Chapter 02

179 2 1
                                    

Blushed

Iba nanaman ang kasama ni Kenneth!

Nakita ko lang naman sila ni Mueller na magka-akbay. Crush, pwedeng maging loyal ka naman paminsan-minsan sa nagkaka-crush sa 'yo? Nagseselos kasi ang nagkaka-crush sa 'yo, kapag may lumalapit na iba.

What's with the I realize that you're cute part? Hanggang asa nalang ba ako sa sinabi mo, crush? Siguro, oo nga. Kahit masakit umasa, ito pa rin ako, asa ng asa. Nagmumukha lang na tanga.

"Oy Blanche, gawan mo ako ng assignment." Napatigil ang pag-iisip ko tungkol kay Kenneth, nang biglang sumulpot si Naiser sa tabi ng desk ko.

"Ha? Anong assignment nanaman 'yan?" I asked with irritation within my voice.

"'Yung doon sa Religion. Please na," pagmamakaawa naman niya. Kahit naman magmakaawa pa siya, hindi niya ako mapapaniwala sa mga gan'yan.

Pero... wala na rin naman akong gagawin, eh. Ayos lang naman kung tulungan ko nalang siya. Napasinghap ako. "Tss. Oo na! Umalis ka na sa harapan ko."

"Thanks, Blanche!" he said.

Mamayang hapon pa naman ang Religion namin. 9am palang ngayon kaya pwede ko pa ito tapusin mamaya.

Lumabas ako ng classroom para makasulyap nanaman kay Kenneth sa balcony ng corridor. 'Yung lagi kong ginagawa, at hinding hindi ako magsasawang gawin 'yon.

Nakita ko naman siya sa labas. Kinikilig talaga ako tuwing nakikita siya. The good part, wala pa siyang kasamang babae ngayon! Puro tropa niya lang ang kanyang kasama. Napansin kong suot-suot niya ang jersey niya. Hindi ko alam kung bakit dalawang zero ang nakalagay sa likod nito. But what the heck, who cares? Basta mahal ko siya. Tapos! Period.

Sumandal ako sa balcony ng corridor. Napasinghap nalang ako dahil napagtanto ko nalang na... walang mangyayari kung patuloy kong titignan lang si Kenneth.

I'll be sighing in a distance. While looking at him, happy... with other people. I want to be part of that social circle of his!

"Gumawa ka nga ng plano."

Halos mapatalon na ako sa gulat dahil kay Madison. "Nakakagulat ka naman!" giit ko. "Anong plano nanaman ba 'yan?"

"Plano... para naman mapanatag ka sa magiging future niyo ni Kenneth," dire-diretso niyang sagot.

Wow, ha. Kung makautos siya nang gano'n, parang ang dali-dali pasagutin si Kenneth. Atsaka, hindi ako makapaniwala na pinapagawa niya ako ng gano'n, eh itong babaeng 'to ang dakilang anti-fan ng forever.

"Sus. Ayoko. Magiging tanga lang ako kapag gano'n," sagot ko.

Napairap siya sa aking sinabi. "Ang sinasabi mo bang pagmamahal para sa kanya ay hindi pagiging tanga?" giit niya pabalik. "Hay naku, Blanche Wendy. Siguro mas mabuting maging tanga muna, dahil parang mas masaya ka pa sa kaka-ilusyon mo sa kanya, kaysa magkaroon nga kayo ng relasyon, masasaktan ka pa rin naman sa huli. Walang forever, bes. Tandaan mo 'yan."

Woah. Ganito pala minsan kung magsalita si Madison. I'm shocked. Iba rin ang mga kaibigang kong 'to, eh.

"May pinaghuhugutan ka ata ngayon, Madison Jane?" saad ko. I arched my brow in front of her. "Hindi mo naman porte 'yang mga gan'yan," I added. "Ba't inuutos mo sa akin na ako gagawa?"

She gave me a smirk. "Well, I'm just giving you a 'slight of hope' idea. Malay mo kasi magkatotoo 'yung mga ipaplano mo."

Duh. As if. Pero pwede rin. Pag-iisipan ko nalang.

***

Math class. The most boring part of our day as students. Grabe ang boring talaga. Nagsusulat nalang tuloy ako ng kung ano-ano dito sa papel ko. Naging scratch paper na tuloy. Kinumos ko ang papel. Ang dumi kasing tignan pag nasama sa aking pad of paper.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now