"Scalpel" sabi niya at para bang pakiramdam niya ay may hawak siya na scalpel sa kanang kamay

"Sawing through the sternum"

"Hoy Bla-"

"Sullivan is my last name!"

"Oo nga pala ayaw mo natinatawag ka sa tunay mong pangalan!" napairap na sabi ni Olivia "So Mr Sullivan the future doctor! hanap ka na ni Father Nickolas" sarkatikong sabi ni Olivia pero hindi manlang siya tinignan ng taong kausap niya at patuloy lang ito sa kanyang ginagawa

"Putting the sternum back"

"Hoy ano ba may naririnig ka ba!!!Ang sabi ko TAWAG KA NI FATHERR!!!"

"Stitching" sabi niya at hindi pa din pinansin si Olivia "Cut"

"IKAW-" sasapakin sana siya ni Olivia ng bigla niyang idilat ang kanyang mga mata.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ma-ialis ni Olivia ang kanyang tingin duon, ni-nwala sa isip niya ang kanyang gagawin.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa lalim ng kanilang tinginan

"Operation Complete" sabi niya saka tumayo "Why?what happend"

"Huh-Ah ano..."

"Bakit niya ako pinapatawag?" tanong ng lalaking kausap niya

at sa wakas ay bumalik siya sa wisyo mula sa pagkatulala niya sa guwapong mukha ng bintang kanyang kausap, pagkatapos ay agad siyang nagiwas ng tingin upang di mahalata ng binata ang mapula niyang pisngi.

"Dahil wala ka namang pasok uutusan niya tayo na mamigay sa iba't ibang lugar ng mga maikling story na naglalaman ng kwento nila adan at Eva magtakip ka lang daw ng mukah para di ka makilala" sagot ni Olivia

"Ah okay" tipid nitong sagot at inayos ang kanyang gamit

Habang inaayos ng binata ang kanyang gamit ay pinagmamasdan siya ni Olivia... guwapo, matangkad, karismatiko at attractive ang mga mata nito, pero salikod ng magandang mga mata ng binata ay may kalungkutang nakatago, takot ang lahat ng taong nakakakilala sa binata pero hindi alam ni Olivia ang dahilan, walang nagsasabi sa kanya ng katotohanan.

"Bakit ba takot ang mga tao dito sayo? Isang bwan na ako mula ng inampon ni Father pero bakit lumalayo sila sayo? si Father nga lang ang hindi natatakot sayo at ako eh"

