Chapter 17

100 2 0
                                    

Stepped in

Kyler Adonic: Oy @Blanche Wendy Acosta. Ang sama mo

Kyler Adonic: Tinatawag ka ni Kenneth. 'Di mo man lang pinapansin.

Isang sapo sa aking ulo ang aking tinanggap dahil sa ni-message ni Kyler sa group chat. Tanga nito. Eh, sila nga ang tumatawag sa akin kanina. Atsaka, necessary ba na ipaalam 'to sa group chat? Nakakahiya ang mga taong 'to.

Me: Hindi niya ako tinatawag, tanga. Kayo ang tumatawag sakin.

Kyler Adonic: Tanga mo rin.

Kyler Adonic: Si Kenneth ang tumatawag sayo kanina.

Me: Hindi kaya. Wala akong narinig.

Me: Kayo halos ang sumisigaw!

Kung tinawag niya naman kasi ako, edi rinig ko 'yon. Katabi ko lang naman siya. Lolokohin pa nila ako? What the hell? Mga ewan sila. 'Di nila ako mauuto. I'm raising my middle finger for it.

Kyler Adonic: Kita ko kaya. Nasa harap ko siya eh.

Kyler Adonic: Eyyy Blanche.

Me: Seryoso. Hindi ko naman narinig na tinatawag niya ako. Duh.

Me: wag niyo akong lokohin.

Isa rin akong ewan, eh. 'Di ko ma-explain kung bakit buong gabi, 'di nawala sa isip ko ang mga litsing sinasabi ni Kyler. Mukha akong umaasang hindi. Punyeta ka, Blanche.

Bigla namang bumukas ang pinto, at ang naglabas mula rito ay si mom.

"Anak, nandito si Naiser."

"Hala. Bakit daw?!" I unexpectedly yelled.

Nagulat naman si Mom nu'ng napasigaw ako. I mouthed a sorry at tinanong ulit kung bakit. But this time with a low voice.

"No need to shout, Blanche Wendy," Mom added, then answered on what I asked. "I don't know. Basta hinahanap ka niya sa labas."

Wala na rin akong nagawa kundi lumabas na lang. Nang makalabas ako ng gate, nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse. Buti nga'y pinapayagan siyang magmaneho ng sasakyan. Astig talaga itong si Naiser.

"Ba't napapunta ka rito?" bungad ko nang makalapit na ako sa kanya.

Sa 'di inaasahan, naramdaman ko ang bigat ng katawan niya dahil bigla-bigla niya akong yinakap. My eyes widened on what he did. Anong problema nito?

"Hala. A-anong nangyari sa 'yo, Naiser?" sambit ko. "Malungkot ka ba dahil hindi mo naging ka-grupo si Ian? Si Ares? 'Wag kang mag-alala! Ka-grupo mo naman si Eric, eh!"

'Di ko inalis ang kapilyahan sa mga sinasabi ko. Naiser is a jolly person. Hindi ko nakikita sa kanya ang pagiging seryoso, kaya sinasabayan ko nalang din ang pagiging pilyo niya. Then suddenly, I heard him stiffen. Is he crying? This is so shocking. At sa balikat ko pa talaga siya umiyak.

"N-natatakot ulit ako, B-Blanche..."

Nanlaki ang mga mata ko. Dahil sa sinabi niya, alam ko na ang pinagdadaanan niya. A memory on what happened to him years ago.

"Naiser! Sumama ka sa akin, doon tayo sa rooftop! Maganda roon!"

Hila-hila ko si Naiser, para naman bumilis rin ang paglakad niya. Minsan lang kasi tumakbo. Kaya hinihila ko nalang. This kid is really physical health conscious. Natatakot siya sa kung anong mangyayari sa katawan niya, lalo na sa utak niya.

"B-Blanche, sandali. 'Wag nalang. Baka mapagalitan pa tayo ng mga nurse kung makita nila tayo," he mumbled, that's why I pouted.

"Hmp. Napaka-kill joy mo naman!"

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now