Epilogue

50.2K 1.3K 488
                                    

Kasalukuyan ako nakatulala sa aking kwarto. Namamaga ang aking mga mata dahil sa kakaiyak. Hindi ko alam kung ano gagawin ko.

Handa na ba ako harapin siya? O handa na ba ako tanggapin na may mahal na siyang iba?

Lahat ng tanong sa aking isipan ay dinadaan ko na lamang sa iyak. Mahal na mahal ko siya, pero bakit ganon? Do I deserve this pain?

Kung pwede lang ibalik ang panahon kung kailan ay mag kasama kaming dalawa, walang problema at puro asaran lang sa isa't isa.

Kahit kung maaaring rin bumalik pa ako sa pagiging slave nila para lang makita si Ace sa malayuan. Ma-sulyap man lang at mahawakan siya ay malaking bagay na sa akin.

Natawa ako ng mahina dahil alam ko imposible na mangyari ang mga iniisip ko.

Tinignan ko ulit yung envelope at tsaka tumulo ang luha ko.

Mahal na mahal kita, Ace...

"Don't tell me that you're crying because of him?" Napaigtad ako dahil sa boses na narinig.

Nakita ko si Reid na nakasandal sa aking bintana. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Naiirita ko sabi. Ngumisi lang ito bago lumapit saakin.

"Kanina pa ako nandito tinitignan ka sa malayo..." Sabi niya kaya iniwas ko ang tingin ko.

Nagulat ako nang itaas niya ang baba ko kaya tumama ang paningin namin sa isa't isa. Tinitignan niya ako sa mga mata kasabay ng biglang pag punas niya sa luha ko.

"What the hell they did to you?" Mahinang sabi niya kaya mas nanghina ako. Tinabig ko ang kamay niya bago tumayo mula sa kama.

"Ano ba ginagawa mo dito? Ano ang pinaplano mo at lagi ka nasa tabi ko?" Naiinis kong tanong.

Umupo ito sa aking kama bago ako tinignan.

"Wag mo ako itulad sa kanila, Rhianne." Sabi niya kaya natigilan ako.

Nice, now he's playing like a good friend here.

"Gasgas na ang linyang 'yan." Sabi ko at ngumiwi. Natawa siya ng mahina.

Nagulat ako sa mabilis niyang pag punta sa aking harapan. Hinigit niya ang wrist ko bago sinandal sa pader.

Nagulat ako dahil sa mabilis na pangyayari. Nilabanan ko ang tingin niya at nagulat na makita ang seryoso niyang mukha.

Halos maduling na ako dahil sa pag lapit ng mukha niya saakin.

"You don't deserve this, Rhianne. You deserve everything even the world. Trust me, I can give it to you..." Sabi niya kaya natauhan ako.

Malakas ko siya tinulak kaya napatalsik napaupo ulit siya sa kama. Nanaliksik ang mga mata ko dahil sa galit.

"Are you fucking kidding me? What's your intention? Tell me, before I smash that head of yours." Mahinahon kong sabi pero natawa lang siya.

"I'm not the enemy here, don't consider everyone as your enemy. Like you did to your friends." Sabi niya kaya natigilan ako. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Just straight to the point,"

"Impatient, aren't we?" Sabi niya. Aakma ko siya susugurin kaya tinaas niya ang pareho niyang kamay.

"Chill, I just want to say that I can train you."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Train?" I asked and scoffed. He rolled his eyes.

"As you can see, you are still weak for the title of Princess of the Moon Warrior." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

Paano niya nalaman ang pagkatao ko?

"What are you?" Tanong ko. Ngumiti ito ng kay tamis saakin.

"I'm just a normal Vampire, sweetie. A trainer of your family." Sabi niya.

Trainer? Walang sinasabi sa akin ang magulang ko tungkol sa kaniya maging si Tita Wendy.

"But anyway, let's get to the point. If you want to become a strong like them, then you have to train. Show them the true Princess." Sabi niya kaya napaisip ako.

Strong huh. He's right, I'm not strong as them. If I use this opportunity to take a revenge then I think it will be easy.

But I can't do this if he has connections with my family.

"Payag na ako, pero sa isang kondisyon" sabi ko. Napatayo siya dahil sa narinig. Masaya ang mukha nito kaya napairap ako.

"What is it?"

"Putulin mo ang koneksyon mo sa pamilya ko." sabi ko. Inaasahan ko na hindi siya papayag pero nagulat ako nang ngumisi lang ito at tumango.

Ayoko makaroon ng koneksyon sa pamilya ko. Ayoko rin humingi ng tulong sa kaniya kung sakali. Hindi ko kaya sila pagkatiwalaan kung sila mismo ay hindi ako kaya pagkatiwalaan.

"Got it, babe." Sabi niya kaya nag init ang ulo ko.

"Can't you stop with the nicknames?!" Inis na sabi ko. Natawa siya at nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin.

"I can call you whatever I want since I'm your trainer from now on." Malandi niya sabi kaya binigyan ko siya ng suntok sa sikmura. Napamura siya dahil sa sakit.

"You can go now." Sabi ko. Tatalikod sana ako nang hinila niya ulit ang braso ko kaya napasandal ang pareho kong kamay sa dibdib niya.

"I will not fail you, Rhianne." Seryosong sabi niya kaya napatitig ako sa mga mata niya.

Gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin bago umalis sa harapan niya.

"I know you will." Sabi ko kaya napangiti siya.

May inabot siyang magazine kaya nagtataka akong tinanggap iyon.

"Aanhin ko ito?" Tanong ko.

"Kainin mo." Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa ulit ito. Kaunti na lang ay iiispin ko na may saltik ito sa ulo.

"Kidding, just look at it. And please don't cry or else you're going to fail your first training." Seryosong sabi niya bago tumalon sa bintana.

Tinignan ko ang magazine. Sumikip ang dibdib ko na makita si Ace at Alex. Parang sila model kung pumustura sa litrato.

Nakahawak si Ace sa bewang ni Alex habang si Alex naman ay nakayakap sa dibdib ni Ace. Nakangiti ng matamis si Alex samantala naman si Ace ay seryoso lang ang mukha.

Ngumiti ako ng mapait bago nilukot ang magazine. Dahil sa galit ko ay nasunog ito. Pinanood ko kung paano kumalat ang asul na apoy sa litrato ni Ace at Alex.

This is not the end because I will do everything to destroy them.

I will make them pay. I will show them that they can't bring me down because I'm a Princess and a Princess shall not kneel before anyone.

Starting from now on, I will make my own rules, decisions, and a title.

Prepare for the Revenge of the Moon Warrior.

THE END

~~••~~

The Revenge of the Moon Warrior (Book 2)

Yes po, tapos na kaya wag na kayo umiyak at proceed na kayo sa book 2 :))

Follow me on twitter for more updates!
Twitter acc: yeshrheyy

And for announcements and entertaining posting, follow me on Facebook!
Fb acc: Yeshrheyy

Thank you! ❤

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon