Chapter 03

138 2 1
                                    

Ayaw niya

"Ako lang ang pogi! Naiser Alvin Sy!"

"Hindi! Si Ian Mendez lang ang pogi sa classroom na 'to!"

"Si Nathan De Los Reyes ang pinaka-pogi!"

Ang palakihan ng ulo, ay 'di nawawala sa mga kaklase naming lalaki. Feeling nila ay sila ang pinaka-pogi sa balat ng lupa. Majority ng mga lalaking 'yon ay sina Naiser, Ian, at Nathan.

Halos araw-araw na nilang pinagsisigawang mga pogi sila. Dahil kaibigan namin sila, we might consider them pogi as well. Pogi naman talaga si Ian eh! May sense of humor siya, tapos mabait pa, palaloko lang siya. Si Nathan naman, kahit mataba pogi pa rin. Siguro kung pumayat 'yan at pumuti, maraming babaeng magkakandarapa sa kanya. Si Naiser naman, he's stating the obvious. Pogi nga siya. Nakakahiya lang sabihin sa kanya. 'Di ko alam kung bakit 'di sila naniniwala na pogi si Naiser. Chinito siya, maputi, matangkad pa!

Nasanay na ang buong classroom sa mga isinisigaw nina Ian, Naiser, at Nathan. Pinapatahimik nalang namin kung sumusobra na sila sa ingay.

'Di ako bumaba ng building ngayong recess para bumili sa cafeteria. Nagpaiwan na muna ako dito sa classroom dahil 'di naman ako nagugutom.

"Blanche, pumunta pala si Kenneth dito sa labas ng classroom kahapon," sabi ni Monica habang may sinusulat sa board. Ba't 'di kaya bumaba ng building 'to? Mahilig pa naman 'to bumili tuwing recess.

"Talaga? Bakit daw?" I responded.

Humarap siya sa akin. "Humiram kasi siya ng Bible. Badtrip nga nu'ng nakita ko. 'Di ko alam kung bakit. Basta naalala ko na nu'ng lunch siya pumunta," sagot niya. "Dapat pinahiram mo, Blanche! Busy ka ata no'n sa pagpapalipad ng paper airplane kaya 'di mo siya namalayan."

Napasinghap ako. "'Wag kang mag-alala! Papahiramin ko siya sa susunod. Baka nga mapahiram ko pa siya ng sci-cal eh!"

Ilang minuto na ang lumipas, nagsidating na ang mga kaklase ko na galing ata ng cafeteria. O galing sa iba't ibang panig ng campus.

"Blanche! Sabi pala ni Adriene ay mapapasa siya ng bagong music video ng Red Velvet sa 'yo," bungad ni Ailey.

"Okay. Punta kamo siya sa bahay. Wala sa phone ko 'yung video eh," saad ko naman nang maitukoy ni Ailey si Adriene na nasa Grade 10.

Sa aming squad, halos puro fans ng K-pop. Hindi ko alam kung bakit, pero naadik na talaga ako noong kinahiligan ko na 'to. 'Yung iba namang girls dito sa klase namin, mahilig din sa K-pop, pero 'di naman gano'n ka-die heart.

Dahil siguro sa pagiging K-pop fan ko naging crush ko si Kenneth. May hawig kasi siyang idol. Siguro isama na natin si Naiser na may hawig rin sa isang idol.

"'Tsaka may practice daw ang dance club mamaya. Pupunta ka pa ba?" dagdag niya naman na tanong.

"Hindi na muna. Tinatamad pa ako," my chill answer.

Dahil lang rin talaga sa K-pop, lumabas ang inner dancer ko. Kahit mala-chubby itong katawan ko, nagagawa ko talagang sumayaw! Pero dahil dito sa hobby kong 'to, pumapayat na rin ako nang kaunti.

"Okay, class. Bukas na ang fun-run. Siguraduhin niyong nabayaran na ang mga contributions para walang problema," saad ng adviser namin. Klase niya na kasi ngayon.

Lumingon si Leslie sa akin na nasa harapan ko. "Blanche, anong oras ka dadating bukas sa venue ng fun-run?"

"Umm, mga quarter to 5am na siguro," sagot ko sa kanya. "Ikaw?"

"Siguro gano'n na rin." She smiled at humarap muli sa chalk board.

Minsan talaga nagdadalawang-isip ako kung nagawa ba talaga ni Leslie 'yon kina Addison. Para sa akin, hindi. Oo, mahilig siyang mang-bully 'tsaka backstab na rin noong elementary, pero matagal na 'yon. When high school came, I knew she changed. Masasabi ko talagang mabait siya, if you look into her in a different angle. 'Di ako makapaniwala kung magagawa niya man 'yon. Alam kong marami ang nagalit sa kanya noon, pero nag-sorry naman siya sa mga mali niya. I guess it's better to give Leslie a chance to show that those apologies were sincere.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now