Chapter 34

105 2 0
                                    

Promise

Naiser Alvin Sy: Uyyyy sorry na.

Naiser Alvin Sy: Sumipot naman ako kagabi ay.

Naiser Alvin Sy: Uy Blanche. Wag mo na akong iseen. Huhuhu.

Kanina ko pa hindi pinapansin ang mga messages sa akin ni Naiser. Hindi naman talaga ako gano'n kagalit sa kanya sa nagawa niya kagabi. I just wanted to think. Kung bakit 'di ko man lang naisip na mangyayari 'yon sa kanya. While I was at prom, waiting for him, muntik ko na siyang murahin sa aking isipan. Pero nang malaman ko ang mga rason kung ba't siya na-late, it made me feel that I just want to cry all night.

That night, I had received so many pinches in my heart. Damn all of these.

"I'm sorry, I'm late. But here I am. Hindi ko magagawang maiwan ka rito nang walang ka-partner, Blanche. Hindi ko magagawang paasahin ka. You are too fragile," he said. Trying to relieve me from my thoughts.

Kahit kanina pa kami sumasayaw, hindi talaga napipigilan ang mga luhang tumatakas sa aking mga mata.

"Uy, kanina ka pa umiiyak," he muttered with a smile. "Nandito na rin naman ako, ah? Nakikita mo na nga ang pogi kong mukha, pero ikaw, umiiyak pa rin? Tears of joy, Blanche?"

Mahina ko siyang hinampas, kung kaya't napatawa siya nang kaunti. "Kainis ka. Kanina pa kita hinahanap," I said between my sobs. "Buti nga na-partneran ako ni Ian sa runway, eh! Saan ka ba kasi nagpupunta, ha?"

"Shh. 'Wag ka ngang umiyak. Nasisira make-up mo, eh. Ang ganda mo pa naman," he complimented, then my heart started pounding. Kahit naiinis talaga ako sa kanya ngayon, nagagawa niya pa rin 'to sa puso ko.

What the heck, kahit kanina pa tumutulo ang mga luha ko, nagawa niya pang tumawa at ngitian lang ako. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi pa rin tapos tumulo ang mga luha ko. Hinampas ko siya nang paulit-ulit pero patuloy pa rin ang pag-ngiti at pagtawa niya.

"Why are you still laughing?" mariin kong tanong. "I'm fucking pissed at you, right now."

"I know," he said, still showing his unique smile. "I just want you to think that I'm just alright, Blanche."

My forehead was still creasing. "And why would you do that?"

"Sumakit kasi ulo ko kanina, eh. Kaya ako na-late," from what he said, I paused myself from sobbing too much. It made me worry for him. "I was brought to my doctor, then found out that my brain injury is now worsening."

Nagagawa niya pang sabihin sa akin 'to?! Tapos naka-ngiti pa siya! Dahil doon, 'di ko mapigilan ang mag-alala sa kanya. I should've have thought about this. I should've known, na posibleng mangyari 'to. Tapos eto ako, nagagalit sa kanya dahil na-late siya sa prom.

"Paano ko naman maiisip na maayos ka lang, kung sinabi mo ang lahat ng 'to sa akin?!" Then my tears started flooding my eyes again. Sira na talaga ang make-up ko nito, for sure. "I'm damned worried right now, Naiser Alvin Sy!"

He chuckled. "Just wanted you to know the truth," he simply said. "I don't wanna lie to you. Para naman pagkatiwalaan mo pa talaga ako nang husto, kapag naging tayo na."

I closed my eyes and let the tears flow again. Kina-career niya talaga 'to? I don't really deserve him. Nakakainis siya!

After that dance, tumungo ako sa CR para lang maayos ang haggard kong sarili. He tried to comfort me while the event was still ongoing. Well, I couldn't even react from his comforting just because of his revelation. Ang hirap intindihin ang sitwasyon niya ngayon. Naaawa ako sa kanya dahil bakit kailangan niya pang maranasan ang hirap na ganito.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now