Chapter 32

113 2 4
                                    

Partner

"Seryoso? May time pa ba tayo para mag-organize sa prom?" my rants are echoing all over the classroom. "Let the junior high school students organize it. Hirap na hirap na nga tayo sa thesis, eh."

Isang buntong hininga ang nailabas ni Monica. "Gusto ko nga sanang gano'n nalang, kaso tayong mga Grade 12 talaga ang inaatasan dito."

"Ano? Ilang taon na silang umaasa sa atin? Can we just have a break for a bit?" I commented.

"Wala, eh. Inaasahan kasi tayo," Addison uttered afterwards.

It's been 3 years. Halos kami talaga ang naaasahan para sa mga events ng school. Ang batch lang talaga namin. Kasalanan rin naman namin, eh. Masyado kasi kaming resourceful kung mag-isip, at sobrang responsible ng mga iba kong kasama. No wonder all the authorities in this academy really has huge expectations towards us.

The prom is within 3 weeks. Since kami na talaga ang inaatasan para sa prom na ito, kailangan na naming mag-isip ng mga steps for the dances.

A bunch of classes were ahead of us. Buti nga'y may nahanap pang time sina Monica para makapag-usap kami about sa magiging theme ng prom night.

"So magbigay na kayo ng mga suggestions niyo for the theme of our JS prom night," Monica announced to the all of us.

Naiser suddenly raised his hand. "Gawin nalang nating casual itong prom. Dami pang arte, eh."

"Hoy, umayos ka nga," sumbat naman ni Monica sa kanya. "Last year na rin natin 'to, eh. Let's add it with a bit of effort."

The majority approved on Monica's statement. Muntik ko na ngang makalimutan na last year na pala namin dito sa school. Sa dami ba namang projects ang naiibigay sa amin, mas binibigyan pansin ko pa 'yon sa buong school year.

"How about the Great Gatsby themed? Elegant siyang tignan. Wala 'yung kaartehan na minimean ni Naiser," Xavierre suggested. I checked my phone atsaka sinearch ang the Great Gatsby. As I checked it, tama nga ang mga sinasabi ni Xavierre. "The colors should be atleast dark for our motif."

"Okay, I was convinced by Xavierre's suggestion," Monica added. "Any objections on the said theme?"

Wala na ring umangal kung kaya't ang napiling theme ni Xavierre ang magiging theme for the prom.

Pagkatapos ng mini meeting namin, classes came back to us real soon. Sobrang hectic pala kapag nasa senior high ka na. Feeling ko nga'y parang nasa college na kami dahil sa lagay namin. Ang dami talagang pinapagawa. Ang dami pang thesis. Nakakaiyak talaga kung bumagsak man kami rito sa sem na ito. Tapos sobrang strikto pa ng mga teacher namin.

When our lunch break came, sabay kami ni Xavierre tumungong cafeteria. Himala ngang kakain ngayon si Xavierre. 'Di kasi masyadong kumakain ng lunch. Sabay kaming um-order ng kakainin namin. Actually, kaming dalawa nga lang ang nakaupo sa table na pinepwesto namin. 'Yung iba kasi, kung hindi sa cafeteria kakain, sa gazebo o classroom pepwesto.

Nu'ng umalis na si Demise, lagi nang sumasama ulit sa akin si Xavierre. Na-miss na nga namin iyong si Demise. Of course, we didn't cut our connections to her. Nagkakausap pa rin kami kahit papaano. Isang oras lang naman ang pagitan ng time zone namin doon sa kanila, eh.

"Kamusta ang thesis ng group niyo?" she suddenly asked. Linunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot sa kanya.

"Maayos naman, pero nakakasakit ng ulo," sabi ko, but with a lazy voice. Parang na-drain ng mga projects ang masigla kong pagkatao. "Before mag-end ng school year ipe-present ang thesis natin diba? Oh, edi, pagkatapos ng prom, exams na, tapos pag-present pa ng thesis. Grabe, sana kayanin pa natin 'to."

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now