Chapter 16

118 2 0
                                    

Mukhang ewan

"Blanche Acosta, sabi ni Miss Giselle, kasama ka rin sa mga magiging cheerleaders ng group natin," sabi sa akin ni Ate Krystal.

"H-ha? Seryoso?" Napatango nalang siya at eto naman ako, walang ginawa kundi sumunod nalang.

Ilang araw na ang lumipas, simula na ng mga practice namin para sa intramurals. Practice para sa mga sayaw, at sa mga laro. Hindi naman ako nag-iisa sa klase namin na magiging cheerleader, pati na rin ang mga ka-grupo kong sina Addison, June, Ciara, at Cleo ay mga cheerleader rin.

In-announce na magtipon-tipon na ang mga groups. Kami naman nina Addison at June, ay sumaya dahil nga'y magkakagrupo kami.

Nagtipon ang group 1 sa lobby ng cafeteria. Malapad din kasi 'to kaya rito ang quarters ng group 1.

"Uy, CR muna tayo. Wala pa naman group adviser natin, eh," saad ni Addison. Sumunod naman kami ni June sa kanya.

Habang nakaharap kaming tatlo sa salamin na nasa loob ng CR, may sinabi si June, "Blanche, last year ba ay kagrupo mo si Kenneth?"

Umiling ako. "Hindi. Nu'ng grade 7, kagrupo ko siya. 'Yung mga time na 'yon, nagkakagusto na ako sa kanya," sagot ko naman. Sandali, ba't namin 'to pinag-uusapan? "Ba't mo naman pati natanong?"

"Wala lang," tanging sinagot niya.

Pabalik na kami sa quarters ng group, nang biglang tumibok naman nang mabilis ang puso ko dahil sa nakita ko. Sa lahat ba naman ng tatlong grupo, sa group 1 pa talaga siya napadpad?! Sa group 1 pa talaga siya kasali?!

"Uyy! Ka-grupo niya si kuya Kenneth niya!" asar sa akin ni Addison.

"Ayie! Blanche! Forever na ba this?" asar din ni June.

"Che! Manahimik kayo. Walang forever!" sumbat ko naman.

Nang makabalik na talaga kami, 'di maiwasan ng mga mata ko ang mapasulyap kay Kenneth. Hay nako, Blanche. 'Wag munang unahin ang harot, pwede? Marami pang aasikasuhin para rito sa intrams.

"Mga cheerleaders! Punta na kayo sa harapan!" pag-anunsiyo ni Ate Seeya at Ate Krystal. They are the main cheerleaders of our group. Nasa senior year na kasi sila. Speaking of senior year, mga kaklase sila ni Kenneth. Kaya minsan, nakikita kong lumalapit si Kenneth sa kanila.

Nagpunta na kami sa harapan, saktong dumating na rin si Miss Giselle. "Mga cheerleaders, dapat attentive kayo at marunong makiramdam kapag magpa-practice tayo ng cheerdance. Ituro niyo ang mga steps sa ibang niyong ka-grupo kung 'di nila alam."

Sa cheerdance, kasali rin ang mga Grades 4, 5, and 6. Kaya mahihirapan kami nang kaunti dahil 'yung ibang kasali sa cheerdance ay mga bata. At sa kasamaang palad, kami nina Addison, June, at Ciara ay na-assign na maging cheerleaders ng mga klaseng ito. This will really be hassle for us. Sana makayanan lang talaga namin 'to.

"Blanche! Ikaw mag-isip ng steps. Kami ang magtuturo sa kanila," sabi ni Addison. I nodded on what she said. I'm grateful, dahil sa steps lang ang aasikasuhin ko. I'm not into handling with kids. Ang kukulit kasi nila. But some of them are cute kaya nakakausap ko rin naman.

"Sige. Akong bahala," I assured her.

Ni-remind nila sa amin na mamaya na ang simula ng practice para matapos na ito agad. Madami ang naging rants ni Addison dahil minamadali daw nila masyado ang intramurals. She may has a point. One week is the estimated time given for each groups. Of course, mahihirapan kasi dahil mamadaliin namin 'to. Dapat kasi 'di minamadali, eh. It takes time.

We decided to head at the cafeteria first, para makabili ng pagkain at inumin. We didn't expect na makikita namin sina Xavierre, Ailey, at Elyse na nagkekwentuhan habang kumakain. Agad kaming lumapit sa kanila.

The Plan (The Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora