Chapter 13

98 2 0
                                    

Tanga mo

"Tangina naman, oh! Ang hirap-hirap gayahin!"

"Hindi kasi gan'yan. Ganito! Kingina ng gagong 'to. Parang pirma lang na parang linya ang format, 'di pa makaya!"

"Pota! Ako nang bahala!"

Kanina pa ako nakakarinig ng mga mura galing kina Naiser, Ian, at Ares. Eto naman ako, patuloy pa rin ang pagtitingin sa kung anong ginagawa nila. Hindi kasi magaya-gaya ni Naiser ang pirma ng kanyang mommy.

Dahilan kung bakit kailangan ang pirmang 'yon? May malaki silang atraso sa aming adviser habang nagkaklase siya. Ang atraso namang iyon ang magpakaingay buong klase ng English.

This is how it happened...

"Today, our topic will be all about adverbs and adjectives."

English subject. Pagkatapos ng recess, ito na ang kasunod. Unang pasok palang ni Miss Maggie, naabutan niya na agad na sina Naiser, Ian, Ares at iba pang mga lalaki ay magugulo at nagsisilipatan na ng upuan. Gano'n rin ang mga ibang babae kaya nagmukhang magulo talaga ang klase namin.

"Be quiet!" saway ni Miss Maggie. Hindi na muna tinuloy ng mga lalaki ang magdaldal nang malakas. "Okay. For you? What are adverbs and adjectives? Naiser?" pinatuloy niya ang pagkaklase.

Tumayo si Naiser mula sa kanyang inuupuan habang kinakalmot ang kanyang batok. Napapairap nalang ako sa aking isipan dahil pati adverbs at adjectives ay 'di masagot ni Naiser. Minsan lang kasi mag-aral.

It took time bago makasagot siya. Pero parang mas nagalit si Miss Maggie sa sinagot niya. "Ah! Alam ko na Miss! Adverbs and adjectives is our lesson today!" he answered.

"Napakabastos, Mr. Naiser Alvin Sy." Humalakhak nang napakalakas ang mga lalaki. Walang pakialam kaming mga babae dahil sanay na kami sa ganitong ipinapakita nina Naiser.

Umupo ulit si Naiser at pinatuloy ang pagdaldal. Itinuloy lang ni Miss Maggie ang pag-discuss. Pero dahil nga sa maingay ang mga lalaki, 'di siya makasalita nang maayos.

Nauwi ang kanilang mga daldalan sa jokes. 'Yung dinig talaga ng buong klase.

Ares suddenly cleared his throat. "Eto, meron ako! Anong bear ang maglalaban?" tanong niya.

"Ano?" tanong pabalik ng ibang lalaki.

"Edi... bear-sus!"

"Hay nako." Feeling disappointed ang reaksyon ng mga boys.

Humalakhak naman ako. "Natawa ako doon!" tanging ako lang ang nag-react sa joke ni Ares.

"Eto nalang!" panimula ni Joey. "Anong tinapay ang masarap?" Tinanong naming lahat kung ano. "Edi, Tasty," sagot niya naman.

Ilang segundo ang lumipas. Hanggang sa... "Ya, benta!" Tumawa ang lahat.

Magaling talagang gumawa ng jokes itong lalaking 'to. Comedian of the year talaga. Halos lahat kami napatawa.

"Ako nanaman," Naiser started. "Anong tinapay ang nasa kalawakan?" tanong niya.

"Ano?" tanong namin pabalik.

"Edi, moon-ay."

Iilan lang naman. ang tumawa. Hanggang ngiwi lang nailabas ko. Pansin ko ngang, improving ang mga boys naming pagdating sa pag-iisip ng mga jokes.

Sumingit nanaman si Joey. "Ako ulit. Anong star ang nagtatanong?"

"Ano?"

"Edi, Suun."

Nu'ng una, 'di pa nag-sink in ang joke ni Joey. Pero pagkalipas ng dalawang minuto lang, bigla naman kami napatawa.

"Kingina mo, Joey, ah!" singit ni Naiser kaya't napatawa ako nang kaunti. "Anong kotse ang nasa kalawakan?!"

The Plan (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon