Chapter 39

105 2 0
                                    

He lived

Hanggang kailan ba matatapos itong sakit?

Nanatili lang ako sa aking kama... 'di umiimik, 'di namamansin. Pinipilit na 'di magparamdam ng emosyon.

Ramdam ko pa rin ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko. Nang masabi ni Ian ang mga salitang 'yon tungkol kay Naiser, feeling ko parang isinara ko na ang mundo ko sa mundo nila. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong matahimik... sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

I feel fucking guilty... for what happened.

Si Mom ang nag-aalaga sa akin sa hospital. Lagi akong dinadalaw ng mga kaklase ko. Lalo na sina Ian, Xavierre, at Monica. They bring variety of food and other necessary stuff. Kapag kinakailangan ni Mom na magtrabaho o umuwi ng bahay, sila ang magbabantay sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumulyap lang sa kanila... tapos maya't maya, matutulog nalang.

* * *

"Okay ka lang, Naiser?!" bungad ko sa kanya, nang makita ko siya ulit na lumalakad sa hallways.

"Oo. Nakita ko kasi ang p-picture kaya nagka-gano'n ang ulo ko," sagot niya. He smiled genuinely. "Simula ngayon, tataguin ko na."

"Aba! Dapat lang!" I exclaimed. "Mapapahamak ka lang nang dahil kay Ezek—basta! 'Wag na natin siyang babanggitin. Baka mapaano ka pa kung banggitin pa natin siya."

He chuckled from what I said. "Sige. Huwag na talaga."

Kahit kaunti lang ang panahong inilaan para sa aming dalawa, kahit papaano, nakakalimutan na niya talaga si Ezekiel. Mabuti na 'yon, para laging maayos ang kalagayan niya.

Pero may parte sa akin na, naaawa rin ako sa kanya. Alam kong nami-miss niya ang kanyang nag-iisang best friend. His only best friend. Gusto kong hanapin 'yung si Ezekiel at sabihin sa kanya na, makipagkita siya kay Naiser! Hindi naman kasi siya namatay. Alam ko 'yun. Ramdam ko 'yun.

Hindi siya patay. Hindi.

But I'm willing to become Naiser's another best friend.

"Oh, binilhan ako ngayon ni Mommy." Inabot ko sa kanya ang ilang mga donuts. Ngumiti nanaman siya nang napakalawak.

"Salamat!" he happily expressed. Kumagat siya sa donut. Habang ngumunguya, nagsasalita siya, "Sa susunod, ikaw nanaman ang bibilhan ko nito."

"Aasahan ko 'yan, ha."

"Oo. Ako pa. Umasa ka lang sa akin."

Naging normal nanaman ang mga routine namin, pagdaan ng mga ilang araw. Naglaro kami tapos papagalitan ng head nurse. Kahit gano'n, ang saya naming dalawa.

Dahil sa pagod, napaupo kaming dalawa sa gitna ng hallways.

Imbes na magpahinga dito sa ospital, mas napipili pa namin ang maglaro.

"Hindi ka pa ba napapagod, Blanche?" tanong niya sa akin na hinihingal. "Kailangan ko nang magpahinga, eh."

"Hindi pa. Gusto ko pa ngang maglaro, eh!" Hindi halata na 'di pa ako pagod. Dinig sa pagsasalita ko ang hingal at pagod. I'm just too energetic. Hindi ko talaga alam kung saan ko nakukuha itong energy ko.

"Basta ayoko nang maglaro. Pagod na ako," he stated.

Sumimangot ako nang dahil sa sinabi niya. "Ang daya mo," sambit ko. "Dali na, Naiser. Maglaro pa tayo!"

Ngumiwi siya. "Hay naku. Buti nga hindi lumalala 'yang kondisyon mo kahit sobrang kulit ka."

"Siguro ganito lang talaga ako," mabilisang sambit ko muli. Pinatuloy ko lang ang pagpupumilit ko, "Please na, Naiser! Gusto ko pa ngang maglaro!"

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now