Chapter 52

101 1 0
                                    

Keeper

Ilang araw na ba ang nabilang ko?

Hindi. Ilang linggo na pala.

Ni isang Kenneth, wala akong nakita. I think he just became cold at me. Nagalit ba talaga siya sa 'kin? Parang gusto kong maiyak sa sakit.

His words were just really like knives trying to stab within my chest, directly to my heart. Trying make me realize things. Kenneth was right. I just really need to grow the fuck up. This is not healthy between us.

But who am I to blame? Nakipag-I love you too siya kay Ezra. Syempre, iba ang iisipin ko. Nakilala ko siya bilang playboy. I might think the other way around—na baka may iba siyang nilalandi. Kasi 'di ko porte ang makatanggap ng isang heartbreak.

But in another way around, I still need to accept it.

Life has its own heartbreaks.

Mas pinagtuonan ko nalang ng pansin ang mga klase ko muna sa Law school. We have upcoming reports within the week, and I guess it's better to not be with Kenneth at this time. Ian and I were busy studying. He was amazed na mas pinagtutuonan ko ng pansin ang pagsaulo ng mga batas. He knew about our situation.

"'Di ako sanay," he suddenly spat out, while we were in the cafeteria. Notes are all over the table. "'Yung nakikita kang sobrang lungkot," he continued.

I shrugged. "Masanay ka rin," sambit ko.

"No. Nalulungkot ka kasi nang dahil sa lalaki, eh," sabi niya. "At si Kenneth pa talaga 'yon. Makipagbati ka nalang sa kanya, tuy."

"Galit siya sa 'kin," I said while busy reading. "I don't think it's a good timing, kung ako pa ang makikipagbati. Baka kasi mainit pa 'yung ulo niya kung kailan makikipagbati na ako sa kanya," I explained of what might going to happen.

"Papansinin ka pa rin no'n kahit galit pa 'yun sa 'yo," he enlightened me. "'Di ka matitiis ni Lauchengco. Mahal ka no'n, eh," he added.

Parang mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko nang masabi 'yon ni Ian. Parang iba talaga ang nararamdaman ko tuwing sinasabi nila na mahal ako ni Kenneth. It felt worthy, 'yung mga katangahan, tapos 'yung mga oras na umaasa ako sa kanya.

Tumikhim si Ian. "Ang swerte mo nga, dahil mahal ka ng isang sobrang yaman na lalaki," he commented.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman pera ang habol ko kay Kenneth!" sumbat ko.

He laughed at me. "Wala naman akong sinasabi, ah?" he mocked me. "Librihin mo nga ako ng biscuit," dagdag niya pa. Kinuha niya naman ang bag ko, at may hinalungkat—'yung wallet ko. Tinignan niya pa ang laman ng wallet ko. Hindi pa nauubos ang allowance ko ngayong buwan. "Bilhan mo 'ko ng biscuit," he demanded.

"Ikaw bumili, tuy," tinatamaad kong saad.

"Tss, eto naman. Favor lang," he said. Tinignan niya ulit ang laman ng wallet ko at kumuha ng isang daan. Napatigil naman siya nang may nakita siya sa wallet ko. "Hindi mo pa pala tinatanggal ang picture nina Naiser at Ezekiel," he noticed.

"Ba't ko naman tatanggalin?"

"Akala ko kasi naka-move on ka na kay Naiser," he guessed.

"Oo, pero curious pa rin ako sa kung ano mang meron sa kanila noon ni Ezekiel," I replied. Suminghap naman ako. "Hindi ka ba magtataka kung bakit laging sinisisi ni Naiser ang sarili niya noon? Na pinatay niya raw si Ezekiel," I asked him.

"Magtataka ako," he agreed with me. "Pero kailangan pa bang alamin 'yon? 'Di nga natin mahanap-hanap ang totoong Ezekiel, eh," he said like he was losing hope.

The Plan (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon