Chapter 26

33.7K 1.1K 125
                                    

Kira's POV

Pagkatapos ng eksena kahapon hindi ko pa rin maiwasan kabahan. Natatakot ako baka may manakit pa sa amin, wala ako magawa. Kanina tinanong ko ang sarili ko bakit hindi ko magawang labanan si Ingrid katulad ng nagawa ko nakaraan sa mga kasamahan ni Mark.

Ngayon ramdam na ramdam ko na ang galit ng mga prinsipe sa mga nangyayari, habang nag lalakad kami kanina papasok ng auditorium takot na takot na ang mga estudyante.

Maski ako hindi ko na makilala si Ace dahil sa tinding galit na nararamdaman niya. Kahit matindi ang galit niya kahapon nagawa niya pa rin ako alalayan at alagaan. Nanghihina ako kanina tila kinuha yung lakas ko at mabuti agad ako inalagaan ni Ace.

Ngayon nasa harapan na kami ng maraming bampira hindi ko alam kung ano dapat maramdaman ko. I tried to convince him but he didn't listen to me.

Napayuko ako sa hiya. Nahihiya ako kasi alam ko na galit sila saamin.

"Don't bow your head," seryoso na sabi ni Ace. Siya ang nag patawag sa lahat ng mga students ng RVA para pumunta sa auditorium. Tinignan ko siya at hinawakan sa braso.

"You don't have to do this." Pag-kumbinsi ko sa kaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya.

"There's nothing you can do to change my mind, Kira." Madiin na sabi niya kaya napayuko ako.

"Kinakabahan ako..." Sabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinaas ang mukha ko para harapin ang matatalim niya tingin.

"Don't, I'm right here." sabi niya at binigyan ako ng halik kaya napapikit ako at bumitiw na siya. Hinapit niya ang bewang ko kaya wala na ako nagawa kundi sumiksik sa kaniya.

Nang naayos na ng isang guard ang mga microphone pumunta na sa gitna ang mga prinsipe.

Agad na tumahimik ang mga estudyante ng pumunta na sa gitna sila Ace. Si Tyler ay nasa dorm ko, hindi niya nakayanan ang kapangyarihan ni Ingrid kanina kaya nag papahinga siya, gusto sana manatili ni Rachel sa kaniyang tabi pero sabi ni Blake na mas kailangan siya dito.

Nakita ko si Bea na maayos na nakaupo sa likuran parang pinaupo ata siya doon ni Blake at may isang pang upuan sa kaniyang tabi. Napatingin ako sa paligid ako, pinalilibutan ako ng mga prinsipe at maging si Rachel. Nakaramdam ako ng hiya dahil nakatayo ako sa harap at sa tabi nila.

Gumilid ako at nakatapat ang mga kamay ko sa dibdib ni Ace dahil sa sobrang pag lapit niya sa katawan ko.

"Ace, uupo lang ako sa likod. Sasamahan ko si Bea." Bulong ko rito. Diretso pa rin ang tingin niya. Naramdaman ko na mas lalo niya hinigpitan ang hawak sa bewang ko.

"Please?" Sabi ko na para payagan na ako. Nagbuntong hininga siya at hinalikan ako sa noo at inalis na ang hawak sa bewang ko. Dumeretso na ako sa upuan at napansin ko ang pagiging tahimik ni Bea sa aking tabi. Napayuko na lang rin ako tulad niya.

"Good morning, Vampires..." Mahinahon na sabi ni Rachel at batid kaniyang galit sa kaniyang boses. Napalingon ako kay Blake na nakangisi na tila tinatago ang kaniyang galit, lumingon siya sa gawi namin at tinignan si Bea. Nag buntong hininga siya at bumalik ang tingin sa mga estudyante.

"I expect that you already know what happened to your President?" natatawa na sabi ni Jacob at parang pinapagaan ang tension. Ramdam ko napahawak si Bea sa kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Yes!" sagot nilang lahat.

"Then 'wag niyo siya gayahin kung gusto niyo pa mabuhay." biglang seryoso na sabi ni Jacob kahit ako ay nabigla. Hindi umimik ang mga students. I never knew that they have this dark side.

"Now, I want to call Kira Rhianne Alvadez and Bea Len Orteges in the front. I want to introduce them to you all, The two beautiful mates of our Prince Ace and Prince Blake." sabi ni Andrew.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon