Chapter 00

566 8 5
                                    

My story starts at school.

Well, what can I say? I'm a student, kaya siguro understandable naman na sa school ang ganap ng storya ko. But not all of them actually.

"Stop right there! Don't you dare take just a glimpse of him!"

Hindi ko iyon pinakinggan. I hurriedly headed to the corridor's balcony-as what she said-just to take a glimpse of him. This may be cheesy but, makita lang siya... masaya na ako. And there he was, leaning at the corridor's wall at the order side of this building.

"Gano'n mo talaga siya ka-gusto, e, 'no?" I heard Xavierre commented.

"Yeah," sabi ko, while still looking at him intently, and smiling like a real idiot, daydreaming of her prince charming. Not even minding Xavierre at my side.

"May I remind you, na bad boy at playboy 'yang crush mo," sabi niya muli.

"Psh, paki ko. Gusto ko naman siya."

"Truth to be told, Kenneth doesn't even know you." Lumingon naman ako sa kanya, at naabutan kong nakangisi. Inirapan ko siya.

"You don't need to slap the truth," I uttered, at ibinalik ang tingin ko kay Kenneth. Kahit mariin lang ang tingin ko sa kanya, 'di pa rin umaalis sa isipan ko ang mga sinabi ko. I released a sigh. "Xavierre, as a dear best friend of mine, support me! Papakasalan ko pa 'yang si Kenneth, 'no."

Suminghap din naman siya. "As a dear best friend of yours, concern lang ako sa feelings mo," she responded. She's crossing her arms, habang kinakausap ako. "Asa ka kasi ng asa sa kanya, nakakalimutan mo na ang mga nararamdaman mo. Kung may ibang nagustuhan si Kenneth, paano ka nalang?"

I pouted. "Hindi naman gano'n ka-committed si Kenneth pagdating sa mga relationships, eh," I reasoned out. "Go lang. Baka may chance pa ako sa kanya, diba?"

"Kung may chance nga, magseseryoso ba siya sa 'yo?"

May point nga siya, kaya natahimik ako. What the hell I am going through. He's eighteen while I'm fifteen. There's really no way he could ever form a serious relationship between us. Baka nga walang relationship ang magkaroon. Asa lang ako ng asa in the midst of walang pag-asa.

But I didn't know why he has this kind of impact on me. Despite of his attitude, nagustuhan ko talaga siya. Isang factor doon ay gwapo siya. But I know there are more reasons ahead. Hindi ko lang talaga nalalaman sa ngayon.

Basta noong una ko siya nakita... boom! I like you, Kenneth Constantine Jimenez.

Classes this morning had passed. I was relieved finally dahil magre-recess na. Kasama ko si Xavierre patungong cafeteria. 'Di namin inaasahan na sumabay sa amin ang kambal.

"Uy, the fraternal twins," I uttered.

"Nasaan sina Amanda at Penelope? Diba sasabay kayo sa kanila?" sabi naman ni Xavierre.

"Nauna na raw, eh," Addison replied.

"Kaya sabay na muna kami sa inyo," Madison then added.

Fraternal twins ang turing namin sa kanila kahit pareho silang babae, dahil nga'y 'di naman sila magkakamukha. Laking pasalamat ko nga. Hindi kasi kami mahihirapan kung sino sa dalawa ang kakailanganin o hahanapin namin.

While walking toward the cafeteria, hindi talaga maiwasan ang 'di kami magkwentuhan.

"Uy, Blanche... nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo na, nasabi sa akin ni Kenneth na may lahi siyang Chinese," sambit ni Xavierre sa akin.

"Sabi na nga ba, eh," I uttered with a grin. "Matagal ko na talagang napapansin na may lahi talaga siya, eh."

'Di ko ma-deny, pero close itong si Xavierre at Kenneth. Pero 'di man magawa ni Xavierre ang ireto ako sa kanya. Once nga, nagselos talaga ako noong nalaman ko na nagiging close talaga sila, nu'ng naging ka-grupo niya si Kenneth sa encampment namin.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now