Chapter 21

85 2 0
                                    

Importante

Naiiyak ako na naiinis na hindi ko maintindihan.

Si Leslie at si Kenneth. Kailan pa sila? Leslie knew how much I like Kenneth. Alam kong alam niya. Pero ba't gano'n? Ba't jinowa niya? Hindi ba niya alam na makakasakit rin siya kahit papaano? Take note, she's also my friend. Sana wala namang gan'unan, oh. Sobrang sakit talaga. Tapos makikita ko silang naghaharutan sa isang pampublikong lugar? Okay, hats off to them. Hindi ko na talaga kinaya.

Palabas na sana ako ng mall para makatakas sa kasuklam-suklam na sitwasyon, pero sa 'di inaasahan, bigla naman ako pinigilan ni Ezekiel. Hinila niya ako sa aking pulso-pulsuhan. Kumunot ang noo ko sa kanya, dahil sa kanyang ginawa. Ano nanaman baa ng gagawin ng lalaking 'to?

"Teka, Blanche. Ihatid na kita." Isa pa 'tong bwisit na kanina pa sumusunod sa akin, eh. I'm on the verge of crying at the mall tapos mang-iinis pa itong si Ezekiel na 'to. Kainis. How worse can my day get! Can the universe just give me peace and love? Gusto kong maging payapa na muna.

"Pwede ba, Ezekiel! Tigilan mo na ako!" sigaw ko sa kanya habang ipinipiglas ang paghawak niya sa akin. Pero mas lalo niya pang hinigpitan ang kanyang paghawak. Edi mas lalo kong ikinainis 'yon. Damn this guy!

Doon ko lang din narealize na masyadong palang napalakas ang pagkakasigaw ko kaya nakuha ko ang lahat ng atensyon ng mga taong nakapaligid namin. Great. Just great. Ang masaklap pa roon ay dahil isa sa mga taong iyon ay sina Leslie at Kenneth. At nalaman ko nalang na papalapit na sila sa kinatatayuan namin ni Ezekiel.

Ang sakit lang sa mata dahil magkaholding-hands pa sila habang naglalakad. Naiiyak ako. Masakit sa pusong malaman na shinota pala ng kaibigan mo ang gusto mo. At ang mas malala pa ay parang wala lang sa kanya kahit alam niya namang may gusto ako kay Kenneth.

Napayuko nalang ako para walang makakita na nangingislap ang mga mata ko dahil sa luha. Nakita ko ang paa nilang dalawa na nakatigil sa harap namin. I suddenly look like a kid who just got scolded, dahil sa hawak pa rin ni Ezekiel ang pulso ko.

Pero naramdaman kong dumausdos iyon sa mga palad ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya nang pagkatamis-tamis at tumango. It's like he's telling me that he's just beside, at wala dapat akong ipag-alala. O, siguro ina-assume ko lang na gano'n ang meaning no'n.

"Kiel? Bat nandito ka?" narinig kong tanong ni Kenneth kay Ezekiel.

"Ikaw naman pre, makasalita na parang hindi para sa lahat ang mall," saad ni Ezekiel at tumawa.

"What I mean is, anong ginawa mo at nandito ka?" tugon naman ni Kenneth.

"I bought something for my sister. At eto, sinamahan kong mamili si binibining Blanche," sabi niya at tinaas ang magkahawak naming kamay. Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha ni Kenneth. Nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang mga kamay namin.

"I thought I heard that voice from somewhere! Sabi pa nga ba eh, ikaw 'yon Blanche!" sabi naman ni Leslie na nasa tabi ni Kenneth.

"Ba't magkasama kayo?" tanong ni Kenneth na nakakunot pa rin ang noo.

"Nakita ko lang siya. Parang sinusundan niya pa nga ako eh. Diba, Binibini?" sabi ni Ezekiel at bigla akong inakbayan. Pinanlakihan ko siya ng mata pero kinindatan niya lang ako. This is really getting kind of awkward.

Mukhang nagulat din si Kenneth dahilan ng pagbitaw niya sa kamay ni Leslie na mukha nang dismayado ngayon. There's inside of me na natuwa kahit papaano sa reaction ni Leslie. 'Yung paano siya nadismaya. Ha, bitch.

"Teka Wendy, ba't sumasama ka sa mga hindi mo kilala? Alam ba ni Tita kung nasaan ka ngayon? Kung magsho-shopping ka lang naman pala, sana si Naiser, Ian o Xavierre nalang sinama mo," pangaral ni Kenneth.

The Plan (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon