Chapter 43

113 1 0
                                    

This is real

"I like you," sabi niya.

Isang araw niya lang ako nakita. Isang araw. Isang saglit. Isang minuto. Ilang segundong pagtitinginan. Seryoso ba siya?!

Seryoso ba siyang... gusto niya ako?!

Paanong nangyari 'yon?! I know the world can be a cliché sometimes, pero... mahirap talagang paniwalaan, eh. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang pangangailangan kong makapasa—but every student wants the concept of passing, kaya acceptable. Pero ba't ako pa?! Ba't 'di nalang ang iba?! Ba't 'di nalang ang mga kaibigan niya?! Ba't 'di nalang 'yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya?!

"Ha?" tanging nasambit ko. But I immediately shook my head. "Look, 'di ko 'to matatanggap." I gave him the old exams that he will lend me. Hindi naman kami gano'n ka-close para tanggapin ko 'yung offer niya.

"What? You don't want to? Makakatulong kaya 'to sa 'yo, tapos ayaw mong tanggapin?" His forehead was creasing. I just smiled at him.

"Harris, right?" I assured his name, then began to start talking. "I don't feel the need to accept this offer of yours. 'Di naman tayo gano'n magkakilala—"

"I told you, I like you. That's enough reason," he cut me off.

My jaw dropped at that. "No. It's not," pagbawi ko. "Harris, we met in an embarrassing moment. Paano mo masasabing gusto mo ako? That's strange."

"Basta," sambit niya. "Come on, Acosta. Can't you just accept it?"

So ngayon, via apelyido ko na ang tawag niya sa akin. He's too weird. I mean, a few days had passed, ganito na ang nararamdaman niya sa akin? Ang labo! Anong nangyari sa pag-iisip niya?

Umiling ako. Dumiretso naman ako sa classroom para makuha ang naiwan kong notes. When I got out, binigyan ko nalang siya ng isang ngiti at iniwan siya roon.

Other students were looking at me. Sabagay, narinig din nila ang conversation namin—nakakahiya! Now, I really don't want the attention. It's too embarrassing. Really. Parang 'di ko kakayaning tanggapin ang atensyon na naibibigay nila sa 'kin.

I saw Ian waiting for me in the hallways. Wow. Never knew he would actually follow me. Narinig niya ba pinag-usapan namin?

"So, anong sinabi sa 'yo ni Harris Delos Santos?"

Hindi pala.

"He offered me old exams," sagot ko. Umaliwalas ang mukha niya nang masabi ko 'yun. Nabawi ko naman ito. "I declined."

"Ang tanga mo, Blanche Wendy," giit niya. I pouted. "Makakaraos tayo dahil du'n sa offer niya! Ba't 'di mo tinanggap?!"

"Sorry na. I can just borrow my uncle's old exams." Ngumiwi ako. I sighed because of his face showing intimidation. Parang gusto niya pa ng isang rason kung bakit 'di ko tinanggap ang mga exams ni Harris. "'Di ko tinanggap 'yun dahil 'di naman kami close. Tapos it's awkward."

"Paanong magiging awkward 'yun?"

"Umm..."

"Sabihin mo na kasi," he insisted.

"He just confessed that he l-likes me," nauutal kong sinabi. Bigla namang tumawa si Ian sa nalaman niya. My lips pursed from what he is showing. Nakakahiya talaga. Sobra.

"Umiwas ka na, Blanche. May saltik 'yun sa utak," sabi niya. Hindi pa rin siya natatapos sa pagtawa niya. Hindi ko nga alam kung maiinsulto ba ako sa sinabi niya o mapapaniwala nalang. Sometimes, Ian statements can be really true. "So, paano ka n'yan? Wala kang old exams para makapag-aral sa midterms," he said, nang tapos na siyang tumawa.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now