Call me Doctor Blade

Start from the beginning
                                    

"Aalis na po ako Father" sabi ko, kinuha ang gamit ko at lumabas.

"Oh ayan na yung halimaw na inwan ng Nanay niya" sigaw ni manong Nastor na lasinggero

"Hoy Nastor! huwag mo ngang anuhin baka mamaya..." nilapit ni aling Soling ang bibig niya sa tenga ni mang Nastor "Baka mamaya anong gawin sayo niyan! saka diba sinabi naman ni father na bawal pagusapan ang tungkol sa- "Tinignan ko sila dahilan para matigil sila sa paguusap at masama ang tinging ipinukol nila sa akin.

Nakita ko na halos nangingitim na ang baga ni Mang Nastos Dahil sa kaka-sigarilyo at kaka-Inom niya ng alak.

Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, pero palagi nila akong tinitignan ng masama, pero hindi ko na lang pinansin pa.

"Kapag ako naging magaling na Doctor,wala ng tao pang mawawalan ng mahal sa buhay at kikilalanin ng lahat ang husay ko" Bulong ko habang tinitignan ang mga taong ayaw sa akin. "I swear!"

I forgot to introduce myself, I'm Blade Sullivan, ang apilidong Sullivan ay apilido Dati ng Papa ko, ang Blade naman galing yun sa isang walang kwentang tao, yun lang ang sasabihin ko hindi ko naman kailangan magpakilala ng husto diba.



                                                                               *** ***



Now I'm here at the Hospital, there are too many patients but the condition of the others is not that bad, merong mga naugatan lang at napilayan at ang ginagawa ko lang ay mag ayos ng bedsheet ng mga pasyente at mag kape.

"May naaksidenteng isang school Bus maraming sugatan pero lima ang napuruhan at dadalhin sila dito" sabi ni nurse Florence Andrada kaya lahat kami ay nagsikilos.

Inaasikaso ng mga Doctor ang mga batang malala ang kalagayan at narinig ko si Dr Salazar na tinatawag ako para tulungan sa isang bata na may Bubug sa katawan.

lalapit sana ako para tulungan siya pero isang batang lalaki na 5years old ang lumapit sa akin at umiiyak

"Doctor tulungan niyo po si papa,tulungan mo yung papa ko Doctor" sabi ng bata

"I'm sorry but I need to-"

"Sige na po Doctor ayaw ko pong mawala si papa" sige na po

"Pero bata hindi ako-" Nakita kong hirap huminga ang papa niya at medyo matunog din ang paghinga ng papa niya.

"Sige na po Doctor"

Naalala ko sa bata ang sarili ko noong 5 years old ako bago pa ako ituring na halimaw ng nanay ko.

"Papa Bakit ganito ang mata ko?Bakit nakikita ko yung loob ng katawan ng mga tao?"

"Papa halimaw daw ako sabi ng mga Kabitbahay, mata daw ng halimaw ang mata ko" umiiyak na sabi ko noon

"Pabayaan mo sila anak,Hindi ka Halimaw dahil ang mga mata mo special at bigay ng Diyos sa iyo yan" sabi ni papa

"Tama ang papa, hindi ka Halimaw anak regalo ng Diyos sayo yan"sabi ni Nanay at niyakap nila ako

Masaya pa kami noon,pero noon yun.

kasama ko noon si Papa at galing kami sa mall dahil na masyal kami at paguwi namin Hindi ko inaasahang kahit nasa labas ako ng bahay ay makikita ko ang ginagawang Panloloko ng Nanay ko kay Papa.

"Papa si Nanay may kahalikan na iba"

"ano bang sinasabi mo anak?Tara na"

"Huwag tayong pumasok papa may baril yung kasama niya"

"Anak Hindi yan totoo okay, hindi kayang lokohin ni nanay si Papa, Dahil mahal tayo ni Nanay" sabi ni papa pero nakikita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya "Tarana"

At nangmahuli nga ni Papa ang ginagawang kalokohan ni nanay ay nag away sila ng kalandiang lalaki ni nanay at sa isang iglap ay binaril ng lalaking yun ang papa ko.

