Chapter 07

94 2 0
                                    

Cut

Kenneth Constantine Jimenez is known for being the bad boy and the playboy in this school. Pero dahil nga may kailangan siya sa 'kin, 'di niya ipinakita ang pagiging bad boy niya. Come to think of it, kung dakilang playboy nga siya, dapat 'di niya ikinakahiya ang paghalik ni Mueller sa kanya. Dapat nga ipagmalaki niya 'yon eh. Sa ganda ba namang 'yon ni Mueller.

"Ayie, meet the parents na pala ang status niyo ni Kenneth, Blanche, ha!" pang-aasar ni Monica. Eto naman ako na kanina pa itinatakip ang aking mga tainga dahil sa labis nilang pang-aasar.

"Kayo na ba talaga ni Kenneth?" tanong ni Elyse.

"Blanche, masyado pang mabilis," Xavierre commented dramatically. "Please, aral muna!"

Hindi talaga sila titigil. Nangyayari lang naman 'to sa akin dahil sa nangyari naman kahapon. Damn this, Kenneth. Now, I totally regret for allowing him to bring me at the airport.

"Wendy, samahan na kita sa loob," sambit ni Kenneth nang makarating na kami ng airport.

"H-hindi na, Kuya Kenneth!" pag-angal ko naman sa desisyon niya. "Pwede ka nang umuwi! Magco-commute nalang kami ni Mommy," I excused.

Umiling siya. "Hindi," he declined my supposed decision. "Sasamahan na kita," he declared. "Ang daming tao, oh. Baka kung mapano ka pa sa dami n'yan." Aangal pa sana ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa loob. Damn it. Even this is just his common moves, paulit-ulit lang talaga ako mahuhulog sa kanya. This is Kenneth-the guy who can make me fall again and again. This is just so dramatic... but it's the truth.

"Nasaan na ba Mommy mo?" tanong niya, looking for my Mom.

Nagpasulyap-sulyap ako kung saan naghihintay si Mommy. I saw her waiting at the side of the corner. "Ayun siya." Tinuro ko naman kung nasaan si mommy, kaya't hinila nanaman ako ni Kenneth papunta roon. At doon ko napagtanto na, makikilala ni mommy si Kenneth! Fuck! No!

But it's too late. 'Di ko na siya napigilan pa. Damn. Lamunin na sana ako ng sahig ngayon. Nakakahiya. Ano nalang ang iisipin ni Mommy?!

"Hay salamat, Wendy. Buti nalang at nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay-and who's this?" Mom uttered. Parang namutla ako nang dahil sa tinanong niya.

"U-uh, si Ken-"

Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol agad iyon ni Kenneth. "Kenneth Constantine Jimenez. Nice to meet you po!" Kenneth gave his hand to Mom para makipagkamayan. Kenneth was just smiling so widely. Parang gusto kong matulala. Itong crush ko... nakikipagkilala na sa nanay ko. Bumabawi ba ang universe sa 'kin sa pagiging loyal ko sa kanya since Grade 7?

Tinanggap naman iyon ni mommy. "Nice to meet you too, Kenneth," sagot niya. Kenneth smiled. "Are you classmates with my daughter?" she asked him curiously.

Umiling si Kenneth. "Hindi po," he replied. "Actually we're schoolmates. I'm in Grade 12," paglilinaw niya naman.

Damn. 'Di ako makasalita. Mom and Kenneth really has a conversation happening at this moment! Gano'n ba talaga ka-charismatic si Kenneth, para makapagpatuloy ng isang conversation na kasama siya? Or magaling lang talaga siya makipag-usap? Basta, ang masasabi ko lang... gwapo siya.

"What brings you here with her?" tanong ulit ni mom.

"Ako po ang naghatid sa kanya rito. Wala kasi siyang maparang taxi-"

Naputol ang sasabihin ni Kenneth dahil naunahan siya ni mommy. "How about manong Andres, Blanche?" her attention was turned to me.

"Hindi ko po kasi ma-contact si manong Andres, Mommy," I replied. "Pero buti nalang at hinatid ako ni Kenneth dito." Sumulyap ako kay Kenneth. He's just still smiling widely.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now