"Non of you business" malamig nitong sagot sa kanya "Tara na" dugtong pa nito na wala manlang emotion

~~~

Olivia Point of View

Hi ako si Olivia Salvador inampon ako ni Frather Nickolas dahil namatay ang mga magulang ko sa accidente, kaya tulad ni Sullivan ay ulila na din ako kaibigan niya ako o baka ako lang ang nakakaalam na kaibigan ko siya kasi hindi naman niya ako kinakausap at puro Medical Books ang binabasa niya, ang totoo matagal ko na siyang Crush mula ng mapunta ako dito pero parang ayaw niya sa lahat ng tao.

Lagi kasi siyang seryoso, gusto ko nga sana siyang tawaging sa tunay niyang pangalan pero ewan ko ba tuwing gagawin ko iyon ay titi-tigan niya ako ng masama at parang may nakakatakot na pwersa sa tuwing titi-tig ako sa mata niya, pero may lungkot din sa mga mata niyang yon.

"Pansin ko nga may contact lens siya lagi eh bakit kaya?malabo ba ang mata niya?" bulong ko sa sarili ko

At ngayon magkasama kami na namimigay ng story about adan and eva

"Bl- I mean Sullivan hindi ba intern ka na buti pinapayagan ka na naka contact lens lagi?" tanong ko pero hindi siya nagsalita. "at saka bakit dala mo yung gamit mo pang medical eh wala naman tayong gagamutin dito?" tanong ko pero hindi pa din siya sumagot

'Sabi ko nga hangin lang yung kausap ko eh' I said sarcastically in my mind

Nandito kami ngayon sa labas ng isang mall para magbigay sa madaming tao na lumalabas

"Bakit ba tayo nandito?" Finally! nagsalita na siya! hindi na hangin ang kausap ko

"Siyempre madaming tao dito, dito ang gagawin lang natin magbigay sa mga lumalabas kesa naman mag ikot ikot sa mga bahay papagurin lang natin sarili natin" sagot ko

"Ah Ok"

'Ah yun na yon?Ah Ok lang sinabi niya?'

"Wait, ikaw ba kada-salita mo ba may bayad? kasi tipid ka masyado magsalita" sabi ko pero tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. "Ah sige, Iisipin ko na lang na pipe ka" sabi ko na lang

While we were sharing the story of Adam and Eve, we were shock when we heard a gun shot and it was very loud! then we saw a rich woman who was hit by a bullet in her neck.

Lumapit kami sa babaeng mayaman na tinamaan ng bala sa leeg at talaga namang ang dami ng dugong lumalabas sa leeg niya kaya naman natakot akong baka mamatay siya.

"Tumawag kayo ng Ambulance" sabi ni Sullivan at kumuha siya ng panyo para pigilan ang pagdurugo

"Tumawag na kami pero 30 mins pa bago dumating" sabi ng guard

"Hindi puwede baka pag dating nila patay na siya!" sigaw ko

"Kailangan tayo na ang magdala-" sabi ko kay Sulivan pero binuksan niya ang kanyang mga gamit

"Ooperahan ko siya dito"

"Pero sulivan hindi ka pa-" nagaalalang sabi ko pero tinignan niya ako, kakaiba talaga ang kanyang mga mata, napapabilis nito ang tibok ng puso ko kapag tinitignan niya ako, at ngayon hindi ko na alam ang sasabihin. "hmmm, sige iligtas mo siya!" sabi ko at nagiwas ng tingin sa kanya, ayaw kong mapansin niya na namumula ako eh.

"Huh?Doctor ka ba?" tanong ng driver ng mayamang babae pero dahil kilala ko siya alam ko hindi siya sasagot.

Kinuha niya ang scalpel, hiniwa niya ang part kung saan tinamaan ng bala at mabilis ay nakuha niya ang bala na nasa leeg pa ng babae

Wow nakuha niya agad.

Pagkatapos ay sa loob ng 45 seconds ay naitahi na niya ang sugat.

Unbelievable! Paanong ang isang Intern na tulad niya ay parang professional na?

"Wow, ang galing niya" sabi ng mga tao

"Dalhin niyo pa din siya sa hospital para duon makapagmahinga at matignan ng Doctor" seryosong sabi niya

"Doc saang hospital kayo at anong pangalan mo?"

"Kailangan ko na umalis" sabi niya at hindi pinansin ang mga tanong ng mga tao sa kanya

Tulala lang ako sa kanyang nagawa kaya hindi ko napansing nawala na siya, hindi ako makapaniwala. After nun ay hinanap ko sya at hanggan sa makabalik na ako sa simbahan at nakita ko siya na pinagmamasdan ang mga nanginginig niyang kamay sa may kuwarto namin.

"Bakit ka nanginginig?" tanong ko at napatingin siya sa akin

"Ito ang unang beses na nagawa kong magligtas ng buhay at may mga humanga sa akin kahit na hindi nila nakikita ang mukha ko" nakangiting sabi niya

Natulala ako dahil ito ang unang beses na nakangiti siya sa akin.

"O-ok lang yan, Dapat lang na hangaan ka nila dahil magaling ka" sabi ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Huwag..." sabi niya at tinanggal ang kamay niya sa akin, muli nakita ko nanaman ang lungkot sa mga mata niya, hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan, pero alam ko sobrang malungkot siya. "Salamat pero hindi mo ko kailangan purihin, Baka umasa ako..."

"Huh? umasa saan?"

"Baka umasa akong hindi ka katulad ng iba" dugtong niya, nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng kalungkutan.

There is a part of my heart is hurt and wants to say I'm not like everyone else, pero sino ba naman ako para sabihin yon? hindi niya pa ako kilala ng husto, at hindi ko pa din siya kilala...pero kikilalanin ko siya, gusto ko malaman ang kung bakit ilag ang tao sa kanya- O baka siya mismo ang ayaw sa kanila

Ano man ang dahilan, gusto ko yon malaman, kasi gusto ko siya.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now