answered.

Pinatuloy namin ang pag-uusap sa receiving room nila. Then moments after, one of their maids told Kenneth that Ezra will be with us in a minute. Parang makikipagkita lang kay Ezra, kinakabahan na ako.

Then after that minute, Ezra finally showed up.

"Kuya! Buti pumunta ka sa bahay," she said to Kenneth. Fuck, 'kuya'? All this time, I thought she was Kenneth's other girlfriend! Then Ezra turned her attention to me. "Blanche? OMG! Kakilala mo si Kuya?! Hala, Kuya Zeke, ano 'to?!" she uttered teasingly. That name!

"Ez, kilala mo si Wendy?" Kenneth asked her, with his forehead creasing.

"Well, yeah. Actually, kilala ko siya noon pa. I was Grade 9 that time," she remembered. May photographic memory nga 'to. "And what did you call her? Wendy? Kuya, her name is Blanche," she corrected him.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now