"Papa" Bumagsak sa sahig ang papa ko at nilapitan ko siya, hinawakan ko siya para sana itayo pero, ang nahawakan ko ay ang parte ng katawan niyang maraming lumalabas na dugo, nakita ko kung paano huminto sa pagtibok ang puso ng papa ko.

"Papa..."umiiyak na sabi ko.

Doon naisip ko na baka malas ang mata ko sa mga taong nagmamahal sa akin at isa nga talaga akong Halimaw dahil pagkatapos mamatay ni papa ay iniwan ako ng Nanay ko, Lahat sila iiwan ako dahil halimaw ako.

Pero ang batang ito hindi siya halimaw, hindi niya deserve na mawalan ng magulang.

Tinitigan ko ang papa niya,nanlaki ang mata ko sa nakita ko "Stage 4 lung cancer!"

"Ano pong nararamdaman niyo" Tanong ko sa Papa ng bata at sinuoot ko ang Stethoscope. "Ilang araw na po kayong hindi maka hinga ng maayos at umuubo?"

"Matagal po Doc" sabi ng tatay at umuubo at "Madalas din sumasakit ang dibdib ko at kung minsan, likod ko ang masakit pero ngayon sobrang sakit"

"I-exray niyo siya utos ko sa nurse" para ibigay sana kay Doc Salazar at inakala kong ooperahan niya ang lalaking yun pero mali ako.

Lumapit muna ako kay Dr Ms Salazar

"Doctor merong pasyente ang may Lung Cancer"

"Hindi ba Tinawag kita kanina pa!"

"Pero kasi Doc yung lalaki may lung cancer kaylangan siyang-"

"Intern! Tinawag kita Dahil ang Batang ito kahit anong oras pwedeng mawalan ng buhay!" galit na sigaw niya sa akin

"Pero sila yung una bago dumating yung mga batang naaksidente!" Sabi ko

"So ang sinasabi mo ba pabayaan ko ang mga batang malala ang kalagayan at unahin ko yun?" sarkastiko pero galit na sabi niya "Mukhang may nakakalimutan ka! ang patakaran ng hospital natin ay unahin ang mga malala ang kalagayan!"

Yes, I forgot, This is the reality! hindi porke nauna ka uunahin ka, hindi porke may sakit ka ay uunahin ka nila. Dito kailangan ay duguan ka para unahin ka o kaya naman kaylangan mapera ka, kasi sa kahit anong hospital, hindi uso ang first come first serve.

But because I see myself in that boy, I will still help him and his father with the Artificial lungs I made!

Lumapit ako sa bata at sa papa niya.

"Bata sorry ah busy pa kasi yung mga Doctor eh"

"Sige na po, tulungan niyo yung papa ko nahihirapan na po siya"nagmamakaawa na sabi ng bata

"Ah Sige ganito na lang anong pangalan mo at kayo po mister pangalan niyo?"

"Polo Galang ang pangalan ng anak ko, at Ako si Rodel Galang"

"Ah, ganito alam niyo po ba ang metrolanda City? yung Simbahan dun?" tanong ko sa kanya

"Opo dun po kami nag sisimba dati" sabi ng bata, ngumiti ako sa bata at hinaplos ang buhok nito

"Dun ako nakatira at hanapin niyo po ko dun at ako po ang magoopera sa inyo"

"Ano pong Pangalan niyo Doctor" tanong ng Tatay

"Ako si-"

"DOCTOR BLADE" sabi ng bata na binasa ang naka sulat sa name tag ko. "Ang ganda naman po ng Pangalan niyo Doctor"

Ayaw ko sanang magpakilala gamit ang pangalan yun pero hindi ko alam na marunong palang magbasa ang batang yun kaya wala na akong nagawa.

"I'm Dr Blade Sullivan but Just Call me Doctor Blade" sabi ko at nakipag kamay

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now