Chapter 01

229 6 10
                                    

Cute

"Blanche, samahan mo ako," saad ni Xavierre.

"Pasaan?" I asked back.

Today is Saturday. I didn't expect na yinaya ako ngayon ni Xavierre na gumala. Tapos sumakto pa ngayon sa gala nina Monica at Kenneth. Can life can just be as decent as it will be?

"Basta! Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon!"

Magco-commute kaming dalawa. 'Di niya magagamit kotse niya dahil nga pinagbawalan na muna siya ni tito-her dad-na mag-drive. She's still a minor. Baka kung mapaano pa siya kung mag-drive siya.

She hailed a cab. Nang makapasok kami, narinig ko na sinabi niya sa driver na ihatid kami sa isang hospital. It made myself shiver. Ba't sa hospital? Anong meron?

"Xavierre, seriously? What are you planning right now?"

"Oo na. I'll spill," huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "My brother, Zac, just got into an accident. Nasa hospital siya ngayon."

I covered my mouth because I really can't believe on what Xavierre just said. Si Zac? Bakit? "Anong nangyari kay Zac? Okay lang ba siya?"

"He said he's fine, but I'm still not sure about that. Bilin niya sa akin ay 'wag daw sabihin ay dad kundi patay 'to sa kanya," she let out a deep sigh again. "Napaaway siya without any reason yet he's giving to me. Nakakainis talaga ang batang 'yon."

I can really sense the responsibility of Xavierre as a sibling. What's the feeling of having siblings? Masaya siguro 'yon. Being an only child is sad. Pero may advantages pa rin kahit papaano.

Nakarating na kami sa hospital kung saan si Zac. Tumungo naman kaming dalawa sa reception. "Um, Zachery Flynn Atienza?"

The nurse in-charge checked her list first, "Ward E po ma'am."

Dali-dali kaming pumunta sa ward na 'yon. Nang makarating kami doon, mas ako pa 'yung nagulat kaysa kay Xavierre.

Why the hell is Kenneth Constantine Jimenez here?!

I really can't utter a word. Nang makita niya kaming dalawa ni Xavierre, he didn't even got surprised.

"Kenneth, akala ko may gala kayo? Kasama mo nga dapat sina Monica, diba?" tanong ni Xavierre. Habang ako rito, tunganga sa kanyang mukha. Gosh, I'm blushing again.

"Yeah, we have. Pero nalaman kong nasa hospital si Zac. Kaya naisipan kong bumisita," sagot ni Kenneth. Hanggang tulala nalang ba, Blanche? "Well, may kasama na rin naman si Zac. Maiwan ko na kayo. Bye, Avie."

Tama ba ang narinig ko? Avie? So may nickname na siya para sa best friend ko? Xavierre isn't really open to me when it comes to this kind of things. Jealousy invaded over my body already!

"Ate, please 'wag mo munang sabihin kay Dad. Hintayin mo nalang na ma-discharge ako rito," bungad ni Zac kay Xavierre. Lumapit si Xavierre sa kanya, at biglang pinalo si Zac sa kanyang braso. Napahawak naman si Zac sa braso niya. "Aray! Ate, masakit!"

"Ikaw ha, Zachery Flynn! Ano nanamang gulo itong pinasok mo?! Ba't bugbog-sarado ka?!" pasigaw na tanong ni Xavierre. Kanina pa akong walang imik ditto. Patuloy pa rin ang panunuod ko sa kanila.

"Si Beise kasi ate, eh! Hindi ko lang nabigay utang ko sa kanya, pinagtulungan na ako ng mga tropa niya," sagot ni Zac. Napa-buntong hininga nalang si Xavierre sa kanyang sagot.

"Sino naman ang nagdala sa'yo rito sa hospital, Zac?" singit kong tanong.

"Si kuya Kenneth, ate Blanche."

Wow. Goosebumps.

"Huh? Akala ko ba dinalaw ka lang niya dito?" saad naman ni Xavierre.

"Sus. Linoloko ka lang no'n, 'te. Siya talaga ang nagdala sa akin dito. Siya kasi ang nakakita na pinangbubugbog na ako nina Beise," sagot naman ni Zac.

The Plan (The Series #1)Where stories live. Discover now