Chapter 38

24K 881 185
                                    

Kira's POV

Paano ko iyon nagawa? Susundan ko sana yung mga babae para humingi ng tawad pero may humawak sa braso ko at si Ace iyon at walang pinapakita na emosyon. Bakit nangyayari sa akin ito?

Napatingin ako sa malaking buwan na ngayon tinatakpan na ng mga ulap. Bumalik bigla ang mga alaala ko at bigla natulala. Sa gabi na iyon, nawalan ako ng malay at simula na nung pag gising ko kanina ito na ang nangyayari sa akin.

Lumingon ako Kay Ace ngayon nakatitig lang sa akin. Meron ba siya tinatago sa akin? Kumalabog Ang dibdib ko. Napatingin rin ako sa mga kasama namin na umiwas ng tingin sa akin at si Bea ay kinagat ang kaniyang labi at hinihintay ang sasabihin ni Ace.

Sumama bigla ang timpla ng pakiramdam ko. May pakiramdam ako na may tinatago sila sa akin, pero bakit?

"Excuse us," malamig na sabi ni Ace. Bago pa na pigilan siya ng mga kasama namin ay hinawakan niya na ang kamay ko at bigla nag-teleport sa malaking room niya.

Agad ako humiwalay sa kaniya at humarap sa kaniya.

"May tinatago ka ba sa akin?" Tanong ko diretsuhan. Nagbuntong hininga ito at lumapit sa akin.

"You don't understand..." sabi niya at hinawakan ang mukha ko pero umiwas ako.

"Just tell me the truth, Ace." Madiin na sabi ko pero hindi pa rin siya nagpatinag.

"You need some rest. Don't think about it again..." Sabi niya at hinawakan ang wrist ko. Inis ko siya tinignan at pa-dabog na inalis iyon.

"About what? Oh, you want me to forget about what happened Ace? I almost killed that girl! Ano gusto mo gawin ko ulit, forget all of this and pretend like there's nothing happened?" Nauubos na ang pasensya ko dahil sa kaniya.

Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin ang totoo?

"I'm doing this for your own good." Ang tanging na sabi niya.

"So you're really not going to tell me the truth?" Naiinis na sabi ko. He hold my hands.

"I'm scared that you will hate me for this, Kira. I'm doing this for your own sake. I've never been this scared for my whole life, baby..." Hindi ko siya maitindihan. Gulong gulo na ang isipan ko. Isa lang naman ang gusto ko, ang malaman ang katotohanan.

I've been ignoring the truth for so long. I thought it was nothing serious even though I know that there's something wrong with me. I still ignored it because I trust him.

But this time, I'll not ignore it again. I will face the truth and never run away from it.

"I just want you to tell the truth, Ace..." I said. My voice almost cracked because of the uncontrollable emotion.

Natigilan siya ng ilang sandali at huminga ng malalim.

"You're not a human, Kira." Parang ako binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Napatitig ako sa kaniya at hinihintay na bawiin iyon o sabihin nagbibiro lang siya.

"A-ano?" Hindi ko alam ang sasabihin ko o dapat na reaction ko. Nanlamig ang buong katawan ko.

"You are a Moon Warrior, vampires who serve the Moon. You're our enemy, Kira."

"I-I don't get it, Ace. Paano? Tao ako, sigurado ako. Baka mali ang conclusion niyo, Ace!" Natataranta na sabi ko. Naramdaman ko ang init sa sulok ng mga mata ko.

My parents abandoned me that's what my Auntie said. Laking utang ng loob ko kay Auntie dahil sa pag kupkop niya saakin at malaki ang tiwala ko sa kaniya. Siya ang una ang makaka-alam kung ano ang mali sa akin at siya mismo ang nag sasabi at umaamin sa akin kung ano iyon.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon