Chapter 20

82 2 0
                                    

Tinuring

"Nasa mall ako ngayon. Inutusan ako ni mommy na bumili ng bago niyang cosmetics," sagot ko dahil sa tumawag sa akin si Xavierre. "Magkita nalang tayo mamaya. Try ko ring pumunta d'yan sa inyo kung may oras pa akong natitira. Sige. Bye." Then I ended the call.

I headed on my way, kung saan nabibili 'yung ibang cosmetics ni Mom. Nagpapasalamat nga ako dahil makakapag-gala rin ako kahit papaano. Pero bago pa ako makarating doon sa mga pinapabili ni Mom, naagaw ng aking pansin ang isang branch ng Forever 21.

'Di ko ma-deny na ang gaganda talaga ng mga damit dito. Gusto ko sanang bumili, kaso 'yung problema lang, kulang ang dala kong coins. Gipit talaga ako. 'Di ko na ata ma-deny 'yon. Hindi kasi masyadong sapat ang ibinibigay na allowance ni Mom. Dapat talaga sinasagad niya. Sana nga.

Pumasok muna ako tumingin sa ibang damit. Hanggang window shopping nalang talaga ako. Sana pagnaka-ipon na ako nang marami-marami, papakyawin ko na lahat ng mga nakasabit na damit dito. Sige lang. Mangarap lang ng mangarap.

Habang busy ako sa kakatingin ng mga damit, someone caught my attention. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

What the—why is he here?! 'Di ko inaasahan na makikita ko talaga siya rito. Para 'di niya malaman ang presensya ko, agad kong itinabon ang aking sarili gamit ng mga nakasabit na damit.

"Kanina pa ako rito sa Forever 21. Hindi ko mahanap ang pinapabili mong damit," he said while talking someone on the phone. I can't help but eavesdrop. Siguro girlfriend niya ang kanyang kausap?

"Opo. I think I found it already. Puting longsleeves 'yon, diba? With statements printed on the sleeves," he added. "Okay. Ako nang bahala magbayad nito. You should thank me later. I've put my effort on finding this." He chuckled before he could finish the call. "See you later. Bye, baby."

Girlfriend niya nga 'yun! I can tell it! Endearment palang, eh! Napangiwi ako nang dahil doon. Endearment niya talaga 'yon para sa jowa niya? Seriously? Baby talaga? Iba rin ang dating ng lalaking 'to, eh.

Then an unexpected swift move from him happened. Napunta ang mga mata niya sa aking pwesto ng pinagtataguan. Kainis! Kanina pa naman ako tumitingin at nakikinig sa mga sinasabi niya. Damn. Wala na akong magagawa. All I could ever did is to immediately turn my back and quickly headed outside of the shop.

Nang makalabas na ako, hinilamos ko ang aking mukha due to frustration. Tanga mo talaga, Blanche. Sobrang tanga! Dapat 'di ka nalang nakinig sa mga sinasabi ng lalaking 'yon eh! Dapat hinayaan mo nalang siyang makipag-usap sa jowa niya. Ano nang mangyayari sa akin? Duh, mapapahiya lang talaga ako! I'll be thrown once again in the ocean of embarassment.

Habang malalim ang aking naiisip, may naramdaman ako kamay na humawak sa balikat ka. Muntikan na akong mapatalon nang dahil sa gulat. Nang makita ko kung sinong gumawa no'n, agad kumunot ang aking noo. Kunwari, inosente lang ako sa nangyayari ngayon. Kunwari, wala akong narinig sa sinasabi niya kanina.

Oo, Blanche. Magkunwari ka lang.

Hindi ko tinanggal ang nakakunot na noo ko sa kanya. Aba. May gana pa talaga siyang sundan ako, ah? The nerve of him.

"Ano?" masungit kong bungad.

He shrugged and continued on smirking. "I just feel like you're stalking me. Aren't you?"

I gave him a disgust face. "Stalking you? Like, as if! 'Wag ka ngang masyadong feeling d'yan," masungit kong sinabi.

"Well, I want to be that 'feeling' you are referring to. Pero okay lang naman kung i-stalk mo ako kung ikaw naman ang gagawa no'n." He was smirking.

The Plan (The Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن