Chapter 36

110 2 0
                                    

Worth

"Ayusin mo nga iyang toga mo, Blanche," Mom blurted out on me. "Graduation day mo ngayon, kaya kailangan maayos ka at ang suot mo!"

"Mom, naman, eh," I uttered.

"You have to look gorgeous for this day, anak. Tapos mo na ang high school," she gave me encouragement to maintain myself of being gorgeous. "Sayang at wala ang Daddy mo para ma-witness ito."

I smiled. "It's alright, Mom. Alam ko namang proud siya sa 'kin."

Marami na talagang linggo ang dumaan. 'Di nga ako makapaniwalang graduation day na talaga namin. Our thesis presentation went to a success. Tapos alam ko namang maayos ang naging final exams namin. All I can say is, we did it. We made it this far. And this will be our reward.

Since ilang linggo na ang dumaan, nagkaayos na rin naman sa wakas sina Ian at Naiser. Lumipas lang ng ilang mga araw iyon, kusang lumapit si Naiser kay Ian para humingi ng tawad sa mga ipinapakita niya. Hindi naman ma-pride si Ian, kaya agad niya naman itong napatawad. Now, they're way of communicating is now the same as usual.

Dinala na ako sa school ni Mommy, kung saan gaganapin ang graduation namin. Mom can't hide the excitement in her face. Gusto-gusto niya akong makita gumraduate. Well, I am too. I'm too overwhelmed for this.

We finally arrived at the school's gymnasium. There were a lot of people. Then I saw my classmates that are in a group. Agad akong pumunta sa kanila. Mom said I should be with, tapos mauuna na siya sa loob. Dad is also calling her, kaya kailangan niya talagang sagutin ito. I guess Dad wants to know what is happening for this day.

"Mga repa! Magga-graduate na rin tayo sa wakas!" Ian suddenly screamed when I got near them. Halos natuwa naman ang iba sa isinigaw ni Ian. Napangiti naman ako.

Hindi talaga maalis ang ngiti tuwing nakikita ko na kaming lahat ay naka-toga tapos makaka-graduate na. We did it. We finished our hard work. This is where our hard will lead us. Alam kong magiging matagumpay rin kami sa huli.

"Ang saya niya naman," I heard Xavierre's voice from behind. Liningon ko naman siya, tapos inirapan.

"Masaya naman talaga ako," I responded.

"Who knew that we would be really happy like this," sabi niya, tapos tumingin banda kina Ian na masayang nag-uusap sa iba naming mga kaklase.

"Oo nga, eh. I'm proud of ourselves," I replied. Nginitian niya naman ako, so I smiled back. "Nga pala, anong kukunin mong course sa college? Hindi ko talaga alam ang mga plano mo."

She shrugged. "Ewan ko. 'Di gano'n kalinaw ang magiging future ko."

Xavierre is an intelligent girl. Pero kahit sa sobrang talino niya, hindi niya pa rin malaman-laman ang magiging propesyon man niya sa buhay. She's chill in life. 'Di niya na muna kasi inaalala ang mga magiging plano niya. But for now, kailangan niya nang bigyang pansin 'to. Didiretso na kami sa college.

"Pero baka mag-psychiatrist ako," she suddenly added.

"Okay 'yan, para makunsulta mo ang sarili mo," mapang-asar na sambit ko, tapos tumawa naman.

"Gaga ka," sumbat niya sa akin. "Ikaw nga ang aking unang kokunsaltahin. Mas baliw ka pa kaya sa akin, 'no!"

"Ewan ko sa 'yo," giit ko. "Mas baliw ka kaya. You have such crazy ideas forming in your mind."

"Says the girl who made a plan to own her crush for eternity," sabi niya kaya dumilim ang aking ekspresyon sa kanya. "Sinong mas baliw sa atin ngayon, ha?" hamon niya.

I rolled my eyes in annoyance. Tagal na nu'ng ginawa ko ang plano na 'yon. I was still fifteen back then. Gusto ko na ngang kalimutin, kaso 'di ko magawa dahil sa mga mapang-asar na mga tao na nasa tabi ko lagi.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now