Chapter 14

108 2 0
                                    

I'm fine

"Woohoo! Malapit na ang intrams!" isang malakas na sigaw ni Ian nang na-announce ang date kung kailan ang intramurals.

Every once in a year, ginaganap ang aming intramural meet. sasaya nanaman ang mga lalaki dahil mabibigyang pansin nanaman ulit ang kanilang favorite sport, which is basketball. They are also excited for other upcoming games. I'm sure sasalihan nila 'yun. Others are also glad, referring to the ones who are not joining. Dahil, bibihira nanaman magkaroon ng klase dahil naka-focus 'to sa mga games. I'm proud to say, na hindi ako kasama sa mga laro.

Alam kong wala akong masasaling sport cause I'm not of a sporty person. Ni-serve nga ng bola sa volleyball, 'di ko magawa. I guess hanggang cheer dance nalang ang makakaya ko.

"Pa-cafeteria kami. Sama ka, Blanche?" aya sa akin ni Addison. I nodded, dahil sa nagugutom na rin naman ako. Buti nalang nag-aya itong mga kaibigan ko.

We were about to walk away from the classroom, nang biglang may pumigil sa akin. Someone grabbed my arm to make me stop walking away. When I saw the one who did it, sinungitan ko agad siya ng tingin.

"Blanchoy, may pagkain ka?" bungad niya.

"Wala! Kita mo ngang papalabas palang para bumili eh," pumiglas ako sa paghawak niya para makaalis na agad. Sometimes, Naiser can also be a pain in the ass. Pero, sometimes lang naman. Mabait naman si Naiser, eh.

Habang patungo kami sa cafeteria, Monica can't really avoid of being to talkative. Her conversation with others were normal and smooth. Pero sa 'di ko inaasahan, napunta sa akin ang kanilang atensyon.

"Uy, ikaw, Blanche ha! Crush mo na siguro si Naiser! Ayie!" sambit ni Monica. I gave her a mocking look para kahit papaano, makumbinsi ko siya na wala akong crush kay Naiser.

"Excuse me, hindi 'no. Kaibigan ko lang 'yon," sumbat ko sa kanya. "Atsaka, paano napunta sa amin ni Naiser ang dinadaldal niyo?"

Monica just shrugged her shoulders, "Wala lang. Bago kasi ako makaalis ng campus kahapon, nakita kong kayo nalang dalawa ang natira sa guardhouse," aniya kaya kumunot ang aking noo. "Akala ko ba loyal ka lang kay Kenneth, Blanche ha?!"

Inirapan ko naman siya, "Psh, matagal lang akong sunduin kahapon, pati na rin si Naiser. Kaya kami nalang dalawa ang natira sa guard house. Walang malisya 'yun, 'no!"

After the words I had released, I suddenly saw Kenneth heading his way back to the school building. We had eye contact, pero iniwas niya na agad ang kanyang tingin sa akin. I can say that my face became down as I saw him. Napansin naman agad 'yon ng mga kaibigan ko.

"Hala. Akala ko close kayo, Blanche?" ani Madison.

"Ba't 'di kayo nagpansinan?" ani Xavierre.

"LQ agad, Blanche Wendy? Aruy!" ani naman ni Monica.

Binalewala ko lang ang mga sinasabi nila. So what, kung hindi kami nagpapansinan ni Kenneth? Crush ko lang naman siya, eh. Hindi na masyadong big deal 'yon para sa akin 'no! Psh, hindi naman siya kawalan kung 'di niya na ako pansinin. Crush ko lang siya! Crush lang!

Pero puchang-ina. Ba't ako nasasaktan tuwing dinededma niya na ako? Ang sakit talaga, eh! Hindi ko lang alam kung bakit. Ang gulo! Ayoko na.

I found myself falling in line to buy some food. Ang lalim ng isip ko tungkol kay Kenneth. He really has this kind of impact on me that I can't explain. Nakakainis naman kasi. Ba't ba kasi gano'n ang lalaking 'yon?

I noticed na nasa likod ko lang si Demise habang pumipila. Humarap naman ako sa kanya, "Demi, ano pala ang bibilhin mo?"

"Umm, biscuit lang siguro. 'Di naman ako gano'n kagutom," sagot niya. "Eh, ikaw?"

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now