Chapter 8

42K 1.6K 185
                                    

Natigilan ako na bigla ako yakapin ni Rachel. Napangiti na lang ako, grabe namiss agad ako. Ginala ko ang aking paningin at lahat sila ay nakatingin sa amin na seryoso.

Narinig ko ang malamig na boses ni Ace kaya napabangon ako dahil alam ko na inaaway nanaman niya si Rachel. Bakit ba ganito ang ugali ni Ace? Wala ba talaga siya pakialam sa nararamdaman ng iba?

Hindi ko namalayan na masama ko na pala tinitignan si Ace. Iniwas ko na ang tingin ko.

"Tsk..." rinig kong singhal niya. Inayos ko ang upo ko at hinarap si Rachel. Napangiti na lang ako na makita ang balanggana at iba pa. Nagka-sinat na pala ako hindi ko namalayan siguro dahil sa natayuan ako ng pawis at may bukas pa ang aircon at napalipasan pa ako ng tanghalian.

"Rachel, mabuti pa kung pumunta ka muna sa kwarto mo at mag pahinga." tipid na ngiti ang inagawad ko sa kanya. I considered her as my friend now so I have to take care of her too.

"Paano ka?" parang bata na sabi niya. Natawa ako at umiling.

"Ano ka ba! Okay lang ako mag lilinis nalang ako ulit halika samahan na kita sa dorm mo." sabi ko.

Tumango nalang siya. Hindi ako makatayo kasi nga masakit ang katawan ko pero okay lang dahil tinulungan ako nila Dylan tumayo. Ngumiti naman ako sa kanila at nag pasalamat, they just nodded their heads. Iniiwasan ko na hindi tumingin kay Ace dahil ramdam ko ang mga titig niya hanggang ngayon.

"Kira, eto yung iinumin mong gamot basahin mo nalang yung papel na sinulat ko" sabi ni master James tumango nalang ako at nag pasalamat.

Humarap ako kay Ace at yumuko.

"Tapos ko na po linisin ang room niyo, mauuna na ako. Tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan pa kayo." Sabi ko kay Ace. I nearly rolled my eyes.

"You may go now." Malamig na sabi niya at bumaling ulit sa mga papeles na nasa mesa niya. Tumango na lang ako at nginitian ang iba pang prinsipe.

Lumabas na kami sa office ni Ace at nag lalakad kami ni Rachel sa hallway. Kahit may nararamdaman na hilo sinubukan ko pa rin magalakad ng maayos ay samahan si Rachel.

"Nasaan dorm mo?" Tanong ko.

"Dito..." Sabi niya sabay bukas ng violet na pinto. Namangha ako sa laki ay ganda ng kaniyang kuwarto.

"Shock?" nakangisi na sabi niya. Tumango ako at natatawa.

"Oo, expected naman na." sabi ko at sabay kamot ng batok. Natawa nalang siya.

"Sige mauna na ako." sabi ko pero nag salita ulit siya.

"Wait! Kira dito ka muna wala kasi ako kasama." napatingin naman ako sa kanya.

"Okay." sabi ko ang laki ng room niya tapos siya lang mag isa. Pwede na yata pang limang katao dito. Nilibot ko ang aking panigin sa bawat sulok ng kuwarto niya. Magaganda ang mga furnitures niya at naka-organize talaga ang lahat ng gamit niya.

Naagaw ang aking atensyon sa mesa na may mga picture frames. At isa na doon ang malaki na picture frame na tila matagal na nakuhanan. May mga bata at iisa ang babae na nasa picture. Kinuha ko ito at tinignan.

"Kami yan." nagulat naman ako kay Rachel.

Napatitig ako lalo at totoo nga sila nga. Kahit mga bata pa ang ga-gwapo na at ang gaganda. Mga maharlika talaga king tignan pa lang at nakakahanga ang mga postura.

Nakita ko yung bawat mukha nila si Jacob naka akbay Kay Kevin, si Dylan naman ay nakapamulsa habang naka-akbay sa kaniya si Andrew. Si James naman ay naka ngiti na naka-gilid. Si Blake naman ay naka ngisi at nakapa-mulsa rin. At si Ace naman ay seryoso at nakapamulsa rin.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon