Chapter 13

38.2K 1.6K 385
                                    

"Ate, wake up!" may narinig ako ako boses ng bata na ginigising ako kaya tinakpan ko ang tenga ko gamit ng unan ko. Inaantok pa ako eh!

"2 minutes!" inaantok na sabi ko.

"Ate, nandito sila kuya!" napadilat agad ako at agad bumangon. Dali dali naman ako nag-ayos sa sarili.

"Eto na po!" napasigaw tuloy ako sa wala sa oras. Lumingon lingon ako sa paligid pero tanging si Daniel lang ang nakikita ko. Nahulog ang aking panga dahil sa ngisi niya.

"I was just kidding I just want to eat na." Nakanguso na sabi ni Daniel. Natawa ako at Napailing nalang ako at humikab. Kahit kailan talaga ang batang yun! Napaka kulit.

Habang nasa CR at nag t-toothbrush nakita ko si Daniel nag i-ipad. Grabe ang mga bata ngayon, puro gadgets nalang ang inaatupag.

Naligo na rin ako para mabango. Pagkatapos ko maligo, tumuloy na ako sa pagluluto na uulamin ng mga bampira na kasama ko.

At siyempre kasama ko si Daniel sa pag luluto.

Napaisip ako bigla, ang dami na nakakain ng mga prinsipe na mga pang sosyal na putahe. Para maiba naman nagluto ako ng lugaw.

Excited na ako kaya mas sinarapan ko ang lugaw na niluluto ko. Pero siyempre bukod sa lugaw may niluto na rin ako mga iba't ibang ulam.

"Ate, ano yung lugaw?" Tanong ni Daniel hala siya hindi niya alam? Sabi ko na nga eh. Ano ba aasahan ko? Anak ng mayaman eh.

"Lugaw? Ano siya... Ahh! Kanin yun na may sabaw." nakangiti na sabi ko.

"Kanin na may sabaw? Masarap ba yun?"

"Well as you can see, nagluluto na ako. Gusto mo ba tikman?"

"Opo!" excited na sagot niya saakin.

"Okay. Hintay ka lang muna." sabi ko. "Ay Daniel, pwede mo ba tawagin ate Rachel mo?" sabi ko habang kumikilos dito sa kusina.

"Okay ate! Basta samahan mo ako." napatingin naman ako sakanya.

"Kailangan mo pa ba ng kasama," sabi ko at nilapag ang sandok na hawak ko. Hininaan ko ang apoy ng niluluto ko.

"Opo kasi may gagawin ako hihihi." sabi niya ano binabalak tong bata na toh?

Pumunta kami sa kwarto ni Rachel natutulog siya na mahimbing. Mukha talaga siyang prinsesa. Binuksan ko yung kurtina para may liwanag konti.

"Ate Rachel gising na!" napalakas na sigaw ni Daniel kaya napatakip ako ng tenga.

"Ano ba Daniel ingay ingay mo!" reklamo ni Rachel.

"Ayaw mo magising ha." sabi ni Daniel ako pinapanood lang sila may kinuha si Daniel na kaldero?! Alam ko na ang gagawin ng batang to.

Pinukpok niya yung kaldero gamit yung sandok at...

*bogsh bogsh*

Tumili nang kay lakas si Rachel.

"At last! You're awake now."sabi ni Daniel sabay tawa ng malakas, nakitawa rin ako.

"Nakakabwisit kang bata ka kapag ako napikon sayo ibibigay kita kay kuya Ace! Hmph!" mataray na sabi ni Rachel sa pinsan.

Ngumisi lang si Daniel at tinalikuran ang pinsan. Napailing nalang ako. Namana talaga sa mga kapatid.

"Ate Rachel! Alam mo ba ano almusal natin?" bigla sabat ni Daniel habang nilalaro ang sandok.

"Tae mo." malumanay na sabi ni Rachel habang nag susuklay. Bad talaga si Rachel.

"Ate kasi!" napipikon na sabi ni Daniel.

"Ano ba kasi yun!?"

"Lugaw!!"

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon