Chapter 36

24.7K 978 299
                                    

Kira's POV

Pagkatapos ng performance nila bumalik muna kami sa mesa namin dahil may susunod na magpe-perform at mabuti na lang hindi kami iyon.

Nakasandal ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ang nasa harapan na nagpe-perform. Hindi maalis ang aking ngiti habang pinapanood sina Blake at Bea kanina.

Nagulat ako na bigla kinuha ni Ace ang kamay ko at nilagay niya sa kaniyang hita. Napatingin naman ako sa kaniya at parang wala lang sa kaniya at seryosong umiinom mula sa baso habang nanonood rin sa harapan.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking ngiti at nanood na rin sa harapan. Minsan napapaisip ako kung bakit si Ace ang Crown Prince I mean, Si James ang first born ng Royal Family so paano nangyari iyon?

Gusto ko man itanong iyon kay Ace pero kinakabahan ako. Ayoko magalit sa akin si Ace lalo na tungkol sa pamilya niya ang itatanong ko.

"Spill it," nagulat ako sa sinabi ni Ace sa aking tabi at sumulyap sa akin kaya parang nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa ka-gwapuhan niya.

"H-ha?" Nauutal na sabi ko kaya natawa ako at pinaglaruan ang daliri ko na nasa hita niya.

"Something's bothering you so tell me what is it." Sabi niya. Napangiti ako, ang dali niya ako basahin. Nasa akin pa rin pala ang atensyon niya kanina pa. Nag buntong hininga ako at tumingin sa kaniya.

"I was just wondering kung bakit ikaw ang Crown Prince? Don't get me wrong, I was just really confused. James is the first born right? So how come?" Kinakabahan na tanong ko.

Ngumiwi ito at nilapit ang sarili sa akin.

"So you're thinking about James for hours, huh..." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at umiling.

"Hindi ah! Kasama ka naman doon sa iniisip ko, wag ka ano." Nakanguso na sabi ko kaya natawa siya ng mahina at mabilis ako hinalikan sa labi kaya nanlaki ang mga mata ko at luminga kung saan

Sinamaan ko siya ng tingin kaya ngumisi ito at sumandal sa kinauupuan.

"It doesn't mean that he's the first born he will be the Crown Prince, Kira. The Elder Vampires and our Ancestors are the one who will decide for that. I was trained to be the next King so as them." He explained while playing the ice in the glass.

"Ibig mong sabihin pati na rin ang kapatid mo ay nag-train?" Tanong ko.

"Each Prince has duties to fulfill. Me as the Crown Prince, I was trained to be the next king and to rule the RVA, James' duty is to protect our family at all cost and lead the family in right path, Blake has to take care our bussiness on the outside world, Kevin is the one who taking care of our vampire breed from being exposed, Jacob must keep my family's name in good image, Dylan and Andrew are the one who taking care of the rules in RVA and its Council."

Napa-awang ako sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko napansin na halos lahat sila ay may tungkulin na kailangan gampanan. It must really hard to be a prince.

"And Daniel?" Sabi ko.

"He holds the royal family's wealth, riches and currency. But he is too young for that." Seryoso sabi niya at nakatingin sa mga daliri ko na kanina pa niya pinaglalaruan.

"It must be hard to be in Royal Family..." Mahinang sabi ko kaya napatingin siya saakin.

"It was, but not anymore after you came to my life." Sabi niya kaya kinagat ang aking labi. Namula agad ako sa sinabi niya at feeling ko na ang haba ng hair ko.

"We're calling the prescence of Prince Ace and Lady Kira on stage for exciting performance!" Narinig naming sabi sa harapan kaya agad ako kinabahan.

Nanlamig ang mga kamay ko at tumayo na. Lahat ay nakangiti na nakatingin saakin kaya nahihiya ako tumungo. Ace held my hand while his other hand in his pockets.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon