Chapter 21

39.2K 1.3K 697
                                    

BEA'S POV

Simula nung nangyari kahapon hindi na mapakali si Kira I mean wala siya palagi sa sarili. Ang ganda pala ng bestfriend ko! Na in love sa kanya ang dalawang prinsipe ng mga bampira. Mas nakakagulat pa halos lahat sila nakagusto kay Kira!

Kira ano kaya ginamit mong shampoo at nakagusto sayo ang mga magkakapatid? Natawa na lang ako.

It's saturday at pinili ng iba magpasyal na lang sa RVA.

Nasa RVA na kami, And thankfully pumayag na si Kira na mag aral na ako doon. Actually pinilit ko pa ang mga prinsipe dahil ayaw ko talaga mawalay kay Kira.

Dahil wala ako magawa lumabas nalang ako sa dorm ko nang...

"Hey babe," Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Nakita ko si Blake na nakangisi at naksandal sa pader ng dorm ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko at una mag lakad alam ko sumusunod siya. Inaamin ko na crush ko sya dati pero nung nalaman kong bampira siya parang gusto ko pigilan ang damdamin ko sa kaniya.

"Ayaw mo ako nandito, Bea?" tila nag tatampo na saad niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kyahh! Si Blake!"

"Marry me!"

"I-Date mo ko please!"

Psh. Ano ba mga babaeng to? Natamaan na talaga sila kay Blake. Well bampira pa nga naman. Sino ang hindi ma-iinlove sa mga bampira lalo't pa mga prinsipe ito.

Yung mga kagwapuhan nilang pang Edward Cullen ang peg pero sa tingin ko mas attractive sila kaysa sa mga artista sa movies.

Inakbayan ako bigla ni Blake at sobrang lapit niya,

"Lumayo ka nga." naiinis na sabi ko. Ganito ba talaga ito ka-babaero? Siguro lahat ng babae na dinadaanan niya ganito ang ginagawa niya. Umirap na lang ako habang iniisip iyon.

"Hmm, why?" kunot noo na sabi niya. Naramdaman ko na inamoy amoy niya ang buhok ko kaya nagsi-taasan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

Agad ko siya tinulak at inirapan.

"Basta lumayo ka sa akin." sabi ko at nauna na ulit mag lakad.

"Hey!" Sigaw niya kaya napapikit na lang ako dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako mahabol pero siyempre bampira siya agad niya ako nahabol.

Nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. May naramdaman ako na hindi pamilyar sa aking katawan ng hinawakan niya ako. Parang may umaapoy sa loob ko at naramdaman na nag-iba sa buhok ko.

Napatingin ako sa salamin na dala ko sa mini bag at paling gulat sa nakita.

Ano nangyari sa buhok ko?!

Ano nangyari sa buhok ko?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Don't tell me... Oh my gosh!

"What did you do to my hair?!" Hindi ako nagkakamali na ito rin nangyari kay Kira! Hindi pwede! Alam ko na yata ang ibig sabihin neto pero hindi ako sure!

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon