"Talaga Blade? so handa kang sabihin sa akin ang nakaraan mo? handa ka bang sabihin sa akin ang mga tinatago mo sa buhay?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

Ewan ko ba kung bakit ko naitanong yun sa kanya, siguro dahil gusto kong mas lalo siyang makilala.

"I'm sorry kung naitanong ko iyun-" itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko pero humarap siya sa akin

"Malalaman mo lang ang nakaraan at tinatago ko sa buhay kapag naging tayo na, promise" sabi niya at niyakap ako

Napangiti ako sa sinabing niyang iyon dahil mahal ko din naman siya at gusto ko lang na malaman ang nakaraan niya at sekreto at natutuwa akong isiping pinagkakatiwalaan niya ako



                                                                        *** ***

Blade POV



"Malalaman mo lang ang nakaraan at tinatago ko sa buhay kapag naging tayo na, promise" sbi ko kay Olivia noong itanong niya sa akin kung handa akong sabihin sa kanya ang tungkol sa buhay ko.

Tama malalaman niya lang yun kapag kami na para kung sa kaling balak niya akong iwan ay hindi niya magagawa dahil sa akin na siya at gagawain ko ang lahat para hindi siya makaalis sa buhay ko hindi ako papayag na ako nanaman ang maiiwan sa huli.



~~~Third person POV~~~



Lingid sa kaalaman nila blade at olivia, hindi nila alam na pinagmamasdan sila a father nicholas.

May ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga batang inampon... at masaya siyang makita ang unti-unti nang nagiging masaya ang buhay ni blade.

Naalala niya kung paano tratuhin ng mga tao si blade noong bata pa ito. Malas, salot at halimaw... ganun siya akong tignan ng mga tao.

"father, paalisin na po natin sa simbahan ng batang iyan hindi naman normal ang batang yan" sabi sa kanya ni sister lily habang ang batang si Blade naman ay naglilinis sa simbahan

"Bakit naman? wala namang ginagawang masama si blade" ang sagot niya

"Pero father, madami po ng natatakot sa kanya at hindi na po pumapasok ng simbahan ang mga tao dahil sa takot sa kanya" ang sagot ni Sister Lily habang pinagmamasdan ng masama ang noo'y anim na taong gulang na si Blade.

"Sangayon po kami kay sister lily, malas po ang batang yan father hindi na po nagsisimba ang ibang mga nagsisimba rito dahil lang natakot sa kanya, ang sabi nga po baka po kampon siya ng kadiliman!" ang sabi ng isa pang madre

Nakaramdam ng awa si Father para kay Blade, kitang-kita niya kung paano husgahan at ituring na halimaw ng mga tao si Blade.

Kahit pa ang mga kapwa niya pari, kasamang mga sister at madre ay tinuturing na halimaw ang batang si Blade.

"Kaya paalisin na po natin ng batang iyan bago ka po siya-"

"Hindi" sagot niya "walang ginagawang masama ang bata, hindi siya halimaw siya ay biyaya kaya huwag niyo siyang husgahan dahil lang siya ay naiiba"seryosong sabi niya

Hindi natutuwa si father sa kanyang nakikita dahil wala pang ginagawang masama ang bata ay hinuhusgahan na ito ng matatanda.

"Wala ng tamang explanation tungkol sa kanyang mga mata, pero hindi ibig sabihin ay halimaw siya, hindi ibig sabihin na kampon siya ng kadiliman" paliwanag ni Father sa kanila

"Pero Father-"pagtutol ni sister Lily pero ka agad siyang tinigil ni father.

"Kapag ba ang isang bata ay isinilang na kakaiba, putol ang paa, walang kamay at walang mga mata siya ba ay masamang tao na?"

Natahimik ang madre at sister dahil sa tanong na yon ni father, bigla nilang na realize na mali ang kanilang inaasal kung kaya't sila ay napayuko at nahiya.

"Kapag ba ang isang bata ay anak ni Hitler, magiging masamang tao din ba siya dahil lang sa masama ang tatay niya?!" Tanong pa ni father pero umiling lamang sila Mother Teresa at Sister Lily "Hindi na kayo nahiya, nasa simbahan kayo pero nanghuhusga kayo ng kapwa at hinuhusgahan niyo ang isang bata na wala pang nagagawang kasalanan dahil lang sa kaibahan niya?!"

"Sorry po father" sabay na paghingi ng tawad nila Sister Lily at Mother Teresa

Hanggan ngayon ay hindi tanggap ng ibang tao si Blade, pero noon pa man ay umaasa si Father na balang araw ay matatanggap din si Blade ng lahat.

Ngayon ay pinagmamasdan niya sila Blade at Olivia, masaya siya na sawakas ay sumasaya na ang buhay ng kaniyang anak-anakan at dahil yon kay Olivia.

"Matatanggap ka niya Blade, matatanggap ka niya" nakangiti ng sabi niya habang pinagmamasdan ang dalawa.

Mula sa kanyang bulsa ay naramdaman niya vibrate ang kanyang lumang model na cellphone. Nang makita niya ang pangalan ng taong tumatawag ay masaya siya ng sinagot ang tawag nito.

"Kamusta na?" tanong ng nasa kabilang linya

"Baka ang gusto mo kamustahin ay ang anak-"

"Bakit ko naman siya ka kamustahin alam ko naman ok lang siya" sarkastikong sagot ng nasa kabilang linya pagkatapos ay tumawa

"Magiging magaling na doctor na rin siya katulad ng kanyang ama"

Pagkatapos marinig yun ng lalaking nasa kabilang linya saglit itong na tahimik, ilang segundo lamang ay narinig muli ni father ang pag tawa nito.

"Ganun ba"


Tumatawa man ang lalaking nasa kabilang linya pero alam ni father Nicholas na malungkot siya.



"Well i'm happy for him, tell him that keeps striving I can't wait to see him winning in life"

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now