Chapter 41

95 1 0
                                    

Some time

When we were young, I've wanted to search for Ezekiel. Gusto kong patunayan kay Naiser na hindi pa patay si Ezekiel. Gusto kong patunayang buhay pa siya... in a different identity.

Siguro, si Kenneth 'yon.

Pero paano?

Paanong magiging Ezekiel si Kenneth? But to look at the picture, kamukhang kamukha niya talaga 'to! Nakita ko ang mga throwback picture niya tuwing nagpo-post siya sa Facebook—I have saved a one of them, to be honest. Pero masasabi ko talagang kamukhang kamukha niya si Ezekiel sa picture ni Naiser.

What if... siya nga talaga si Ezekiel?

In a different angle? In a different reason?

Ughh. Siguro hindi naman. Ang labong mangyari.

Four years had already passed, pero pilit ko pa ring hinahanap si Ezekiel. I've already accepted Naiser's loss. Tama nga si Xavierre. It actually became a beautiful disaster—which is worth it, because Naiser was in peace all along.

I have took BS Accountancy for my pre-law. Hindi nga ako makapaniwalang nakapagtapos ako kahit sobrang hina ko sa Math. But I'm still studying. After 2 years, I'm already in Law school. Para matupad naman ang pangarap ko maging abogado.

Ian was with me. Siya ang kasama kong nag-aaral sa iisang Law school. Laking pasalamat ko sa kanya dahil nga'y may kaibigan ako sa bago kong ambience of studying. Ipu-push talaga namin itong pagiging Attorney.

"Uuwi raw si Xavierre," I opened up a topic while the two of us were walking in the hallways. "Gusto mong sumama? Susunduin ko sa airport, eh."

He playfully tousled my hair. "May midterms tayo next-next week."

I smirked. Simula nang mag-college, tutok na tutok talaga siya sa mga studies niya. Hindi kagaya noong high school na yolo lang. Kaya tuwing may exams, hindi niya pinapalampas ang kahit anong oras, para lang makapag-aral. Tambayan niya na nga ata ang lib, eh.

"I've studied the whole night," I stated. "Kahit samahan mo lang ako? Skip ka na muna. Lagi ka nalang nag-aaral."

I sounded like I'm a bad influence. Napatawa si Ian sa akin. "I'll pass for now," he declared. Nag-improve na rin ang English skills niya. "Kaya mo na rin 'yun, eh."

"Woah. The Ian I knew can never be this responsible." Tumawa ako.

"The Ian you knew was at high school," he blurted back.

"Yeah, 'yung may gusto kay Leslie," I annoyingly uttered. Gusto ko talagang alalahanin 'yung high school memories namin. 'Yung mga crush namin noon, 'yung mga jokes namin, at ang ibang masasayang alaala kasama sila.

Ian was really annoyed. "Tss. Ikaw naman, 'yung may gusto kay Jimenez."

I scoffed. "Naka-move on na rin naman ako sa kanya. Bleh."

"Ang hilig mo talaga mag-open up ng high school past natin, e, 'no?"

"Wala, eh. Nakaka-miss."

"Yeah," he agreed.

Lagi kong sinasamahan si Ian sa library para mag-aral. Hindi napapabayaan ang buhay ko tuwing kasama ko si Ian. Nagseryoso talaga siya.

Kahit gumagala kami ni Ian, hindi niya talaga nakakalimutang magdala ng isang reviewer para ipagpatuloy ang studies niya. He has this study habit that every student must attain. Masipag naman ako mag-aral, eh, pero nagagawa ko pa ring magliwaliw. Kaysa naman dito kay Ian, na gustong magkulong magdamag sa kanyang apartment para lang talaga mag-aral.

The Plan (The Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