Chapter 10

40.7K 1.6K 158
                                    

Nagising ako dahil sa maliwanag na ilaw na tumama sa akin. Bumangon ako at napahawak sa aking ulo na parang binibiyak dahil sa sakit. Napa-buntong hininga ako dahil sa sakit.

Ano ba nangyari? Siguro natakot lang talaga kanina at nagulat sa mga pangyayari kaya nahimatay ako.

Tatayo sana ako pero may pumigil saakin at si Master James iyon. Nakita ko ang pag alala sa mukha niya.

"Wag ka muna tumayo mag pahinga ka lang diyan." sabi ni master James humiga nalang ako ulit at napanguso.

"Are you alright, Kira?!" Nag-aalang tanong ni Rachel kaya napangiti ako.

"Ayos lang ako," natatawang sabi ko sa kaniya.

"Do you need something? Tell me.." Sabi ni Rachel kaya natawa ako at umiling.

"Ayos lang talaga ako, salamat sa pag-aalala." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. Hindi ko talaga mawari hanggang ngayon kung bakit ang bait ng trato nila sa akin except nga lang sa isa diyan.

Naisipan ko na bumangon na dahil naalala ko na may schedule ako ngayon na dapat gawin. Mabuti na lang may vacant time ako para gawin ang tungkulin ko ngayon. I'm still studying at pinagbubutihan ko talaga iyon.

I'm still their slave and I can't take advantage their kindness towards me so I must express my gratitude by doing my job properly.

Bumangon na ako at umalis na sa kama.

"Ano gagawin mo?" tanong ni Kevin na seryoso ang mukha at nakasandal sa pinto.  Nginitian Ko siya.

"Gagawin ko na trabaho ko at wag kayo mag-alala okay na ako." sabi ko saka nag thumbs up pa. Hindi siya sumagot at nanatiling seryoso at iniwas ang tingin sa akin. Ano problema nito? Ayos lang ito kanina ah .

Nag tinginan sila ni Master James sumimangot na lang si Kevin.

"Psh, sige na nga pero wag ka masyado mag pagod okay?" Sabi ni Rachel. Tumango ako at ngumiti.

"Yes ma'am." sabi ko.

"And Kira, Ace expecting to see you in his office." Sabi ni James kaya tumaas ang aking kilay.

"Sige, salamat po sa pagsabi." Sabi ko at tumango pa hindi ko na sya hinintay sumagot at tumayo na. Tinignan ko si Kevin na nakatitig sa akin habang palabas hindi siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita.

Habang naglalakad sadyang nanadya ang mga bampira na ito nagbubulungan pa pero rinig na rinig naman. Bahagya ako umirap at pinatuloy ang paglalakad.

"Diba siya yung kasama ng royalties?"

"Oo nga, maganda siya pero hindi kasing ganda ko duh!"

Hindi ko nalang pinansin hanggang nakarating na ako sa office ni master ace. Hindi ko alam na may may mga bampira din palang tsismosa. Kung bampira lang ako matagal ko na pinutol ang mga dila nila.

Kumatok muna ako bago buksan ko ito nakita ko si master Ace nakaupo tumingin naman siya sa akin.

"Master Ace, ano po pala iuutos niyo?" tipid akong ngumiti sa kanya.

"Mag grocery ka wala na laman yung ref." sabi niya sabay tumingin ulit sa mga papel na nasa harapan niya. Nagmake-face ako sa kaniya at dumila pero agad siya tumingala saakin kaya umakto agad ako ng normal at ngumiti ng peke sa kaniya.

"Yun lang po?"

Tinignan niya lang ako sabi ko nga. Nawala na ang ngiti sa aking labi at lumabas na.

Pagkalabas ko, natigilan ako ng nalaman ko gabi na pala. Bakit ang bilis ng oras? Nagkibit balikat nalang ako.

Sa wakas nakarating na rin ako sa grocery. Kumuha ako ng pushing cart at nag simula na bumili. Para saan kaya ang mga ito? Iniiwasan ko isipin na para sa akin ito kaya pinabili ni Ace, napailing na lang ako at natawa.

Salamat at tapos narin bumili, ang dami ko na rin nabili. Pwede na yata to. At dahil curious ako sa mga pagkain ng mga bampira nag-effort pa talaga ako mag-aral tungkol sa kanila.

Nakinig ako sa guro ko nung last class ko tungkol sa pagkain ng mga bampira. Their main food is blood. Lumalakas sila kapag nakaka-inom sila nito. Tinanong ko si Rachel kung bakit pa rin sila nakakain ng pagkain and she answered me right away.

Normal vampires doesn't eat human foods and even if when they taste just a little amount of human food, they feel nauseous and they're just going to vomit all of the food that they ate.

But Royal Vampire is different case. Pure blood is allowed to eat human food but not that much. Kapag kumain sila parang wala lang sa mga tiyan nila means they can't feel anything, hindi sila nabubusog. It's their choice if they're going to eat or not.

Karga karga ko ang mga mabibigat na pinamili ko. Sa bigat nito hindi ko maiwasan ang maawa sa sarili ko, sa ganitong katawan sigurado mapipilayan ako o mababalian ng buto.

Naiirita ako habang naghahanap ng masasakyan. Napansin ko ang isang nakangisi na lalaki at iba ang kutob ko tungkol dito lalo na sa tingin ko na hindi ito tao.

Kumabog ang dibdib ko at nahihirapan na pinunasan ang namumuong pawis sa noo ko.

"Oh, I think you got lost, kitty. Need some assistance? Hmm... you smells good." Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ng lalaki. Pagka-amoy niya sa akin bigla nagbago ang kulay ang mga mata niya. Napa-atras ako. Bakit ba lagi sa akin kumakapit ang kapahamakan?!

"Lumayo ka! And stop touching me you freak!" Kinakabahan kong sigaw. Nagalit siya dahil sa pag tulak ko. Lumabas ang kaniyang mga pangil kaya mas nanigas ako dahil sa takot.

"You have still guts to fight me, huh?! You helpless human!" Sabi niya at hinablot ako sa braso at nilapit sa kaniya. Nararamdaman ko ang hininga saaking leeg kaya tumulo ang luha ko dahil sa takot.

"Let go of me! Tulong!" sigaw ko at sana may makarinig sa akin. Pilit ko pumipiglas sa kaniyang hawak pero sadyang malakas siya.

Bigla ako sinuntok sa puson at hindi pa nakuntento sinuntok pa ulit ako sa tiyan at muntik na ako masuka ng dugo dahil sa lakas niya.

May narinig ako yapak papunta sa amin. Hindi na ako umasa na yun ang liligtas sa akin at iniisip ko na baka ito na ang pinaka boss nila.

"Tangina, sino nandiyan?!" Sigaw ng lalaki na may hawak saakin at naiiyak na lang ako dahil sa sakit ng puson ko at tiyan.

"Get out at instant, you asshole!" Sigaw ng lalaki at hinigpitan ang hawak saakin kaya mas lalo ako naiyak dahil sa sakit

Nagulat ako bigla umulan ng nyebe...

Iisang lang ang kilala ko na may ganitong kapangyarihan.

At iyon ay si...

Ace...

~~••~~

~~••~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon