Chapter 09

113 2 0
                                    

Close

Weekends. This is the only part of the week, which I can rest and sleep for like half of a day. Maswerte ako dahil hindi gaano pumupunta ang mga kaklase ko sa aking bahay. Pumupunta lang naman sila rito kung may mga project, assignment, or other words like tambay. But at this time, walang magtatambay! Gusto ko muna magpahinga at gusto ko ng katahimikan.

Kaso 'di ko nahangad ang pagpapahinga at pagkakaroon ng katahimikan. Until someone came into the house. That effin' Ian and Naiser just went directly to my room.

"Blancheee!" bungad ni Ian nang makapasok sila ni Naiser sa kwarto ko. Wrong timing masyado si Ian kapag sisigaw, kung kailan wala ako sa mood tumanggap ng bisita! "Kami'y nautusan na isundo ka!"

"Tumpak nga. Binibining Blanche, ika'y pinapasundo ng pinakamamahal mong mga kaibigang sina Xavierre, Addison, Madison, Monica, Amanda, at Penelope!" ani Naiser.

I gave them a slow clap without an encouraging face. "Wow. Ako'y nagagalak nang marinig galing sa inyo ang mga salitang 'yan. Tangina..." sorry for the foul words. Wala talaga ako sa mood nang dumating ang dalawang ugok na 'to. "Ilang naka-rubber band na pera ang nabigay sa inyo ni Monica para sumunod kayo sa kanya?!"

Bigla namang nag-iba ang mukha ni Ian. Kanina parang clown kung makangiti, ngayon ay parang pusang 'di nabigyan ng pagkain dahil binigay sa aso. "Tatlo lang naman, Blanche eh."

"Uh, l-lima 'yung akin eh-"

"Shut up." Pinutol ko ang sasabihin ni Naiser. Buti naman tumahimik ang dalawang 'to.

"Saan niyo ba ako dadalhin? Or in other words, ba't ako pinapasundo nina Xavierre?" nagtatakang mga tanong ko.

"Sa bahay lang naman nina Xavierre, Blanche eh. Birthday kasi ni Zac!" ani Ian.

Lumaki ang aking mga mata nang malaman ang tungkol doon. Damn. It's Zac's birthday! Ba't nakalimutan ko?! Gano'n na ba talaga ako kalutang ngayon?! Kung may handa siya ngayon, ibig sabihing na-discharge na pala siya sa hospital?

"Hay. Oo na nga. Sasama na ako." sambit ko. "Magbibihis muna ako."

Sinuot ko ang bili ni daddy na t-shirt. Tsaka tinernohan ito ng jumper. Nag-converse nalang ako kaysa gamitin ang iba kong sapatos.

Nang makasakay ako sa kotse ni Naiser, doon na ako umupo sa back seat dahil si Ian na ang nakaupo sa front seat.

"Pormahan ata tayo ngayon, Acosta ah!" sambit ni Ian. Inirapan ko siya.

"Tse. Manahimik ka nga. Pormahan nga rin kayo ngayon eh." Saad ko naman.

"Sabagay. Birthday kasi ni Zac. We have to look formal!" ani Ian dahilan ng pagtawa nang malakas ni Naiser habang nagmamaneho.

"Putal. 'We have to look formal' daw oh! Saan mo napulot 'yan, Ian?!" patuloy pa rin sa paghalakhak si Naiser. Si Ian naman napakamot sa batok niya. Mga loko-loko.

"Tumigil ka nga Naiser. Madisgrasya pa tayo dahil sa katatawa mo." masungit kong utos.

"Yes, ma'am!" sambit naman niya. He's showing his eye smile again! Halos mapangiwi ako nang makita ko iyon. Naiser Alvin Sy really has charms.

"Oy, Blanche! Nakita ko 'yon! Namula ka pa!" humalakhak nang humalakhak si Ian. What the hell. Ian saw on how I reacted on Naiser?! Lumilingon-lingon kasi eh! Kainis.

Tumawa na rin si Naiser. Wala ba siyang naramdamang pag-iilang nang masabi 'yon ni Ian?! Hay nako, Naiser.

"Blanche, aminin mo na ngang pogi ako." ani Naiser. "Sabi ko sa'yo, Ian, ako ang pinaka-pogi sa buong mundo! Pati si Blanche, napapansin na rin!"

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now