Chapter 14

38.4K 1.5K 255
                                    

Papunta kami sa hallway nagayon as always laging may sigawan, bulungan at iba pa. Ang sasama rin ng mga tingin nila sa akin.

"Bakit kasama nanaman nila yang babae na iyan?!" rinig ko isa sa mga bumubulong. Bakit inggit ka ba?

Kung magiging bampira talaga ako pero wag naman sana, ibubuka ko talaga ang mga bibig nila gamit ng kamay ko para masira rin mga pag mumukha nila.

"Kadiri yung mukha akala kung sino!" FYI! Mas nanakadiri yung mukha mo, try mo kaya tumingin sa salamin para malaman natin kung sino mas nakakadiri.

"Tss hindi naman pang prinsesa yung mukha!" hindi nga ako prinsesa but I'm more confident that i'm beautiful than you.

"Sige Kira una na kami ha? Tawagin mo nalang kami pag may kailangan ka." hindi ko namalayan na nasa room na pala kami nila Master Jacob. Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Ang bait talaga ni Jacob.

"Sige po." nahuli ko naman nakatingin saakin si Master Ace pero umiwas ako ng tingin. Para kasi akong nilalamig sa mga titig niya. Jeez, ano bang meron sa lalaking to?

Mas lalo ako nagulat nang hindi pa siya pumapasok sa room nila. Lumapit siya sa akin at hinawakan bigla ang necklace na binigay nila.

"M-May kailangan pa po ba kayo Master?" may halong takot na sabi ko. Mas lalo ako nanigas ng hinawakan niya nag leeg ko. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya sa collarbone ko.

"Don't ever take this off, do you understand?" ma-awtoritad na sabi niya. Tumango ako ng mabilis.

"O-Opo." At pilit iniiwasan ang tingin ko sa kaniya at dahil sobra lapit niya.

"Good, so that everyone will know that you're our slave and..." napayuko nalang ako pero hinintay ko ang kasunod na sasabihin niya. Hindi niya pa rin inaalis ang hawak niya sa leeg ko.
Nilapit niya ang labi niya sa aking tenga kaya napahinto ako sa paghinga.

"You're mine." saka niya inalis ang kamay niya sa leeg ko saka na siya tumalikod. Napahawak ako sa leeg ko habang hinihingal. Normal pa ba ito? Normal pa ba ang nararamdaman ko at normal pa ba ang ganitong pakikitungo niya saakin?

Gusto ko magsalita tungkol sa pakikitungo niya sa akin dahil hindi naman ganito ang ibang prinsipe sa akin kaso lang parang may pumipigil sa akin na magsalita hindi kaya dahil nagugustuhan ko? Agad ako umiling.

Bawat salita niya may ibang epekto sa akin, Parang mga ilang segundo lang mapapaluhod na ako. I'm his? Alam ko na slave nila ako at hindi lang siya ang nagmamay-ari sa akin pero bakit parang inaangkin niya ako? Kumabog agad ang dibdib ko.

Napatingin ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag na walang maski bampira nakakita sa akin kundi lagot ako neto.

Lumakad ako papasok ng room namin marami rin bulungan ang sumalubong sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeresto na ako sa upuan ko. Kahit kung patulan ko sila wala ako laban sa mga bampira.

May lakas sila, bilis at kaya nila makita ang mga malalayong bagay.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi ni Ace sa akin. Ano ibig niyang sabihin?

"Hi!" Ay kalabaw! Nagulat ako ng may magandang babae na nasa harapan ko.

"Hi? Me?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango.

"What's your name? By the way, my name is Katelyn." nilahad niya ang kamay niya kaya binigay ko na rin ang kamay ko para makipag shake hands.

"Kira Rhianne." pagpapakilala ko. Ang lamig ng kamay niya. I can feel the different aura. Maybe she's a vampire too?

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon