Chapter 22

93 2 0
                                    

Seen

Kanina pa hinahanap ng mga mata ko ang pagmumukha ni Naiser. Today is Monday. May klase nanaman kami. Nu'ng isang araw, hindi ko man lang naabutan si Naiser sa kanilang bahay o sa bahay naming man lang. Tinanong ko si Xavierre kung nasabi ba ni Naiser sa kanya kung saan siya pupunta, Unfortunately, she has no idea.

When I stepped inside the classroom, nakita ko sina Xavierre, Addison, at ang iba pa na masaya namang nag-uusap. Marahan naman akong lumapit sa kanila. All of them saw me, kaya't napunta sa akin ang direksyon ng atensyon nila.

"Oy, Blanche!" Addison uttered.

When I got near to them, hindi maalis ang panginginig sa aking katawan. I knew how they noticed it real quick. 'Di nila naalis sa pagmumukha nila ang mang-asar.

"Oh? Ba't ka nanginginig dyan?" sambit ni Amanda.

"Nakita mo ulit siguro si Kenneth," giit naman ni Penelope.

"Kilig-kilig nanaman itong babaeng 'to," panunuya naman ni Madison.

Umiling ako. They saw how I shook my head seriously. Kaya agad naman naglaho ang mapang-asar nilang tingin sa mga mukha nila. I saw how curiosity invaded them.

I let out a deep breath before I started talking, "M-may namamagitan ba kina Leslie at K-Kenneth?"

I saw shock in their eyes. Tinignan ko sila nang mabuti. I'm sure on my question. I asked them without hesitations on my eyes. Gusto kong malaman na galing mismo sa kanila. Gusto ko malaman ang totoo. And coming from them

"P-Paano mo naman n-nasabi—"

Pinutol ko ang sasabihin ni Madison, "Nakita kong hinalikan ni Leslie si Kenneth sa mall kahapon. I guess that's enough evidence para malaman ang totoong namamagitan sa kanila," saad ko. "It feels like you knew it all along."

Iniiwas nila ang kanilang mga tingin sa akin. Dahil sa inakto nila, I realized something. Damn. It hurts. Nagmumukha lang pala akong tanga all this time, and I didn't even noticed it. Ang tanga. Ang tanga mo talaga, Blanche. Umasa ka nanaman sa wala. Ang sakit talaga.

I can feel tears flowing down already. And I can't even fucking stop it from flowing. Ganito ba talaga kasakit na tanggapin ang mga nalalaman ko ngayon?

"Blanche, hindi na muna sinabi sa 'yo dahil alam naming masasaktan ka," Xavierre's concerned voice stepped in. "I thought it's better to keep it as a secret first, dahil inakala kong kapag mawala na ang feelings mo kay Kenneth, wala ka nang paki kung nagkaroon man ng relationship si Leslie at Kenneth—"

"I think that would hurt much more, Xav, kung 'di natin nasabi sa kanya noon pa lamang," pagputol ni Addison sa mga sinabi Xavierre.

Napailing na lamang ako, at tinalikuran na sila. I can't believe their reasons. I can't believe their explanations. Ba't kasi ganyan sila? Sinasaktan nila ako. I can hear them calling my name but I just ignored it. The pain broke my heart a million times.

I decided to let myself be alone for a while. Umupo ako sa end ng hallway kung saan walang estudyante o guro ang tumatambay o dumadaan. Trying to process the situations in my head. All this time, alam nila. All this time, tinatago na nila sa akin. At ako naman itong si tanga, napapaniwala sa mga suporta na galing sa kanila. What kind of fool am I?

Just sitting in a corner, with my head bowed down underneath my knees. A perfect picture for me to show how broken I am right now. Oo na. Ipahiwatig na nilang wala na talagang akong pag-asa kay Kenneth. Noon pa. Atsaka, sino ba ako para masaktan nang ganito? Jinowa na ba ako? Minahal na ba ako? Ginusto ba ako? Hindi naman, kaya I really don't have the right. Damn.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now