Chapter 5

48K 1.9K 308
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag kaya bumangon na ako. Inunat ko ang aking sarili at malungkot na ngumiti. So new life for me huh?

Inayos ko na aking sarili at sinigurado na magiging maganda ako sa first day ko. Hindi dapat maging chaka tayo girl, magaganda ang mga bampira dito kaya nakakahiya naman kung hindi ako mag-aayos.

Habang nag susuot ng uniporme na binigay saakin napansin ko ang pag angat ng palda sa aking hita. Irita ko itong binaba nang may kumatok.

"Pasok po." magalang na sabi ko at nakita ko pumasok sila Kevin, Dylan at Jacob. Tumuwid ako sa pagkakatayo at bahagya inayos ang sarili. Shit.

"Young master, ano po ginagawa niyo dito? May kailangan na ho ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"She's indeed beautiful and kind. Gusto ko siya jowain." nakangisi na sabi ni Dylan. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. Gwapo ka pero hindi kita type.

"Shut it Dylan, tigilan mo si Kira." Sabi ni Jacob habang inaayos ang dadalhin kong bag. Agad ako lumapit sa kaniya para pigilan siya sa ginagawa niya. Dadalhin pa ata niya kasi ito.

"Luh parang hindi kapatid eh." nakanguso na sabi ni Dylan kaya sinamaan siya ng tingin ni Jacob.

"Tinignan lang namin kung ready ka na umalis... Ready ka na ba?" Sabi ni Kevin. Tumango ako bilang sagot.

"Kinakabahan lang naman ng kaunti pero keri pa naman." sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Wag ka kabahan. May magiging kaklase ka ring mga tao." Sabi niya. May tao din pala sa eskwelahan na papasukan ko? Katulad din ba nila ako na nahulog sa patibong ng mga prinsipe?

"Ahh, okay po." ang tanging nasabi ko na lang.

"Let's go?" Sabi ni Dylan.

Tumango nalang ako. Paglabas ko bumungad sa akin sila Master Ace at Master Daniel na may nilalarong laruan. Tumaas ang kilay ni Ace na makita na kasama ko sila pero agad din iniwas ang tingin.

Sabay kami pumunta sa main building ng school at doon ako napayuko dahil sa sigawan ng iba.

"Master Ace! Sabay tayo mag lunch!"

"Andrew! Don't forget our date!"

Tsss, ganon ba talaga kagawapo ang mga prinsipe at pinag kakaguluhan sila dito?

"Oh sino naman yan?"

"Humanda yan sa amin mamaya. Anong karapatan niya sumabay sa mga prinsipe? What a bitch."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ng isang babae kaya napatigil ako sa paglalakad. Napalingon naman si Andrew. Dahil lang doon kaya sila nagagalit sa akin? Napakababaw ng mga bampira na ito! Kulang nalang ay patayin ako pag didikit ako sa kanila.

"Hey what's the problem?" Tanong ni Andrew saakin.

"W-Wala po."  pag sisinungaling ko.

"Dahil pa diyan sa mga bampira na yan? Gusto mo isa isahin natin sila?" sabi ni Blake at pinatunog ang mga daliri. Umiling ako at natawa. Hindi naman ako naniniwala na kaya niyang saktan ang mga iyon. Baka mas kumampi pa sila sa mga babae na iyon. 

"Wag na ayos lang, salamat."

"Kung ganon halika na." sabi ni Kevin. Tumango ako.

Tinuloy na namin ang pag lalaka, marami ako nakikita na mga bampira. Red ang mata at may mga pangil pa. Grabe nakakatakot naman baka mamaya sugurin talaga ako. Balita ko naman ay mabibilis ang mga bampira baka wala pa sa isang segundo wala na akong ulo.

"Sige mauuna na kami sa classroom namin. Rhianne dito yung section mo. Mag ingat ka ha?" Sabi ni Kevin, tumango ako at ngumiti. Mabait si Kevin kaya laking salamat ko na hindi siya katulad ni Ace.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon