Chapter 4

51.7K 2.1K 651
                                    

Nalaglag ang aking panga dahil sa nakita. May limousine na nakahanda sa harapan namin at puno ng bodyguards sa paligid. Nagtaka rin ako na may mga tao na nakiki usyuso sa nangyayari.

Pinapasok na ako nila sa loob. Napatingin ako sa labas at laking gulat na lang halos naging concert ang subdivision namin sa dami ng tao na nakiki chismis kung ano nangyayari.

Malungkot ako sumulyap sa bahay bago tuluyang umandar ang kotse. Siguro kung hindi ako nagyaya pumunta sa school na iyon hindi sana mangyayari ito, kung sana hindi matanda at makakalimutin ang guro namin edi sana hindi kami maiiwan ng bus.

Lahat ng pagsisisi na nasa isipan ko ay hanggang doon na lang. Siguro tadhana na ang nagdala sa akin dito? Tss...

Tinignan ko ang mga katabi ko na kasalukuyan na seryoso at tahimik. Binasag ko na ang katahimikan.

"Ganon ba kayo kasikat? Halos masira na yung kalsada sa dami ng tao." sabi ko at lumingon lingon sa paligid.

"We are beyond of famous, babe." mahangin na sabi ni Blake.

"Hangin mo Blake!" Sabi ni Jacob at binato ng unan. May unan kasi sa loob ng sasakyan nila. Gusto ko sana umirap, pareho lang naman sila mayayabang.

"Whatever loser," natatawang sabi ni Blake. Gusto ko magalit sa kaniya at lalo na kapag naalala ko ang ginawa niya kay Bea. And about Bea, sinabi sa akin ni Manong Fedi na hinatid na rin niya si Bea sa kanilang bahay kaya guminhawa kahit papano ang aking pakiramdam.

"Shut up both of you." Nanginig ako bigla dahil sa boses na iyon. Nandito si Ace? Hindi ko man lang siya napansin! Kumabog nanaman ang dibdib ko dahil nakita ko siya, susmaryosep.

Nanigas ako sa kinauupuan ko na tinignan niya ako kaya agad ko iniwas ang paningin ko.

"By the way, Rhianne mag aaral ka na sa Academy wag ka mag aalala hindi naman ganong nakakatakot ang school namin." paliwanag saakin ni kevin. Tumango na lang ako at paano yung uniform at pang-enroll ko?

"Pero wala akong pera pang enroll at pambili ng uniform." sabi ko sa kanila.

"Iniisip mo pa ba yan? Babe, wala ka na babayaran." tatawa tawa na sabi ni Blake. Binigyan ko siya na plastik na ngiti.

"Thank you." Sabi ko rito.

"My pleasure," ngising sabi niya.

Maya maya pa nakikita ko na ang malaking school sa kalayuan. Namangha ako sa laki nito.

"Kira, from now on you will call us young master, is that clear?" Sabi ni Ace. Tumango ako sa kaniya at kinakabahang iniwas ang tingin. Ano ba yan Kira! Tinawag ka lang sa first name mo nagka-ganyan ka na!

"Yes po, young master." Tugon ko.

"Good." Sabi niya.

"Wear this, this is a evidence to prove that you already serving someone and you already have masters." sabi ni Jacob sabay abot ng isang kwintas.

" sabi ni Jacob sabay abot ng isang kwintas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon