Chapter 11

100 2 0
                                    

Nagkaka-crush

Isang araw lang ang lumipas, Wednesday na—ibig sabihin, NCAE na.

Halos kaming lahat, 'di pinaghandaan 'to. Nu'ng Monday lang naman kasi nila in-announce tapos Wednesday na agad ang test? Sinong 'di tatamarin mag-aral? Pero depende na rin 'yun sa estudyante kung sipagin man siya mag-aral para sa test na 'to. Basta ang batch namin, walang pakialam. That's our life.

In-announce din sa buong campus na 'wag na munang magsitakbuhan sa corridor dahil nga'y sa magte-test kami. Silence is a must. Pero feeling ko kapag test na mismo, mag-iingay ang mga kaklase naming lalaki. Ipapalandakan nanaman nila ang kapogian nila habang nag-eexam. May kinabukasan ba sila sa pagiging gwapo? Sa pagiging aritsta, oo, meron. Eh, wala naman sila sa kilingkingang umiyak pagdating sa pag-aarte kaya't wala silang kinabukasan d'yan. Bahala na sila.

"Blanche, may pinapakuha sa 'yo sa guardhouse," sabi ni Peter. "'Yung notebook mo raw," he added.

Napasinghap ako nang napakalalim. "Ano ba 'yan. Ang layo naman, Peter!" I complained. Napakalmot ako sa aking ulo. "Ba't ko ba kasi naiwan 'yung notebook na 'yun?" saad ko sa sarili ko.

Umismid naman si Peter. "Ba't ka kasi magdadala ng notebook?" sabi niya. "Kita mo na ngang may test ngayon. 'Di na natin kailangan 'yon, eh. Wala naman tayong klase buong araw."

"Duh! Just in case lang, 'no!" bulyaw ko pabalik. "Dapat sa 'yo mag-practice ng pagiging handa. Kaya minsan, 'di mo naaalala ang mga ibang ina-announce, dahil nga sa 'di mo dinala ang mga notebook mo! Mga dahilan mo kasi ay puro, 'half day', 'walang klase'." pinangaralan ko siya.

"Oo na nga," he uttered in defeat. "Ang dami mo pang daldal. Kunin mo nalang notebook mo." Tinutulak-tulak pa ako ni Peter para makaalis na ako. Inirapan ko naman siya.

"Sandali! Wala akong kasama," sabi ko.

Lumapit ako sa aking mga kaibigan para naman samahan ako.

"Addison, samahan mo ako sa guardhouse," bungad ko.

"May gagawin pa ako, Blanche. 'Wag muna!" sagot niya. Sumimangot naman ako. Pinilit ko siya nang pinilit, pero ayaw niya talaga.

Bumaling naman ako kay Xavierre na alam kong narinig niya ang mga sinasabi ko. "Xav? Ikaw nalang?" I asked her.

"No. Ayoko," she declined. "Nakakapagod papunta roon!" reklamo niya naman.

Lahat ng mga kaklase ko ay linapitan ko para masamahan ako. Unfortunately, ni isa sa kanila, ayaw talagang sumama. Ang tatamad nila. Naku.

"Ako na nga lang pupunta!" in-annouce ko sa 'king sarili.

I decided to walk all the way to the guardhouse. Para lang sa isang litsing notebook, maglalakad ako ng ilang meters. Ang masasabi ko lang... nakakapagod. Buti naman at male-late daw ang aming proctor para sa test. Tapos maaga pa, kaya  makakaabot pa ako.

Habang naglalakad sa gitna ng campus, 'di ko maiwasan ang tuluan ng pawis—sa init ba naman kasi ng araw. Nang makarating na ako ng guardhouse, umupo muna ako sa mga upuan na naririto. Ang lalalim ng mga hininga ko dahil na sa init at sa pagod. Naiwan ko pa kasi ang notebook ko eh.

Tumayo na ako at tumungo sa guard para kunin na ang 'yung notebook na naiwan ko.

"Manong guard, may iniwan ba si Mommy na notebook?" tanong ko. Ni-check niya ang mga gamit na nakalagay sa isang gilid—'yung mga gamit na pinapaiwan.

"Ah oo, meron," sagot niya. "Para kay Blanche Acosta?" Inabot niya sa akin 'yung notebook.

Tinanggap ko naman 'yon and I gave him a smile. "Thank you po, manong!" I said.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now