Chapter 35

25.9K 910 71
                                    

A/N: I just wanted to advice you to download the song so you can enjoy it while reading the part of the scene, thank you. :))

Nandito kami ngayon sa backstage preparing for our performance. I'm actually nervous because we're lack in practice dahil puro date ang nasa isip ni Ace.

"Sino muna pa muna yung mag pe-perform?" Tanong ko. Masayang tinaas ni Bea ang kaniyang kamay habang si Blake ay nakapamulsa at nakangisi.

"Kami!" sabi ni Bea. Lumapit si Blake kay Bea at inayos ang suot nito kaya napangiti ako. Akalain mo iyon, nakaligtas kami at mabuti na lang sila ang mauuna.

"Ano kakantahin niyo?" Tanong ni James habang umiinom mula sa baso. Tinapik na lang ni Blake ang balikat nito at ngumisi.

"Nood nalang bro," Sabi ni Blake inirapan nalang siya ni James kaya natawa ako.

"We're calling the presence of Prince Blake and Lady Bea on the stage!" Sigaw ng emcee kaya nag ayos ng sarili si Bea at huminga pa ng malalim.

"Good luck!" sabi namin ni Rachel. Tinaas ni Bea ang kamay at kumaway saamin. Hinapit ako sa bewang ni Ace kaya napangiti ako at sinandal ang ulo sa dibdib niya.

Bea's POV

"Let's Welcome Blake and Bea!" Sabi ng emcee ng naka-akyat kami. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon kumakalabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kinakasama ko siya ngayon. Dati pangarap ko lang ito yung tipo na ididikit ko pa ang mga pictures niya galing sa magazines para lang ganahan ako sa pag gising sa umaga.

Nakangisi inabot ni Blake ang mic sa akin at tinanggap ko iyon na nakangiti. Bigla siya lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga.

"Break a leg, babe." Sabi niya kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti.

Napatitig ako sa mga mata niya at naalala ulit ang mga hindi insaasahan na nangyari noon. Napangiti ako at napapikit.

*FLASHBACK*

May isang babae nangangalan na Bea o mas kilala na si "Brianna", isang siyang mabait at masunurin sa kanyang mga ate at kuya sa orphanage.

Lumaki siya na walang nakikilalang magulang na gumagabay sa pero gayunpaman, lumaki siya na matapang at handa harapin ang mga problema mag isa.

Hapon ang nagsimula ang mga pangyayari sa kaniyang buhay na hindi niya kailanman makakalimutan. Siya ay 6 years old at walang ka-muwang muwang sa mga nangyayari.

Habang inaamoy ang mga mababango bulaklak sa garden ng Orphanage ay dumating ang mga lalaki na kaaway niya simula pa lang na pumasok siya sa Orphanage.

"Hoy bata!" Sabi ng lalaki na may hawak na bola.

Lumingon si Brianna at nagtataka silang tiningnan.

"Huh? Kayo na naman?" Sabi ni Brianna.

"Oo bakit may problema ka?!" Sabay tulak Kay Brianna.

"Aray! Hindi ko naman kayo inaaway ah!" Sigaw ng batang babae. Sinubukan niya maging matapang sa harap ng mga ito pero dahil sinasaktan siya na pisikal ay hindi niya nakayanan na matakot.

"Akala mo kasi kung sino ka, baguhan ka lang naman dito!" Sabi ng isang lalaki hanggang sinipa na nila si Brianna. Nanggilid ang mga luha niya dahil alam niya wala naman siya magagawa dahil marami sila.

May dumating na batang lalaki na gwapo at seryoso ang mukha. Nakasandal ito sa puno at nakapamulsa. Tinignan ng batang lalaki si Brianna at hindi maiwasan humanga sa isa't isa.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon