Chapter 04

108 2 0
                                    

The plan

"Gawin mo na kasi."

Nagulat ako nang biglang dinabog niya ang kanyang kamao sa desk ko. I gave her a scared look. Nasa likod lang ni Madison sina Addison, Amanda, Penelope, at Elyse. Grabe naman, oh. Nasaan nanaman si Xavierre? Gano'n ba talaga ang pagiging adik niya sa pagbabasa ng Percy Jackson? Si Ailey naman kasama siguro si Monica.

"Ano nanaman ang gagawin ko?" tanong ko.

"'Yung plano ngang tinutukoy ni Madison. Mas ayos kung gawin mo 'yon," saad ni Addison.

I rolled my eyes. "Para saan pa?"

"Blanche, para sa'yo na rin 'to," sabi ni Amanda. "Mas gusto naming kayo ni Kenneth ang magkatuluyan kaysa kay-"

Hindi natuloy ang sinabi ni Amanda dahil pinalo siya ni Penelope. 'Di ko na 'yon binigyan ng pansin.

Tumayo ako. "Psh, I won't do it. Parang ang sakit kasi umasa araw-araw, eh," sabi ko.

Nagsimula nanaman ang Math class. More on discussion ngayon kaya halos ay nagsisilipat ng upuan para lang makakopya ng lecture. 'Yung iba nga ay nagsisi-upo na sa sahig.

Hindi ako lumipat ng upuan, dahil malapit lang naman ako sa board at nakikita ko naman nang maayos. Katabi ko ngayon si Elyse dahil gusto niyang makakopya.

Bigla namang umupo sa sahig si Princess na nasa tabi ng desk ko. "Hi, Blanche, at Elyse," bati niya.

'Di ko na siya pinansin at itinuloy ang pagkokopya. Minsan talaga may pagiging madaldal itong si Princess, kaya halos lahat ay naiinis sa kanya.

"Blanche, nakita ko pala si Kenneth sa computer shop kahapon! Nu'ng mga hapon lang," bigla niyang saad.

"Ah, talaga?" iyon na lamang ang sinabi ko. Kapag ang 'di ko close na kaklase ay nakipag-usap sa akin at ginawang topic si Kenneth, 'di ko na ine-entertain. Sino ba sila para i-kwento ang love life ko? Pasalamat nalang kamo si Princess sa mga kaibigan kong madaldal na nasabi ang crush ko sa buong klase.

"Yup. Tapos itong pinsan ko namang si Anabelle, nagtanong kay Kenneth kung may pag-asa ka ba sa kanya," pagkwento niya pa.

Pero wait... what the fuck?

"Ano? Tinanong niya si Kenneth ng gano'n?" Sino siya para magtanong ng ganyan kay Kenneth? Ni hindi ko nga siya kilala, tapos love life ko ang tatanungin niya?! "Ano naman ang sinabi ni Kenneth?"

"Bigti ka nalang kamo kaysa magpaka-asa sa kanya," sagot niya naman-na parang walang pakialam sa mararamdaman ko.

Damn. It broke my heart a million pieces. So mas gusto pa ni Kenneth na mamatay ako kaysa umasa nalang sa kanya? Fuck this shit. This is just so heartbreaking.

I can already feel my tears pouring.

"Princess, what the hell are you thinking? Ba't niyo naman tinanong ng gano'n si Kenneth?! 'Di nga kayo close ni Blanche, eh!" biglang sumbat ni Elyse. She was listening all this time to this conversation of ours.

"'Yung pinsan ko naman ang nagtanong no'n eh! Hindi ako-"

"Kahit na," she cut her off. "Dapat 'di mo nalang i-kwinento 'to kay Blanche. Masasaktan ang tao dahil sa kadaldalan ninyong mag-pinsan," she explained. "At sino ba ang Anabelle na 'yan para makihalubilo sa love life ni Blanche? Pagsabihan mo 'yan, Princess." Her eyes are filled with irritation while looking at Princess. Naiinis na talaga siya, habang ako, naiinis na nasasaktan.

"Sorry, Blanche," Princess apologized.

'Di ko na kinayang itago pa 'tong luha ko kaya't naisipan ko munang umalis sa pwesto ko ngayon. "Excuse me. CR muna ako," pagbibigay alam ko.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now